Habang naglalakad-lakad sa labas, na-realize ko na mas malamig pa dito kaysa sa loob ng coffee shop. Malamig na ang hangin na ibinubuga sa amin ngayon. Madaling-araw na rin kasi.
"Ang ganda ng . . . boses mo."
Nakita ko sa gilid ng mga mata na lumingon siya sa akin dahil do'n.
"Ngayon mo lang ba ako narinig kumanta?"
Tumango ako bago kinaskas ang dalawang palad sa isa't isa. Lumingon siya doon bago ako nagsalita.
"Oo. Usually, naririnig ko lang yung humming mo."
Tumango-tango siya. "Bakit gan'yan lang ang suot mo ngayon?"
Bahagya akong natawa. "Hindi ko naman kasi planong makipaghabulan sa barangay tanod ngayon."
Tumawa siya bago kinuha ang isang kamay ko. Napalingon ako sa kan'ya namg dahil do'n.
"Wala akong jacket ngayon kaya heto muna."
Pinanood ko kung paano niya ibinulsa ang kamay kong hawak niya habang naglalakad kami. Napalunok pa ako nang maramdaman ko na pinagsalikop niya ang mga daliri namin sa loob ng bulsa niya.
Sayang . . . gusto ko pa namang makita.
Tumikhim ako at ibinulsa na rin ang kanang kamay ko. Ikinuyom ko 'yon para mapigilan ang kung ano mang kakaibang nararamdaman ko ngayon.
Kaba . . .
Saya . . .
Kilig . . .
Gusto kong ngumiti pero hindi ko p'wedeng gawin 'yon. Nagpapaka-gentleman lang yung tao dahil alam niyang nilalamig ako!
"Yung totoo . . . hindi ko rin alam yung sagot sa tanong mo."
Napalingon ako sa kan'ya nang dahil do'n. "Huh?"
Lumingon siya sa akin at ngumiti. "Hindi ko rin alam kung bakit . . . bakit ginawa kong libangan ang makipag-away doon kaya . . . kahit na gusto kong sagutin lahat ng tanong mo, hindi ko magawa."
Lumiko kami sa isang kanto. Do'n ko lang napagtanto na papunta kami sa graffiti zone kaso, wala naman kaming spray paint.
Sana may hinabol ng tanod kanina para may nakakalat na spray paint doon.
"Ang tanging sagot lang na nakuha ko sa loob ng dalawang linggo na tinanong ko ang sarili ko . . ."
Tumingin ulit ako sa kan'ya nang hindi niya tinapos ang sinabi niya.
"Ano?" tanong ko.
Ngumiti siya nang bahagya. "Kung masasaktan lang din ako, doon na sa may pahintulot ko. Doon na sa inasahan ko . . . at doon na sa mga taong wala akong pakialam sa buhay. Doon sa taong wala akong relasyon. Sa taong walang kinalaman sa buhay ko."
BINABASA MO ANG
Love At The Coffee Shop
Fiksi Remaja|| third installment of "habit series" || Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother was very against her dream of pursuing arts. While she's being forced to take a course she never wa...