20

284 9 0
                                    

Chapter 20

Isang linggo na ang nakalipas mula nang mangyari iyon, ngayon ay nasa school siya ngayon kasama si Stacy at Zara.

Nasa cooking room sila ngayon at tinuturuan sila ngayon ni Sir David kung paano gumawa ng ravioli. Nagtatawanan ang mga kaklase ko ngayon pero ako ay tila natulala nanaman dahil naalala ko nanaman ang nangyari saamin ni Jake.

Hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na ako two weeks from now. Hindi ko alam kung sasabihin koba kila Zara o hindi. Unang-una ay hindi naman nila kilala si Jake at isa pa ay magiging asawa ko lang naman siya dahil tutulungan nya kami.

Ngayon ay umaayos na ang kompanya namin at tuwang-tuwa ang mga parents ko doon, araw araw na ding pumupunta si Jake sa bahay para ayusin ang kasal namin. Sila na ni Mommy ang pinapaasikaso ko doon dahil wala akong gana sa pag-aayos non.

"Miss Sanmonte!" Napatalon naman ako sa gulat at gulat na tinignan si Sir David na nakangiti saakin.

Umayos naman ako ng tayo.

"I'm sorry sir" tumango naman si Sir at tumalikod na saamin, sinabihan nya din kami na magtuloy sa pagluluto kaya inayos ko na ang sarili ko at pilit na tinapos ang pagluluto.

Pangarap ko toh kaya dapat ay galingan ko.

Pagkatapos non ay uwian na namin, may kanya-kanya kaming dala na isa pang bag kung saan nakalagay ang mga ravioli na ginawa namin kanina.

"Oh magsleep over tayo ngayon kila Stacy" nakangiting sabi ni Zara at tila excited pa.

Napaisip naman ako kung sasama ako dahil alam kong nandoon si Jake ngayon sa bahay at inaasikaso ang kasal namin.

Naawa na nga din ako sakanya minsan dahil kami ang ikakasal pero silang dalawa ni Mommy ang nag-aayos non, pero anong magagawa ko kung ayaw ko naman talaga maikasal sakanya? At napipilitan lang ako dahil para sa kompanya ito at para sa mga magulang ko.

Napailing naman ako at ngumiti sakanila ng bahagya. "Sorry, hindi ako pwede ngayon eh. Promise! Bukas sasama na ako!" Ngumiti naman sila at nagpaalam na saakin.

Nawala naman ang ngiti ko ng tumalikod na silang dalawa. "Sorry Zara and Stacy, hindi ko pa kayang sabihin sainyo na ikakasal na ako" bulong ko sa sarili ko at naglakad na papapunta sa sasakyan namin.

Pagkauwi ko sa bahay ay hindi na ako nagulat dahil nakita ko si Jake habang seryosong nagtitingin sa mga magazine na nasa harapan nya.

Napabuntong hininga naman ako at lumapit sakanya. Nag-angat naman siya ng tingin saakin at nag-iba kaagad ang ekspresyon ng mukha nya ng makita ako.

Tumayo siya at ningitian ako at nagulat ako nang yakapin nya ako, hinalikan nya ang ulo ko kaya napangiwi naman ako dahil ang higpit ng yakap nya saakin.

"H-hindi ako makahinga" nahihirapan kong sabi kaya agad kong naramdaman na lumuwag ang yakap nya saakin at nag-aalalang tinignan ako.

"I'm sorry baby, are you okay now?" Nag-aalalang tanong nya.

Napatulala naman ako dahil nasa harapan ko ang mukha nya at kitang-kita ko nanaman ang makinis nyang balat ang mga magagandang mata nya.

Napabalik naman ako sa katinuan nang marinig ko ang boses ni Mommy kaya napahiwalay ako sa sakanya at nag-iwas ng tingin at tumango nalang.

"Honey, you're here!" Ningitian ko naman si Mommy at niyakap ito.

"Good afternoon, Mommy" tumango naman si Mommy at ningitian ako, hinila nya ako paupo sa tabi nya at pinakita nya saakin ang mga pictures ng mga wedding dresses.

