"Close na kayo?!" malakas na sabi ni Frieda matapos umalis ni Fierro para lumapit sa P.E. professor namin.
Umiwas ako ng tingin. "H-Hindi, 'no!"
Tumawa siya nang peke. "'Tang ina, nagpapa-cheer sa 'yo tapos hindi kayo close?! Sa lahat naman sa atin, may iba rin naman kaibigan na babae 'yan, bakit sa 'yo nagpapa-cheer?!"
I gulped once again. "H-Hindi nga kasi!" I bit my lower lip. "B-Baka gagamitin niya sa . . . PerDev."
Humagalpak siya ng tawa. "Putang ina mo, nahahawa ka na kay Mona! Ginagawa mo na rin dahilan ang PerDev! 'Tang ina!"
Tumingin ako sa kan'ya saka ngumisi. "Sus, ikaw nga ginagamit mo ang PerDev para mapalapit kay Mark, eh."
Umawang ang bibig niya kasabay ng pagkawala ng kulay niya sa mukha. Humagalpak ako ng tawa do'n.
"H-Hindi, 'no! Hindi ko . . . crush 'yong madaldal na 'yon!"
Mas lalo akong natawa. "Wala naman ako sinabing crush mo!"
Kung kanina namumutla siya, ngayon naman namumula na siya! Mas lalo ko lang napatunayan na crush niya nga si Mark! Grabe, akalain mo 'yon, magkakagusto na lang siya, sa kapwa niya pa maingay!
"Epal!" Umirap siya bago humalukipkip. "Pero paano kayo naging gano'n ni Fierro? Hindi naman kayo nagpapansinan masyado last year, ah?"
Napanguso ako kasabay ng pagkibit-balikat. Pinanood kong mag-warm up ang mga kaklase kong lalaki na naghahanda na para sa volleyball game nila.
"Lagi ko siyang nakikita sa kung saan ako nagpupunta every 10:00 p.m."
Narinig ko ang pagsinghap niya. "Don't tell me, pareho kayong nagba-vandalize?!"
Tumingin ako sa kan'ya nang tumatawa. "Tanga, hindi!"
"Pota, natanga pa."
I laughed. "Sabi niya, dati niya pa raw ako nakikita sa lugar, kaso yung first time ko siyang makita ro'n, noong first week of July yata, I think? Basta pareho kaming hinahabol ng barangay tanod no'n pero sa magkaibang dahilan. Nagkasalubong kami habang tumatakbo galing sa magkaibang daan, tapos hinawakan niya ako sa palapulsuhan, tapos sabay kami tumakbo."
Tumawa siya nang tumawa. "Grabe, ang weird! Ang weird na kinikilig ako kahit na hinahabol na kayo ng tanod, pota! Taga-sana all na lang ba ako sa lovelife ng iba?!"
Kinurot ko siya sa tagiliran. "Gaga, anong lovelife?!"
She grinned while poking my belly. "Dahil d'yan nagsimula ang love story ng lolo at lola ko—charot!"
I laughed. "Gaga ka, sobrang bago ng line mo, ah?" I rolled my eyes at her. "But . . . anyway, to continue the story, napadalas yung pagkikita namin doon hanggang sa . . . ayon. Nagkakape kami sa KSD."
BINABASA MO ANG
Love At The Coffee Shop
Novela Juvenil|| third installment of "habit series" || Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother was very against her dream of pursuing arts. While she's being forced to take a course she never wa...