Chapter 51

68 2 0
                                    

   

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   

Oras na makarating ako sa waiting area ng airport, nakita ko kung gaano karaming tao ang naghihintay doon ng mga susunduin nila. May iba na may hawak na full name ng hinihintay nila at ang iba naman ay may dala pang mga bulaklak. Medyo maingay rin dahil ang iba, tinatawag ang pangalan ng sinusundo nila. Feeling ko, hindi ko makikita dito si Fierro sa sobrang dami ng tao.

Kukuhanin ko na sana ang cellphone ko para tawagan siya nang—sa kabila ng ingay sa lugar—narinig ko ang boses niya.

"Nandito ako!"

Lumingon ako sa kung saan nanggagaling ang boses niya.

"Calista!"

Napangiti ako nang malawak nang makita siya sa kalagitnaan ng maraming tao. Lumapit ako sa kan'ya at nakiraan sa mga nasa harapan para mapuntahan siya. Oras na magkalapit kaming dalawa, mabilis niya akong niyakap.

"Sorry, kadarating ko lang. Galing ako sa university, eh," sabi niya habang yakap ako.

Tinapik ko ang likod niya. "Ayos lang, ano ka ba!" I chuckled. "Ang mahalaga, nandito ka na."

Kumalas siya sa yakap at iniabot sa akin ang isang bouquet ng kulay pink na tulips. Tumawa ako nang dahil do'n kasabay ng pagkuha niya sa maleta ko. Kumapit ako sa braso niya at sabay kaming naglakad palabas ng airport.

"Saan mo gustong kumain?" tanong niya.

"Sa condo mo na lang. Magpa-deliver ka na lang para hindi ka na mapagod."

"Wala namang nakakapagod doon," natatawang sabi niya.

"Eh, just spend your time with me. Miss na kita."

Tumawa na lang siya bilang tugon.

Sumakay kami ng taxi at nagpahatid deretso sa condo niya. Siya na ang nagbitbit ng lahat ng dala ko kaya naman yung bouquet lang ang hawak ko hanggang sa makarating kami sa condo niya. Mabilis kong tinungo ang k'warto niya para mahiga dahil mahigit fifteen hours akong nasa byahe. Nahihilo ako at masakit din ang katawan ko sa tagal kong nakaupo sa eroplano.

"Anong gusto mong kainin?" tanong niya.

"Chicken na lang at rice, okay na 'yon."

Tumango siya bago pumindot sa hawak na cellphone. Ako naman ay ipinikit ang mga mata dahil sa pagod na nararamdaman. Ayaw ko pang matulog dahil gusto ko pang kumain muna at maka-bonding siya. Ang tagal naming hindi nagkita.

Sa kalagitnaan ng pagpapahinga ko sa kama niya, narinig ko ang pagpasok niya. Hindi siya nagsalita kaya naman akala ko, magpapahinga rin siya sa tabi ko. Pero ilang sandali lang, narinig ko na may kaluskos kaya naman nagmulat ako ng mga mata. Nakita ko siya na nagbubuklat ng aklat habang nakaupo sa study table niya.

Napasimangot ako. "Fierro . . ."

Mukhang nagulat pa siya nang tinawag ko siya. Lumingon siya sa akin bago naupo sa tabi ko.

Love At The Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon