53

140 2 0
                                    

Chapter 53

3 months....3 months na mula noong nangyari iyon. Tinotoo nga ni Jake na hindi niya ako hahayaan na makaalis pa sa mga mata niya. Dahil, kahit na, hinayaan niya akong umalis ay nakikita ko pa din siya sa paligid ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko para mapatigil siya. Naiinis ako sakaniya dahil ang kulit kulit niya. Pero mas lalo akong naiinis sa sarili ko dahil kahit na pilit kong nilalabanan ang nararamdaman ko ay unti-unti akong lumalambot sakaniya.

Sa loob ng tatlong buwan na iyon ay pinilit kong hindi siya pansinin. But, the more na pigilan ko ang pigilan ko ay mas lalo pa itong hindi mapigilan. Sobrang daming effort kasi ang ginagawa niya saakin. Nililigawan niya daw ako at hindi siya papayag na hindi niya ako mapapasagot ng "Oo".

Sobra siyang determinado na mapapasagot niya ako kahit na malamig ang pakikitungo ko sakaniya.

Lagi na din siyang pumupunta sa puntod ng mga magulang ko. Hindi ko siya naabutan dahil sinasadya kong hindi kami magkatagpo. Pero minsan ay nakikita ko siyang nakaupo at mukhang kinakausap ang mga magulang ko.

Alam ko na sobrang close siya sa mga magulang ko. Nagawa nga niyang mapapayag ang mga magulang ko para makuha ako eh.

Isa pa ay tuluyan na talaga siyang nag invest sa restaurant ko kaya ay may isa na akong branch na naitayo na malapit sa school namin noon nila Zara.

Ngayon ang openning at ribbon cutting. Kahit na ayaw kong makasama si Jake ay wala akong magagawa dahil, kahit na investor lang siya ay pinilit niya na makasama sa Ribbon cutting.

Pilit nalang akong ngumiti sa mga camera at sabay namin ni Jake na ginupit ang ribbon.

"Congratulations, ma'am Meredith!!!"

"Congrats po, ma'am!"

Sabi saakin ng mga tao na nandito. May mga staff na din kaagad dahil ang daming tao na naghihintay para makakain na.

Habang hinihintay na matapos ang event dito sa restaurant ko ay pilit akong lumalayo kay Jake. Iniiwasan ko talagang mapalapit sakaniya. Buti nalang ay nandito sila Zara. Late lang sila kaunti pero ngayon ay kasama ko na sila sa table habang kumakain kami. 

"Meredith, baka naman pwede namang libre mo na toh ah!" sabi  ni Jessie. 

Napailing nalang ako dahil wala naman akong choice kasi opening naman ito at mga kaibigan ko sila. 

Tumango nalang ako sakaniya kaya natawa siya at pasimpleng dumikit kay Liam. Nagulat nga ako dahil biglang sumulpot si Liam at kasama pa si Jessie! Napakalakas talaga ng trip ni Jessie dahil alam niyang nandito si Jake. 

Alam ko namang may inis pa din ang mga kaibigan ko kay Jake dahil sa nangyari noon. Lalo na si Jessie na nasira ang Bachelorette na siya ang mismo ang nagplano. Si Jake kasi ay dumating kasama ang mga kasintahan at fiance ni Stacy. Wala naman akong magagawa dahil kasalanan naman talaga ni Jake iyon. 

"Meredith, do you know that Jake has been staring at us for awhile now?" bulong saakin ni Liam na katabi ko lang. 

Kahit na close na kami ni Liam ay hindi pa talaga kami nagkakasama palagi.

May mga sarili na kasi kaming buhay at minsan lang talaga kami magkasama dahil lagi siyang nasa ibang bansa. Ngayon na nga lang siyang sumulpot ulit sa Pilipinas dahil na sa Paris siya last week.

Ngayon naman ay 1 month daw siya dito sa Pilipinas para makipagbonding saamin. Kahit na ang tagal na taon ang lumipas ay single pa din si Liam. Hindi ko nga maintindihan kung bakit. Gwapo pa din naman siya at mayaman.

Kung hindi lang siguro ako nakamove on ay siguro baka gusto ko pa din siya. But, I moved on. Tapos na yung saamin ni Liam and we're good friends now. Ayaw ko ng masira yun.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now