Halos dalawang oras na ang nakaraan simula nang makauwi ako mula sa school. Nasabihan ko na rin si Mommy na ngayong dinner pupunta si Fierro kaya naman sinabihan na rin niya si Manang na maghanda dahil may bisita.
As much as I want to appreciate her efforts tonight, hindi pa rin mawala-wala ang kaba sa akin. Sa tuwing naaalala ko kasi ang reaksiyon ni Fierro noong sinubukan kong magtanong ng tungkol sa buhay niya, nasasaktan ako kasi alam kong ayaw niyang buksan ang sarili niya para sa akin.
Ayaw kong makita ni Mommy yung ganoong reaksiyon ni Fierro kung sakali mang may itanong siya na hindi handa si Fierro na pag-usapan. Natatakot ako.
Nakaligo na ako, kanina pa. Tuyo na rin ang buhok ko dahil nakapag-blowdry na pero hindi pa rin ako nagtatanggal ng bathrobe. Hanggang ngayon, naghahanap pa rin ako ng magandang damit na isusuot ngayon na hindi ako magmumukhang overdressed.
Bakit naman kasi biglaan itong mga plano ni Fierro?!
Nang makakita ng casual and modest dress na kulay pink, 'yon na lang ang kinuha ko mula sa loob ng closet. Tumingin na muna ako sa wall clock habang tinatanggal ito sa hanger. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang 7:10 p.m. na! Nagmadali na akong magbihis.
7:30 p.m. ang usapan namin! I only have 20 minutes left to prepare at hindi pa ako nakakapag-ayos! Isa pa, knowing Fierro, hindi naman siya darating dito nang eksakto sa oras!
I know that he will show up earlier than the said time!
Matapos maisuot ang damit, naupo na ako sa harap ng vanity saka nag-apply ng kaunting makeup. Inayos ko ang kilay at pilik-mata ko para mas maging presentable akong tingnan. Tapos, nag-apply din ako ng blush on at kaunting lipstick.
Habang kumukuha ako ng hair clip sa drawer ko, narinig kong may kumatok sa pinto. Lumingon ako ro'n, kasabay ng pagbukas nito. Nandoon si Mommy, nakahawak sa door knob.
"Nandito na ang boyfriend mo."
Nag-init ang mukha ko dahil do'n kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. Humarap ulit ako sa salamin at nagpatuloy sa paghanap ng hair clip.
"S-Susunod na po ako."
Nakita ko sa reflection na tumango si Mommy pero nakatingin pa rin siya sa reflection ko sa salamin. Nag-iwas ako ng tingin at itinuloy na ang pagkabit ng hair clip, hanggang sa tumalikod na siya at naglakad na palabas ng k'warto, saka isinarado ang pinto.
Nakahinga ako nang maluwag kasabay ng pagsubsob ng mukha ko sa sobrang kaba.
Ano bang ginagawa ni Mommy?! Sinasadya niya bang pakabahin ako lalo?!
Nang matapos mag-ayos at makapagsuot ng black na flat sandals, lumabas na ako ng k'warto. Marahan akong naglakad pababa ng hagdanan. Lalong kumabog ang dibdib ko nang makita na nakaupo si Fierro sa couch sa living room, nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Love At The Coffee Shop
Fiksi Remaja|| third installment of "habit series" || Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother was very against her dream of pursuing arts. While she's being forced to take a course she never wa...