|| third installment of "habit series" ||
Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother was very against her dream of pursuing arts. While she's being forced to take a course she never wa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I passed the college entrance examination in URST. Tinulungan ako ni Fierro na mag-review ng mga dapat review-hin kahit na busy rin siya sa sarili niyang pag-aaral.
I know that I should be happy kasi naipasa ko yung isa sa pinakamahirap na exam na nai-take ko. Pero yung pakiramdam ko ngayon, parang wala lang. Hindi ko mai-explain kung masaya ako o para bang wala lang itong nararamdaman ko.
Dumating na rin ang iba ko pang gamit galing sa bahay namin sa Tarlac kaya naman ngayon, inaayos ko na ang mga 'yon sa k'warto ko dito at inilalagay sa mga dapat nilang paglagyan. Marami pang oras dahil first week pa lang ng pasukan at orientation at introduction pa lang naman ang ginagawa.
Sa kalagitnaan ng pag-o-organize ko ng gamit, napatigil ako sa pagkuha ng mga 'yon sa box nang makita ko ang mga art materials ko na hindi ko alam na pinadala rin pala ni Manang. Mga gamit ko 'yon noong nag-aaral pa ako ng Fine-Arts sa Tarlac. Marahan kong kinuha ang sketch pad saka naupo sa gilid ng kahon.
Oras na binuklat ko 'yon, umagos ang mga luha ko dahil kita at ramdam ko pa sa bawat drawing ko ro'n yung buhay . . . yung pagmamahal ko sa art. Bumalik sa alaala ko lahat ng masasayang araw na gumuguhit at nagpipinta ako . . . kapag ginagawa ko ang activities noon tulad ng photography, dancing at painting.
Kinuha ko ang mga watercolor at paint brushes na nandoon sa lalagyanan sa loob ng box. Nag-angat ako ng tingin at ang unang bumungad sa akin sa harap ko ay ang makakapal kong libro ngayon bilang isang BS Biology student at ang lab gown kong nakahanger at nakasabit sa handle ng cabinet. Nang inikot ko ang paningin ko, napagtanto ko na wala man lang bakas ng pagmamahal sa art ang k'warto ko.
Parang nakalimutan ko na sa maikling panahon kung ano yung mahal ko.
Niyakap ko nang mahigpit ang sketch pad at ang mga art materials na hawak ko saka umiyak nang umiyak. Ibinuhos ko lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayong marami akong napagtanto sa mga naging desisyon ko.
Nagdesisyon akong pasukin ang mundo ng pagdo-doctor nang hindi man lang iniisip kung anong hawak ko. Naging madali para sa akin na bitiwan ang Fine-Arts, gayong pinaghirapan ko 'yon ipaglaban sa pamilya ko. Natuto akong magtipid at kumita ng pera, pumasok ng scholarship para sa pangarap kong 'yon . . .
Sa pangarap kong ang dali ko lang din palang bibitiwan sa huli.
I'm sorry.
Hindi ko alam kung kanino ako dapat mag-sorry.
Hindi ko alam kung kanino ako nagso-sorry. Ang alam ko lang, kailangan kong humingi ng tawad pero hindi ko alam kung saan o kung kanino. Alam kong wala namang mali sa ginawa ko. Sa ganitong pagkakataon, alam ko na ito yung pinakatamang desisyon na dapat gawin dahil wala namang mararating ang pride ko, lalo na't kailangang-kailangan ako ni Mommy.
Pero sa ginawa ko . . . pakiramdam ko, kailangan kong humingi ng tawad habang-buhay.
***
"Ito yung notes ko last year, tinabi ko kasi baka magamit sa pagre-review para sa board exam. Gamitin mo na muna, marami akong nakuhang sagot d'yan noon. One year ahead lang naman ako sa 'yo kaya siguradong makukuha mo rin yung mga sagot na nakuha ko noon," mahabang paliwanag ni Fierro habang nasa library kaming dalawa.