Gusto kong magwala dahil hindi ko alam kung anong pumasok ko at bakit nasabi ko 'yon kay Fierro! Ngayon tuloy, siguradong mag-e-expect siya sa kung anong sasabihin ko dahil sa sinabi ko kanina. Nakauwi na ako kanina pa pero hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang hiya at pressure dahil dito.
Argh!
"Calista, kakain na," rinig kong tawag sa akin ni Manang habang nakasubsob ako sa kama.
Napasimangot ako dahil ramdam ko pa ang hapdi ng itaas ng tiyan ko hanggang ngayon. Kanina pa sumasakit 'to noong kasama ko si Fierro pero mas naramdaman ko ngayong nandito na ako. Hindi ko rin gets kung ano ba sumasakit—sikmura ba o tiyan—pero pati puso ko, humahapdi na ngayon.
"Sige po, sunod ako, Manang," sagot ko habang nakasubsob ang mukha sa unan.
Narinig ko pa ang pagtawa niya bago umalis saka isinarado ang pinto. Nagbuntonghininga ako bago bumangon saka hinawakan ang tiyan.
"Ang sakit. Bakit ba kasi tinanggap ko pa yung kape na bigay ni Fierro?" Napabuntonghininga na lang ulit ako.
Tumayo ako at naglakad palabas ng k'warto nang bahagyang nakayuko. Hawak ko pa rin ang tiyan kong ramdam na ramdam ko na ang sakit. Pakiramdam ko, kapag kumain ako, susuka ako.
Nang makarating ako sa dining area, naupo na ako sa pwesto ko. Nakasimangot ako habang si Mommy ay nagsasandok ng pagkain sa plato niya.
"Bakit nakasimangot ka?" tanong niya. Hindi ako kumibo. "Kumain ka na, mukhang gutom ka na."
Nagbuntonghininga ako bago naglagay ng kanin sa plato ko. Baka nga nagugutom lang ako. Hindi pa naman ako nagmimiryenda bukod sa kape na ibinigay sa akin ni Fierro.
Habang kumakain ng hapunan, napangiwi ako nang hindi pa yata ako nakakasubo ng tatlong kutsarang pagkain, naramdaman ko nang gusto ko nang sumuka. Yumuko ako kasabay ng pagpikit ng mata nang mariin.
"Mommy, sakit ng tiyan ko," bulong ko.
Napakunot-noo siya. "Bakit? Anong kinain mo?" Umiling ako. "Baka naman nalipasan ka na ng gutom?"
Napabuntonghininga na lang ako kasabay ng mas paghigpit ng hawak ko sa tiyan. Ilang sandali pa, napahawak ako sa bibig ko bago ako tumakbo sa sink saka isinuka lahat ng kinain doon. Mabilis akong dinaluhan ni Manang ng tubig at tissue.
"Uminom ka muna kaya ng gamot, baka sa sikmura mo 'yan?" tanong ni Mommy.
Hindi ko na nagawa pang sumagot nang umalis si Manang para kumuha ng gamot sa first aid kit cabinet namin. Ininom ko na lang ang tubig na ibinigay sa akin ni Manang pero hindi pa rin nawawala ang sakit ng tiyan ko. Ilang sandali pa, bumalik siya saka iniabot sa akin ang gamot.
"Inumin mo muna at magpahinga ka na sa k'warto mo. Bibisita-bisitahin kita ro'n o kaya itawag mo sa telepono sa baba ang mga kailangan mo, dadalhin ko sa 'yo, ha?" mahinahong sabi ni Manang.
BINABASA MO ANG
Love At The Coffee Shop
Teen Fiction|| third installment of "habit series" || Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother was very against her dream of pursuing arts. While she's being forced to take a course she never wa...