40

246 6 0
                                    

Chapter 40

"Jake, ano bang problema mo?!" Inis na sabi ko dito.

Pumasok ito sa sasakyan at padabog na sinarado yung pinto.

Napasinghap ako at gulat sa inasta niya.

Mabilis din akong pumasok sa sasakyan at sinamaan siya kaagad ng tingin.

"Bakit ka biglang umalis?" Tanong ko.

Pero mabibigat lang ang paghinga nito at taas-baba ang balikat.

"Hindi mo ba ako sasagutin?!" Tumaas nanaman ang tono ng boses ko.

Hindi pa din ito sumagot kaya kinabit ko nalang ang seatbelt ko habang masama ang tingin sakaniya.

Pinaandar niya kaagad ang sasakyan pagkakabit ko ng seatbelt. Tumataas-baba pa din ang balikat nito at tila pinapakalma ang sarili dahil sa paghinga.

Mabilis din kaming nakabalik sa bahay.

Bumaba ito kaagad sa sasakyan at hinagis sa guard ang susi ng kotse.

Pumasok ito kaagad sa bahay kaya sinundan ko ito. Binati pa kami ni Manang pero hindi pinansin ni Jake kaya ngumiti nalang ako kay Manang.

Mabibigat ang mga hakbang nito paakyat at padabog na binuksan ang pintuan. Pumasok din ako at padabog na sinarado ang pinto.

"Ano ba?! Hindi ka ba magsasalita?!" Naiinis na ako dahil sa inaakto niya. Para siyang bata!

"Ano bang problema mo, alam mo namang kausap ko si Liam!" Doon na siya napatingin saakin. Masama ang timpla ng mukha nito.

"Liam! That Liam of yours!" Galit na sabi nito. Nagsalubong naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Ano bang problema mo kay Liam?" Tanong ko. Hindi naman siya inaano ng tao, kung puro ganyan siya ay bahala siya sa buhay niya.

Napangisi ito ng mapait saakin.

"I saw how he looks at you, Meredith. And the way he says your name.....it fucking kills me with jealousy and knowing that.....h-he's your first l-love." Nabasag na ang boses nito lalo na nung banggitin niya na first love ko si Liam. Pero hindi totoo yun! Oo gusto ko nga si Liam pero puppy love lang yun!

"Hindi totoo yan!" Sabi ko dito.

"Is it? You're smiling with him and laughing with him, while I'm there but I think when you're with him....you don't care about my presence anymore....like...like I didn't exist." Doon na tumulo ang mga luha nito kaya lumambot ang ekspresyon ng mukha ko.

Hindi ako makapagsalita sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung paano na siya sasagutin. Totoo naman kasi na nakamove on na ako kay Liam at sadyang importante lang talaga ang pinag-uusapan namin kanina. Hindi niya ba maintindihan yun?

Napahagulgol na si Jake at napaupo sa kama. "I'm sorry for being such a c-cry baby" sabi nito habang umiiyak.

Napasinghap naman ako dahil hindi ko ineexpect na iiyak siya.

Nilapitan ko siya at tumapat sakaniya. Siguro naramdaman niya ang presensiya ko kaya nag-angat ito ng ulo.

Sumisinghot pa ito at namumula ang mga mata at ilong. Nakyutan ako sakaniya dahil para siyang bata na umiiyak pero baka lalo siyang magalit kung tatawanan ko siya.

"Liam is not my first love, Jake." Sabi ko.

Baka siguro ito na ang tamang oras na masabi ko sakaniyang mahal ko na siya. Handa na akong sumugal, handa na akong mahalin siya.

"You....you're my first love." Nakangiti kong sabi ko.

Kita ko ang panlalaki ng mga mata nito at ang pagbalot ng pagkagulat at kasiyahan sa mga mata niya.

"W-what did you say?" Tanong nito.

Natawa na ako dahil ang cute niya talaga!

Nagsalubong ang makakapal na kilay nito habang nagtataka sa pagtawa ko.

"I love you Jake Andrei Montenegro" nakangiting sabi ko dito.

Napatayo ito kaya nagulat ako.

Mukhang hindi pa nagsisink in sakaniya ang sinabi ko dahil nakatulala ito saakin at namumula nanaman ang mga mata.

Tuluyan nakong nagulat sa pagsigaw nito.

"Yes!!! Yess! Fuck! Yes! Finally!!" Nagtatalon talon ito at tuwang tuwa.

Nagtatakbo ito sa pintuan at agad lumabas. Natatawa ko itong sinundan, tumakbo ito papunta sa kusina at doon ko nakitang niyayakap nito si Manang habang gulat na nakatingin kay Jake. Siguro nagtataka dahil biglang nakayakap si Jake sakaniya.

Nagtatanong na tumingin si Manang saakin pero ningitian ko lang ito.

Nang humiwalay si Jake sa yakap kay Manang ay nagtatalon talon ito sa tuwa habang naguguluhan lang si Manang sakaniya.

"Manang, my wife's just said that she love's me! Do you heared that? She fucking love's me!!" Tuwang-tuwa na sabi nito kay Manang.

Tumikhim ako para makita niyang nandito ako.

Doon ito napatingin at nagulat ako sa itsura nito, umiiyak siya pero nakangiti.

"Wife!" Sigaw nito at tumakbo papalapit saakin.

Hinalikan ako nito sa labi kaya nagulat ako. Iilang beses palang kasi nagkakatagpo ang mga labi namin at madalas niya akong halikan sa noo at sa pisnge lamang.

"You don't know how happy I am right now!" Sabi nito pagkatapos niya akong halikan. Habang ako ay nakatulala pa rin sa gulat.

Nang makabawi ay wala na pala ito sa harapan ko at nasa tabi na pala ito ni Manang.

"Manang, I will cook for our lunch okay?" Sabi nito at pumunta sa ref.

"Pero, hijo may trabaho ka diba?" Sabi naman ni Manang kaya doon ito natigilan. Pati ako ay natigilan dahil may trabaho nga pala ito.

Pero nang makabawi ito ay humarap ito saakin at ningitian ako nito.

"It's okay Manang the company will still work without me." Sabi nito.

Napangiti naman ako dahil bumalik ito ulit sa paghahanap ng ingredients.

Tumaas nalang ako sa kwarto at inasikaso ang mga gagawin para sa cooking contest.

Rinesearch ko na yung mga ingredients para itetext ko kay Liam.

Natigilan naman ako dahil kay Liam. Pinagseselosan siya ng grabe ni Jake dahil pumasok si Jake sa buhay ko na alam niyang gustong gusto ko noon si Liam. Pero iba na ang panahon ngayon.

Gusto ko noon si Liam at mahal ko si Jake ngayon. Magkaiba yun, magkaibang magkaiba. Kay Jake ko lang nararamdaman ang mga hindi ko naramdaman kay Liam noon.

Dahil ngayon na sumugal na ako ay sana hindi ko pagsisihan na binigyan ko ng pagkakataon na magmahal ako. Susugal ako para kay Jake, bibigyan ko siya ng pagkakataon na patunayan na mahal nga niya ako.

Dahil pagnabigo siya ay, hindi ako magdadalawang isip na iwan siya.

Hindi ako magdadalawang isip na bitawan at kalimutan ang pagmamahal ko sakaniya.

~~~

A/N: Hi readers! I just want to thank you all for reading my stories. Especially for keep on waiting for me to update. I will not lie but, I'm really fond of reading that's why I forgot to update. I'm not a perfect writer and I hope that my readers will understand that. I'm really thankful for those who still keep on reading my stories.

Don't forget to vote and comment!




ᴋᴀsᴜᴍɪᴡʀɪᴛᴇs


My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now