"Calista . . ."
Napatigil ako sa pagpipinta sa pader ng k'warto ko nang marinig ang boses ni Mommy sa loob. Lumingon ako sa kan'ya habang hawak ang palette na puno ng iba't ibang kulay ng pintura.
"Bakit po?"
Ibinaba niya sa kama ko ang ilang piraso ng leaflets. Mabilis na nawala ang ngiti sa labi ko nang malaman kung ano 'yon.
"Choose a university that you want to have your pre-med course in. I will set an appointment for you to take your early entrance examination. Kung gusto mo naman, mag-take ka na ng entrance exam sa lahat ng 'yan, then choose afterwards kung saan ka mag-e-enrol."
Bumagsak ang magkabilang balikat ko nang tumalikod si Mommy at muling lumabas ng k'warto ko. Ibinalik ko ang tingin sa leaflets na nakakalat sa kama ko. Ibinaba ko sa table ang palette at brush na hawak bago tinanggal ang apron saka naupo sa kama. Kinuha ko ang mga papel na nakakalat at tiningnan ang mga 'yon isa-isa.
Natawa na lang ako nang mapait nang mabasa ang mga pangalan ng university na 'yon.
"Kapag tungkol sa pagdo-doctor, ang dami niyang pera. Kapag tungkol naman dito sa gusto ko, akala mo kami na ang pinakamahirap na pamilya sa mundo para tumutol at huwag akong suportahan."
Nilukot ko ang lahat ng leaflets na hawak saka itinapon 'yon sa basurahan. Niligpit ko na rin ang mga gamit ko sa pagpipinta dahil nawalan na naman ako ng gana.
Mommy has been very strict to me, especially now that I am a grade 12 student. Kinukulit na niya ako sa pagkuha ng entrance exam sa iba't ibang universities kahit na isang buwan pa lang ang nagdaraan simula ng magpasukan.
Kinuha ko na lang ang sketch pad ko at nagsimulang mag-doodle ng kung ano lang na maisip ko. Gusto ko pa sanang ipagpatuloy ang pagpi-paint sa k'warto pero sobrang nawalan ako ng gana dahil dito kay Mommy.
Kasalanan ko ba talaga na hindi siya naging doctor? Napapailing na lang ako.
Nang mag-7:30 p.m., kumatok si Manang bago pumasok sa loob ng k'warto. "Cali, dinner na kayo, hija."
Napanguso ako bago lumingonsa kan'ya. "Ayaw kong kumain kasabay si Mommy."
Umiling siya. "Hindi p'wede, hija. Alam mo namang ako rin ang malalagot kapag hindi ka sumunod sa akin sa ibaba."
Napanguso ako bago isinarado ang sketch pad. Tama naman siya, kahit na ako ang mali, na kay Manang pa rin ang sisi sa huli dahil hindi niya ako napapasunod paminsan-minsan. Hindi ko alam kung anong point ni Mommy pero bahala na nga siya.
Nang makarating sa dining area, tahimik akong naupo at kumuha ng pagkain. Tahimik lang din si Mommy habang kumakain. Bakas na bakas talaga sa bawat galaw niya ang pagiging elegante. Kung hindi ko siya kilala, iisipin kong twenty-five years old pa lang siya!
Sa kalagitnaan ng pagkain namin ng hapunan, nagsalita siya. "Nakapili ka na ba?"
Napalunok ako bago humawak nang mahigpit sa kutsara't tinidor, pilit na hindi tumitingin sa kan'ya. "Hindi po ako magdo-doctor."
BINABASA MO ANG
Love At The Coffee Shop
Jugendliteratur|| third installment of "habit series" || Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother was very against her dream of pursuing arts. While she's being forced to take a course she never wa...