F.L.A.M.E.S | ADDED CHAPTER | UKIYOTO BOOK

1.7K 67 0
                                    

Bea

ALAM ko na pang-elementary na laro itong ginagawa ko pero dahil bored ako ito na lang ang pinag diskitahan ko ngayon. Sinulat ko ang buo kong pangalan sa papel. Pati pangalan ko ang boring din. Kung bakit naman kasi hindi ‘man lang nag-effort si mama sa pangalan ko. Sabagay isa lang ang pagbibigay ng pangalan sa mga ambag niya. Iyong papel na pinagsusulatan ko ay tira lamang kanina ng i-revamp ni Max ang rules bago ako nilayasan. Wala tuloy masyadong ganap dito sa reception area at napapagod na ako magbilang ng alikabok. Nalinis ko na rin ang unit ni Max alangan naman ulitin ko ang paglilinis doon. Baka lalo lang isipin ng mokong na ‘yon na maluwag ang turnilyo ko.

Inisip ko kung sinong artista ang ipapares ko sa aking pangalan. Sino-sino nga ba ang mga crush kong artista? Chris Hemsworth at Liam Hemsworth! Super hotness ng magkapatid na iyon kaya mahirap pumili pero kung i-de-date ako ni Chris Hemsworth siya na pipiliin ko. Doon ako nag-decide na pangalan na lang ni Thor ang ilagay sa ilalim ng napaka-basic ko na pangalan. Aliw na aliw ako ng lumabas na friendship ang meron sa amin ni Chris. Baka nga may pag-asa na maging kaibigan ko siya. Walang masamang mangarap! Keri na kung friendzone at least may kaibigan akong artistang chupapi.

Okay next!

Sinulat ko naman iyong kay Liam at sa mga iba pang artista na crush ko. Sobra akong nalibang sa pinag-gagawa ko kahit wala na nga yatang nagawa nito ngayon. Pulos online na kasi ang uso kaya hindi nila naramdaman ang tunay na kilig. With matching pamumula at nangingiti habang tinutuloy ang pagsusulat kapag nakakakuha ng positive na resulta. Iba naman ang lungkot kapag hindi maganda ang result na para bang ayoko na ituloy. Pero dahil bagot na bagot na ako, tinuloy ko pa rin at natagpuan ko na lang ang aking sarili na pangalan na ni Max ang sinusulat sa papel.

Kapag enemy ang lumabas, maiintindihan ko dahil parang gano’n naman kaming dalawa. Masahol pa nga kami sa aso’t pusa kung magbangayan kung minsan. Referee namin si madam na kapag nagsisimula na kaming mag-away ay nagpapaalala na. Ayaw noon na gano’n kami lalo kapag nasa harap ng hapagkainan. Baka daw magtampo ang pagkain na sinasabi din sa akin ni Lola Esme noong mahilig kami ni mama na magsagutan dalawa. Nawaksi sa isip ko ang tungkol kay mama at Lola Esme ng lumapag sa letrang M ang ballpoint ng hawak ko na panulat.

Imposible!

Inulit ko ang pagbibilang at kahit anong gawin ko na pag-uulit, iyon at iyon talaga ang lumalabas. Marriage… that’s the relationship between Max and I. Hindi ko matanggap kaya nilakumos ko ang papel at basta na lang iyon tinapon na napunta naman sa sulok ng reception desk ko. Dinampot ko ang aking cellphone at iyong online F.L.A.M.E.S. naman ang pinag diskitahan. I key in Max’s name and mine. Halos humiwalay na ang braso ko sa aking balikat dahil pati doon ay iyon ang resulta - marriage!

Inis-inis ko pinatay ang cellphone ko at dinampot na ang bag. Wala naman sigurong i-u-utos sa akin si madam. Puntahan ko kaya? Kaso baka makita ko si Max. Erase! Huwag na lang nga. Bumalik ako sa pwesto ko at muling naupo sa aking swivel chair. Nagpapadyak ako at kulang na lang ay sumigaw dahil sa inis. Ang dami naman kasi pwedeng maging resulat bakit iyon pa? Sabi ko nga tanggap ko kung enemy kami kaya lang hindi iyon ang lumabas at sobrang nakaka-inis!

“Eh, nakakainis tala-” Nabitin ang dapat na reklamo ko nang sa pag-angat ng aking tingin ay naroon at nakatayo si Gwy. “anong ginagawa mo dito?”

“Ako ba iyong nakakainis?” Balik tanong niya sa akin. Ibinaba ko ang aking mga kamay at umayos ng upo. Nilipon ko ang mga papel sa aking harapan at binalik na iyon sa lagayan kasama ng ballpen na ginamit ko. “Wala ka na ginagawa?”  Umiling ako bilang tugon. “Great, tara at rumampa sa Dumbo.”

“Pass! Matutulog na lang ako,”

Pumangit na ang mood ko kaya ang gusto ko na lang gawin ay matulog o ‘di kaya ay magpa-gulong-gulong sa aking kama.

That Summer In BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon