Chapter 10

103 7 0
                                    


     

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     

Nagbuga siya ng malalim na buntonghininga bago tumingin deretso sa mga mata ko.

"Handa ka ba sa mga malalaman mo?"

Hindi ako nakasagot kaagad. Ilang beses pa akong napalunok bago tumango. Isang malalim na buntonghininga ulit ang binitiwan niya bago siya ngumiti nang bahagya.

"Sundan mo ako."

Tumalikod na siya at naglakad nang marahan. Napakuyom ako ng kamao sa sobrang kaba pero binalewala na lang 'yon at tahimik na sumunod sa kan'ya. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, sobrang laking parte ng pagkatao niya ang malalaman ko ngayon kaya naman kahit na natatakot ako, pilit pa rin akong sumunod sa kan'ya.

Ilang minuto pa kaming naglakad nang naglakad hanggang sa mas dumilim na ang paligid dahil halos wala nang street lights. May mga mangilan-ngilang tao na rin akong nakikita at maingay sila, kabaliktaran kung gaano mukhang tahimik ang paligid.

Makalipas ang maraming minuto, huminto kami, ilang metro malayo sa nakapaikot na mga kabataan na naghihiyawan. May isang street light ang nagbibigay liwanag doon pero hindi tulad ng sa iba, mas malabo na ang ilaw na ito at medyo namamatay-matay.

"Dito ako palagi."

Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya. Deretso lang ang tingin niya sa nakaipon na mga tao sa 'di kalayuan. Mga naghihiyawan at nagtatalunan din.

"Hindi naman na siguro lihim sa 'yo. Mahilig akong makipagbasag-ulo. At dito ko madalas ginagawa 'yon. Minsan, nalilipat ng lugar, pero madalas, dito."

Napalunok ako kasabay ng mas mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Boss!"

Lumingon ako sa lalaking tumawag sa kan'ya. Tumatakbo ito papalapit sa amin.

"Akala ko pass ka ngayon?" tanong pa nito bago lumingon sa akin. Ngumiti siya. "Hi!"

Narinig kong nagbuntonghininga si Fierro. "Sa susunod na lang ako." Lumingon sa akin si Fierro. "Sige na, bumalik ka na doon."

Tumango ang lalaki bago bumalik na sa nagkukumpulan na mga tao. Ma slalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung anong klase ba ng tao si Fierro at bakit niya ito ginagawa.

Kinakabahan ako.

"A-Are you a part of a gang? A fraternity?" I asked nervously.

He chuckled. "I'm not. Hindi ko kailangan ng kapatiran."

I gulped as I looked at him. "Then . . . why are you doing this?"

Lumunok siya bago tumingin sa akin nang deretso sa mata. "Hindi naman lahat ng bagay kailangan ng rason, Calista." Ibinalik niya ang tingin sa harapan. "Ito lang ang alam kong gawin."

Nagsimula na siyang maglakad papalapit doon sa mga tao. Napalunok ako nang sunod-sunod habang kinakabahang sumunod sa kan'ya.

"Ayan, sige! Tirahin mo kaagad!"

Love At The Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon