01

1.1K 15 0
                                    

Chapter 1

"Ang tagal-tagal nyo naman! Tara na!" Naiinis na sabi ni Stacy saamin ni Zara at nauna nang maglakad papunta ng canteen.

"Sandali lang Stacy!" Sabi namin ni Zara at tumawa pagkatapos ay sumunod na kay Stacy na naglalakad nang mabilis.

Nang makapantay na namin sya sa paglalakad ay inakbayan namin sya ni Zara at tinawanan.

"Hindi kayo nakakatuwa! Alam nyong nagugutom nako eh!" Galit na sabi nito, tumawa lang kami ni Zara at napailing.

Lagi naman siyang gutom!

Pagkapasok namin sa canteen ay nakita namin kaagad ang dami ng mga estudyante na naguunahan sa pagbili ng pagkain.

"Ano ba wag nga kayong magtulakan!"

"Ang baho mo kuya!"

"Ano ba yan? Ako yung nauna Ate!"

Mga reklamo ng mga estudyante na hindi na namin pinansin nila Stacy at umupo na sa lagi naming pwesto. Ang malapit sa bilihan ng Magnolia.

Pagkaupo palang namin ay agad na kaming nilapitan ni Lara.

"Ano may sagot naba kayong tatlo sa Math? Mamaya na daw pasahan non ah!" Napatango naman kaming tatlo kaya ngumuso sya at umalis na.

Wala pa sigurong sagot yun kaya naghahanap ng kakampi.

Kakasimula palang ng pasukan namin kahapon, Grade 10 na kaming tatlo nila Zara,Stacy at ako. Magkakaibigan na kami simula Grade 7.

"Okay guys! Who will buy the magnolia?" Nakangiting sabi ni Zara at nagbukas na ng wallet. Nagkatinginan namin kami ni Stacy at ngumising humarap kay Zara na nakakunoot ang noo.

"What?" Nagtataka nyang tanong. Nang magets nya ang inaakto namin ay napasimangot sya umiling.

"No! Ayoko! Bahala kayo! Kakabili ko lang kahapon ah! Ako nanaman?" Galit na sabi nito at tumayo na at umalis.

Natawa namin kami ni Stacy

"Magrereklamo tapos gagawin din pala!" Sabi ni Stacy at tumawa.

Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik na si Zara na nakasimangot at nilapag ang tatlong Magnolia.

"Sorry na Zara, pramis ako naman ang bukas!" Sabi ni Stacy at tinaas pa ang kanang kamay. Umirap naman si Zara at hindi na sya pinansin at tinungga na yung Magnolia nya.

"Salamat Zara ah!" Nakangiti kong sabi, napatingin sya saakin at umirap kaya natawa naman ako.

Habang tumatawa ay napatingin ako sa gilid at ganun nalang ang aking pamumula ng makita si Liam!

Wala itong emosyon na nakatingin saakin, nang makitang nakatingin ako sakanya ay umiwas sya kaagad at tinanguan ang kaibigan nya na kinakausap sya.

Napaiwas naman ako ng tingin at napahawak sa magkabila kong pisnge.

Si Liam Drake Crimson ang pinakamatagal ko ng crush simula nung pumasok kami dito sa Valencia Highschool.

Hindi ko alam pero nung unang makita ko syang unting ngumiti saakin ay iba na ang naramdaman ko. Hindi naman ako ganto sa mga lalaki dahil ayaw ko talaga sa mga ito pero iba si Liam. Alam kong mabait sya kahit ang sungit sungit nya saakin.

Hindi naman ako nagpapansin sakanya, pero pumupunta pa talaga ako sa tapat ng classroom nila at pasimpleng hinahanap siya.

"Porkchop saakin Stacy ah!" Nakangiting sabi ni Zara. Bati na ata sila, napatingin naman ako kay Stacy ng tapikin nya ako sa balikat.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now