Chapter 32

88 4 0
                                    

  

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  

The following days, the bond that Fierro and I shared became stronger. Pati sa college plans namin, magkasama kami. Kung saan kami mag-aaral, anong course ang kukuhanin namin at mga part-time jobs na susubukan naming pasukin.

Natapos na kaming mag-take ng scholarship exam ngayon, at naghihintay na lang kami ng result kung makakapasa ba kaming dalawa o kakailanganin kong magtrabaho nang mabuti para lang mapag-aralan ko yung course na gusto ko.

That same day—which is Saturday—habang kumakain kami ng dinner ni Mommy, nagpaalam ako.

"Mommy, aalis po ako tonight ulit. Pupunta ako kay Fierro."

Lumingon siya sa akin. "Kailangan bang ikaw palagi ang pupunta sa kan'ya? Bakit hindi siya ang pumunta dito?"

Nagkibit-balikat ako. "Ayaw ko. Gusto ko, ako yung pumupunta sa kan'ya. At saka, doon naman din ang punta namin, eh 'di sayang lang sa oras at energy ni Fierro kung pupunta pa siya dito."

Nagbuntonghininga siya bago uminom ng tubig. "Magkasama na nga kayo buong araw, pati gabi ba naman?"

Napanguso ako. "Baka gan'yan din kayo ni Daddy dati." Hindi siya sumagot. Tiningnan niya lang ako nang masama. "Anyway, uuwi po ako before 11 p.m."

Tumango siya. "Siguraduhin mo lang. Malalaman at malalaman ko 'yon kahit tulog ako, Calista."

Napanguso ako dahil alam ko na yung tinutukoy niya ay yung guard na, siguro, nagsusumbong sa kan'ya sa tuwing lumalabas ako. Parang wala naman kasi silang pakialam sa tuwing lumalabas ako kaya akala ko, safe ako sa kanila.

"Saan ka ba nanggaling kanina?" tanong pa ni Mommy.

Napalunok ako. "M-May inasikaso lang . . . regarding sa school."

"Bakit hindi mo sinasabi sa akin?"

Nagkibit-balikat ulit ako bago nagpatuloy sa pagkain. "Hindi naman din importante. Usual requirements lang naman."

Tumango siya. "Sabihin mo sa akin kapag may kailangan ka pa."

Tahimik na lang akong kumain nang kumain hanggang sa matapos dahil, sa totoo lang, nagi-guilty ako na hindi ko sinasabi kay Mommy lahat ng ginagawa ko ngayon para sa college ko. Alam ko naman na kung susundin ko siya, I'll need to give up art, considering how she treated it back—na wala akong mapapala sa pagmamahal ko sa art.

But I can't really help but to feel guilty because for the past few weeks, she's been really good to me. Para siyang bumalik sa panahon na junior high school pa lang ako at hindi niya pa binabanggit sa akin ang tungkol sa pagdodoktor.

I actually considered her as the best mom because she never made me feel inferior towards her. She's just an older sister—a best friend—I can rely on . . . not until I told her that I am not going to be a doctor, whatever happens.

Love At The Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon