|| third installment of "habit series" ||
Calista Fernandez loves coffee and art above anything else. Though she's living a well-off life, her mother was very against her dream of pursuing arts. While she's being forced to take a course she never wa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nagkatinginan lang kaming dalawa pagkatapos niyang sabihin 'yon. Ni hindi ko alam kung anong ire-react ko. Gusto kong matuwa kasi parang binabakuran niya naman ako pero baka mamaya, pinapaasa ko naman ang sarili ko.
Baka concern lang siya sa well-being ko at ayaw niya akong mag-boyfriend ng kung sino-sino lang, gayong hindi ko na nga maiayos ang pag-aaral ko.
"Uhh . . . i-ituloy mo na." Tumikhim siya. "N-Naibigay mo ba sa kan'ya yung drawing?" medyo nauutal na sabi niya.
Parang nagulat pa ako noon dahil hindi ko na tanda kung anong huling ikinwento ko tungkol sa kan'ya. Inalala ko pa kaya medyo natahimik pa ako ng ilang segundo bago muling nagsalita.
"So, ayon, medyo may inayos lang ako sa drawing. Noong natapos na, tinawagan ko yung number na ibinigay niya sa akin. Nakipagkita siya sa akin sa labas ng Quantum. Tulad ng nasa picture, malawak din ang ngiti niya nang sinalubong niya ako. Tapos ka na kaagad? Ang bilis mo naman! sabi niya.
"Tapos ayon, iniabot ko na sa kan'ya yung isang buong sketch pad kahit na wala namang drawing yung ibang page. Binuklat niya 'yon tapos nakita niya yung drawing. Ang tagal pa ng titig niya. Nagulat na lang ako nang naktia ko siyang umiiyak."
Nangalumbaba ulit si Fierro sa table. "Bakit siya umiyak?"
Ngumiti ako sa kan'ya. "Nilagyan ko kasi ng eye smile yung isang babae, yung hindi nakangiti masyado. Kaya kahit na hindi malawak ang ngiti sa drawing ko, parang mas masaya tingnan yung babae sa drawing kaysa doon sa picture."
Tumango-tango siya. "Wow, ang galing mo naman. Naisip mong gawin 'yon kahit na nagsisimula ka pa lang matuto?"
Tumawa ako nang mahina. "Gano'n kasi yung mata noong nakangiti nang malawak. Itinulad ko lang. Para masaya silang pareho."
Ngumiti siya. "Anong sabi niya?"
Lumunok ako bago nagsalita. "Hindi niya raw nakita kahit isang beses ang eye smile ng kakambal niya. Pero dahil sa drawing ko, parang nakita na niya." Nagbuga ako ng malalim na buntonghininga nang maalala ang naramdaman ko sa sunod na sinabi noong babae. "Sabi niya pa, yung art mo, binibigyan ako ng pag-asa na makikita ko pa 'yon sa mga susunod na panahon. Tapos, ngumiti siya saka ako niyakap. Sabi niya, thank you for this art because it saved me, and it will save me soon, I know."
Nag-init ang sulok ng mga mata ko.
"Your art saved me today, sabi pa noong babae, paulit-ulit din siyang nagpapasalamat. Tapos, ayon. Nagkaroon kami ng kaunting kwentuhan pero hindi siya nagkwento ng tungkol sa kan'ya. Sinabi niya lang na, may isang paboritong spot daw siya dito, at yun nga yung graffiti zone."
Nagbuga si Fierro ng malalim na buntonghininga. "Feeling ko, yung babaeng nagpa-drawing sa 'yo, itinadhana para makita ka–para mailigtas mo siya gamit ang drawing niya." Ngumiti siya nang maliit. "Feeling ko, hindi naman totoo yung malawak na ngiti na ipinakita niya sa 'yo noon dahil sa mga sinabi niya about being saved."