After naming kumain ng dinner sa bahay, lumabas kami ni Fierro para maglakad-lakad. Pinagkukwentuhan pa rin namin yung mga napag-usapan kanina sa dinner at isa sa mga hindi ko kayang kalimutan, kung paano ako pinaniwala ni Mommy na hindi niya alam na umaalis ako!
"Nakakainis talaga 'yon, mahigit isang taon na akong tumatakas sa kan'ya, all along, alam naman pala niya?" pagrereklamo ko.
Tumawa siya bago kinuha ang kamay ko saka pinagsalikop ang mga daliri namin. "Normal lang naman sigurong malaman niya 'yon, nasa iisang bahay lang kayo, eh."
Ngumuso ako bago nag-angat ng tingin sa kan'ya, patuloy pa rin kami sa paglalakad. "Kahit na. She could've confronted me the first time she caught me, 'di ba? Kaso, hindi. Hinayaan niya ako. Who knows, baka pinanonood niya akong magmukhang tanga sa pagkilos, 'wag lang gumawa ng kahit kaunting ingay para makalabas nang mapayapa?"
Nang may makitang waiting shed, inaya ko siya ro'n dahil medyo masakit na ang paa ko, medyo malayo na kami sa bahay dahil kanina pa kami naglalakad. Mukhang kailangan ko magpahinga.
Naupo kaming dalawa ro'n pero hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko. Lumingon siya sa akin, mukhang may sasabihin na tungkol sa mga rant ko kay Mommy.
"Baka gusto niya lang na magsabi ka sa kan'ya sa lahat." Ngumiti siya bago inilagay sa likod ng tainga ko ang takas na buhok. "May tiwala siya sa 'yo, sigurado ako ro'n, kaya 'wag mo nang isipin masyado 'yan. Dapat nga matuwa ka dahil hindi siya nagalit sa 'yo, eh."
Nagbuntonghininga ako. "Ngayon mo lang na-meet si Mommy pero pinagtatanggol mo na siya."
Humagalpak siya ng tawa bago binitiwan ang kamay ko saka umakbay sa akin para mas ilapit ako sa kan'ya. "Nagtampo ka naman agad," natatawang sabi niya. "Mommy mo naman 'yon."
Kunwari'y umirap ako sa kan'ya nang nakanguso bago muling nagsalita, nag-iiwas ng tingin. "Y-Yung mga sinabi mo kanina sa kan'ya . . . p-pwede mo rin bang sabihin sa akin 'yon?"
Kumunot-noo siya bago humarap sa akin nang mabuti. "Alin? Yung sinabi kong first meeting natin o yung kung kailan kita nagustuhan?"
Nagbuntonghininga ako sabay irap. "Hindi 'yan, alam ko naman nang patay na patay ka sa akin, Fierro. Given na 'yon." Humagalpak siya ng tawa. "Ibig kong sabihin, yung . . . tungkol sa orphanage?"
Mabagal na nawala ang ngiti sa labi niya nang banggitin ko ang tungkol doon. Ilang sandaling katahimikan ang nagdaan sa pagitan naming dalawa bago muling hinawakan ng kaliwang kamay niya ang kamay ko saka ipinatong sa kandungan niya. Tumingin siya sa madilim na kalangitan kasabay ng paghawak din ng kanang kamay niya sa kamay k0.
"Hindi ko naman na tanda lahat ng detalye pero kinwento lang sa akin ni Mother Flor na, almost four years old na raw ako noong dinala ako sa orphanage ng tatay ko. Dahilan niya, wala nang mag-aalaga sa akin at palagi siyang umaalis-alis para sa work niya. Habang nasa orphanage ako, masyado pa yata akong inosente sa mundo kasi palagi kong pinagdarasal na sana, kuhanin na ulit ako ng mga magulang ko ro'n—kasi sabi ng mga madre na nakasama ko, kukuhanin din nila ako kapag kaya na nila."
BINABASA MO ANG
Love At The Coffee Shop
Novela Juvenil|| third installment of "habit series" || Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother was very against her dream of pursuing arts. While she's being forced to take a course she never wa...