"You should pick your own wedding dress, Meredith after all it's your wedding" napabuntong hininga naman ako dahil totoo yun. Kaya nga hindi ako sumama kila Stacy dahil gusto ko rin naman ako ang pumili ng wedding dress ko.

Tumingin-tingin naman ako doon at wala pa akong natitipuhan.

"You can choose everything you want Meredith, I'm gonna pay the expenses after all" gulat naman ako na napatingin kay Jake.

"Bakit ikaw?!" Gulat na tanong ko.

Hinawakan naman ni Mommy ang balikat ko at tila pinapakalma ako.

"Honey, don't be like that to your fiance okay? Siya ang nagsabi na siya na daw ang magbabayad sa lahat. At syempre pumayag kami ng Daddy mo." Napabuntong hininga naman ako at napailing nalang.

Wala na akong magagawa dahil pumayag na ako na maikasal sakanya.

Nagtingin-tingin naman ako at nanlaki naman ang mga mata ko at nagningning ang mga ito ng makita ko na ang perfect na wedding dress na susuotin ko.

Off-shoulder ito at may corset, long-sleeve din ito kaya nagustuhan ko. Babagay din ito sa kutis ng balat ko kaya nakangiti akong lumingon kay Mommy at pinakita ito.

"Mommy, I want this" tinignan naman iyon ni Mommy at napatango sabay tingin kay Jake. Tinignan ko naman si Jake na nakangiti saakin kaya ipinakita ko sakanya ang wedding dress na gusto ko.

"Ito ang gusto ko Jake" sabi ko at tinuro iyon, tumango naman siya saakin kaya napangiti ako lalo.

"Anything my baby wants"

Nasa garden kami ngayon ni Jake at parehong hindi nagsasalita. Mahangin kasi dito at napapakalma ako nito.

"Meredith"

Lumingin naman ako kay Jake at tinaasan siya ng kilay.

"Stand up" sabi nito kaya napakunot-noo ako at nagtataka siyang tinignan.

"Bakit?" Tanong ko.

"Just stand up" inis naman akong tumayo at tiningala siya, nakatayo na din kasi siya sa harapan ko kaya nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko habang seryosong nakatingin saakin.

"I know that you didn't love me but, I'm gonna do my best to change that. When I was a kid I promise to my self that I'm just gonna be married for only once. So, if you decided to be annuled with me after the 5 years I will accept that." Nararamdaman ko naman ang pag-init ng gilid ng mga mata ko at nagbabadya ang mga luha.

Nakayuko lang ako at nakatitig sakanya, nakangiti na siya ngayon habang nilalabas ang isang velvet box.

Habang binubuksan nya yun ay nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"I-i will accept it if you really can't love me, but please....can you try?" Ngumiti ito at kasabay nito ang pagtulo ng mga luha ni Jake kaya nagulat ako. Hindi ko inaasahan na iiyak siya sa harapan ko.

Magsasalita pa sana ako nang magsalita siya ulit.

"Even if you didn't love me now, I still want you to give a perfect wedding. That's why I'm gonna propose to you now" nakangiti ito habang hinarap saakin ang isang engagement ring. Namangha naman ako dahil ang laki ng diamond nito.

"So, Meredith Cristine Sanmonte will you marry Jake Andrei Montenegro?" Tanong nito, tinitigan ko naman ang mga mata nito at kitang kita ko ang mga naghalong-halong mga emosyon na nakaukit sa mga mata nito.

Saya, kaba at pagmamahal.

"Y-yes" napasigaw naman si Jake at dali-daling nilagay ang engagement ring sa daliri ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero magsisinungaling ako kung hindi ko sasabihin na hindi ako naging masaya.

Niyakap ako ni Jake at nagulat naman ako dahil may nagpalakpakan sa gilid namin kaya napatingin ako sa bukana ng garden at nakita ko sila Mommy at Daddy na nakangiti kasama si Manang Ani.

Napangiti na din ako at tuluyan na ngang naglandas ang mga luha ko.

I really can't believe that I'm gonna be married to Jake Montenegro.


~~~

Sorry for the late update!

And thank you for reading My Husband Professor!

ᴋᴀsᴜᴍɪ ᴡʀɪᴛᴇs

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now