Nang matapos kong i-close ang chest ng pasyente na inoperahan, lumabas na ako ng operating room at hinubad ang mga gloves at mas na ginamit doon. Pagkatapos, dumeretso ako sa nurse station para tingnan kung marami bang pasyente sa ER. Mabuti na lang at hindi gaano kaya kaya nang daluhan ng mga emergency doctors ang mga pasyente.
"Doc, may delivery ulit para sa 'yo."
Napakunot-noo ako nang iniabot sa akin ni Nurse Sab ang isang bouquet ng bulaklak at paper bag mula sa isang kilalang restaurant. Narinig ko pa ang pagtawa niya.
"Kumain ka na raw, sabi ng manliligaw mo sa pediatric department."
Tinawanan ko na lang siya bago dinala sa department office ang mga 'yon. Nakita ko ang ibang doctors na nakaharap sa computer. Ang iba naman ay nagkakape sa lamesa. Ibinaba ko ang paper bag doon saka naupo. Kinuha ko ang maliit na card sa bouquet at binasa ang nakasulat doon.
Doc C,
I bought you food because I heard that you have a surgery that started earlier today. Eat these as you rest. I hope you liked these flowers. I love you.
-Doc F.
Mahina akong natawa bago ibinalik sa loob ng envelop ang card saka ibinaba na rin ang bulaklak sa table. Kinuha ko ang paper bag saka inilabas ang mga laman n'on. It was rice with beef broccoli and coffee jelly as a dessert. I chuckled before I started eating it.
Hindi pa ako nakakasubo, may mga pumasok na ulit sa loob.
"Halika, kain na tayo," sabi ko sa dalawang doctor na mas bata sa akin.
Ngumiti sila sa akin. "Eat well, Doc! Kakakain lang namin sa cafeteria."
Tumango ako bago sumubo na ng kain at ulam.
It's been half a year since Fierro and I talked at the graffiti zone. It's been half a year since he said that he'll court me. Ganito pala feeling ng nililigawan. Back then in senior high school, hindi ko naman naramdaman na niligawan niya ako. Naiisip ko pa nga noon na may iba siyang nililigawan dahil laging binabanggit 'yon ni Barista. Also, hindi naman siya nagsabi na ako pala ang nililigawan niyang 'yon.
In my college and med school years, I've had a lot of suitors but I entertained no one. My life was too miserable to entertain such men that I didn't even like in the first place. Making friends with my classmates was hard enough for me. Kung papayag akong magpaligaw at kung sakali man na magustuhan ko sila in the process, I don't think I'll survive, given that I had a lot of mental breakdowns and the process of studying this field is so hard.
Ngayong doctor na ako at nasa proseso na ako ng pagiging cardiothoracic surgeon, it's still hard for me to find time for myself. I had a lot of times that I needed to assist a few surgeries in a day so I'm having straight duties. Kapag maraming pasyente, I couldn't even sleep even for a minute because, whenever I feel like doing it, guilt always crept in me.
BINABASA MO ANG
Love At The Coffee Shop
Подростковая литература|| third installment of "habit series" || Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother was very against her dream of pursuing arts. While she's being forced to take a course she never wa...