Chapter 19

104 5 0
                                    


   

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   

Nang sumapit ang araw ng Lunes, ramdam ko ang ganda ng mood ko pagkagising sa umaga. Hindi ko akalaing darating yung araw na magiging excited ako na bumalik ng eskwelahan, ganitong napakasama ng loob ko sa tuwing nag-aaral.

Gumayak kaagad ako at nagsuot ng uniform dahil papasok na ulit ako ngayon. Bahagya pa akong napasimangot dahil ang luwag na ng uniform ko sa akin. Isang beses lang akong nagkasakit pero grabe yung naging epekto sa akin. Ramdam na ramdam ko pa rin ang panlalambot kaya maingat pa rin ako sa lahat ng kilos ko. Hindi ko nga magawang magmadali dahil pakiramdam ko, ang bilis kong mapagod. Ang bilis maubos ng energy ko.

Hindi pa rin talaga ako nakaka-recover sa sobrang pagsusuka ko at sa ilang araw ko sa hospital.

Nang matapos gumayak at mag-ayos, sinukbit ko na ang bag ko saka lumabas ng k'warto. Nang pababa na ako sa hagdan, medyo naninibago ako. Simula kasi nang umuwi ako mula sa hospital, hindi pa ako bumaba o lumabas man lang ng k'warto. Nakapahinga lang ako sa ilang araw na 'yon habang sina Manang at Mommy naman, pinagdadala na lang ako ng pagkain at iba pang mga kailangan ko sa k'warto.

Pakiramdam ko kasi, ang bilis kong mapagod at manlambot sa kaunting kilos ko kaya naman puro pahinga lang ako. Kung hindi matutulog, manonood sa Netflix. Mabuti na lang talaga, may sariling CR ang k'warto ko kaya any time na kailangan kong pumunta do'n, hindi ko na kailangan pang lumabas ng k'warto o bumaba. Kung nandoon kami sa isang bahay namin, baka nahirapan pa ako.

Pagkarating ko sa dining area, nakita kong nakahanda na lahat ng pagkain para sa umaga. Nandoon na rin si Mommy, nag-i-scroll sa cellphone niya habang may tsaa sa tabi ng plato niya. Naupo ako sa gawing kaliwa niya saka ibinaba ang bag sa katabing upuan ko.

"There would be no coffee for you today, Calista. You won't be drinking coffee for the mean time," she said.

Napanguso ako nang dahil do'n. "Aantukin ako sa klase," pagdadahilan ko pa.

Umirap siya kasabay ng pagbuntonghininga habang nagsasandok ng pagkain sa plato niya. "Eh 'di matulog ka."

Wala na akong nagawa pa. Kumuha na lang din ako ng pagkain na kaya ko lang ubusin saka nagsimula nang kumain. Masyado pa namang maaga kaya siguro kahit bagalan ko ang kilos ko, hindi ako mali-late.

"Subukan mo nang dagdagan yung kain mo, baka kaya mo na," sabi ni Mommy.

Tumango ako bilang tugon.

Simula nang magsuka ako nang magsuka dahil sa gastritis, hindi ko pa rin kayang kumain nang marami o magpakabusog. May panlasa naman ako pero pakiramdam ko, ang bilis mapuno ng tiyan ko. Masyadong kong binalewala yung ilang araw na pagsakit ng tiyan at sikmura ko nang ilang araw, ang laki tuloy ng naging epekto sa pang-araw-araw ko.

Tulad ng inaasahan, hindi ko na naubos pa ang pagkain ko.

"Busog na ako, Mommy. Pasok na rin ako."

Nagbuntonghininga siya bago uminom ng tsaa. "Uminom ka na ng gamot mo bago umalis. 'Wag na 'wag kang magkakape doon, ha? Sinasabi ko sa 'yo, kapag naospital ka na naman, hindi ka na naming babantayan!"

Love At The Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon