05

428 13 0
                                    

Chapter 5

It's been 2 weeks ng umalis si Claire, nararamdaman ko parin na may sumusunod saakin minsan. Pinagsawalang bahala ko nalang yun dahil kapag ka lumilingon naman ako sa likod ko ay wala namang tao doon kaya hindi ko nalang pinansin.

"May groupings daw!" Sigaw ng kaklase namin at dali-daling bumalik sa upuan nya.

Pagkaraan ng ilang minuto ay pumasok naman si Sir Anderson, tumayo kami kaagad at binati sya.

"Good afternoon Sir!" Sabi namin, tumango naman sya at sinenyasan na umupo na.

"Good afternoon too" malamig na bati nito at agad nilagay ang mga gamit sa teacher's table.

Ginala naman nya ang mata nya sa buong classroom at natigil un sa row namin, nakita ko naman na sumama ang tingin nito sa gilid ko kaya nilingon ko si Stacy na nasa gilid ko at nakita ko itong nakangiti.

Siniko ko sya ng mahina, napalingon naman sya saakin na nakangiti pa din. "Bakit ka nakangiti?" Kunot-noo kong tanong. Umiling naman sya at bumalik nalang sa harap ang tingin.

Ilang linggo palang simula nung nagsimula ang eskwela namin ay napapansin ko si Stacy na laging nakatitig kay Sir Anderson. Hindi ko alam kung bakit at hindi rin napapansin ni Zara iyon.

Pagkatapos ni Sir Anderson mag turo saamin ay nagpaalam naman ito kaagad at agad lumabas na para bang ayaw nya kaming tinuturuan, pero mabait naman kami at tahimik.

Napalingon naman ako kay Zara nang bigla itong tumayo bitbit ang bag nya. Nagtataka akong tinignan ang mukha nya, namumutla sya at nagmamadali.

Napatayo na rin ako at hinawakan sya sa kamay, "Bakit?" Nag-aalala kong tanong, napatayo na rin si Stacy at tinignan si Zara.

"Anong nangyari?" Tanong ni Stacy

Ngumuwi naman si Zara kaya lalo kaming nag-aalala, "Bakit ba? Ano bang nangyari?" Nag-aalala na ako dahil talagang namumutla na sya at hindi mapakali.

"M-my....." napakunot noo naman ako at sinundan ang kamay nya na napahawak sa tiyan nya.

"M-my Stomach hurts!" Pagkatapos nyang sabihin yun ay tumakbo na sya palabas ng classroom. Naiwan naman kami ni Stacy na nakatulala at hindi gagawin.

Napaigtad naman ako nang biglang natawa si Stacy, "Bakit?" Tanong ko sakanya.

Pero tawa sya ng tawa kaya pinagtitinginan sya ng mga kaklase namin na natira. Uwian na din kasi namin at huling klase na namin si Sir Anderson sa subject na English.

Hinanap nalang namin si Zara pagkalabas namin ng classroom, una naming pinuntahan ang CR ng thirdfloor na kung na saan kami.

"Shit! Wala si Zara" nakangiwing sabi ni Stacy kaya bahagya akong natawa. Napailing nalang ako at niyaya sya sa 2nd floor, pero pababa palang kami ay nakita namin si Zara na naghihintay sa dulo ng hagdan kaya agad-agad naman siyang nilapitan ni Stacy at hinampas.

"Aray!" Nakangiwing sambit nito at hinaplos-haplos ang balikat nya kung saan sya hinampas ni Stacy, natawa naman ako at lumapit sakanila.

Umayos naman na sila ng tayo pagkarating ko, humarap naman saamin si Zara "Sorry, it's just that my stomach hurt" sabi nya at ngumuso sa harapan namin.

Inirapan naman siya ni Stacy kaya dumila si Zara sakanya, mag-aasaran pa sila sa harap ng mga estudyante. Bago pa lumalala ang asaran nila ay hinatak ko na silang dalawa. Nagpatianod naman sila saakin hanggang sa makababa kami.

Sakto namang napatigil kami sa tapat ng classroom nila Liam, nakita ko silang palabas kasama ang mga kaibigan nya kaya agad akong umiwas ng tingin at nauna nang maglakad, sumunod naman sila Stacy kaya napahinga ako ng maluwag.

Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag ka nakikita ko si Liam, alam ko naman sa sarili ko na gusto ko si Liam at hanggang doon lang yun.

"Meredith ang bilis mo!" Napapikit naman ako ng mariin dahil ang ingay ni Stacy, hindi ba talaga tatahimik tong babae na toh?

Hinarap ko sya at sinamaan ng tingin, hindi naman nagbago ang ekspresyon ng mukha nya at sinamaan din ako ng tingin.

Napatingin naman ako sa likod nila Zara at doon ko nakita si Liam na......na may kasama na b-babae.

Napatitig naman ako sa nakaakbay na kamay ni Liam sa babaeng katabi nya. Nakangiti pa siya na ngayon ko lang nakita, hindi sya ngumingiti saakin. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko ng nagtama ang mga mata namin. Nawala naman ang ngiti nya kaya umiwas nalang ako ng tingin at tinignan sila Stacy.

Sakanya lang talaga ako nagkakaganon, sa lahat ng lalaki dito sa school ay siya lang ang kinakausap ko na hindi ko siya sinusungitan, ningingitian ko pa nga tapos siya ay walang emosyon lang lagi na nakatingin saakin na para bang wala lang ako sakanya.

Pero nung nakita ko ang mga ngiti nya sa babaeng iyon ay nakaramdam ako ng kirot, hindi ko nakita ang mga mata nya pero alam kong ganun din ang mga ito na nakangiti.

Napabuntong hininga nalang ako at niyaya na sila Stacy na umalis. Mag-gagabi na din kasi at baka naghihintay na si Manong Artin saakin sa gate.

Pagkadating sa gate ay agad kong nakita si Manong Artin na may kausap na lalaki, nakatalikod ito saakin kaya hindi ako nito  napansin, nakita naman ako ni Manong Artin kaya kinawayan nya ako at ngumiti ng kaunti. Napakunot noo naman ako nang makitang pamilyar ang lalaki na kaharap ni Manong, nanlaki naman ang mga mata ko nang bigla itong humarap kaya bigla akong humarap kila Zara na nagtatawanan at may pinaplano nanaman.

Pabalik-balik ang tingin ko kay Mr. Montenegro at kila Zara na nagtatawanan, nagpapanic na ako at hindi ko alam ang gagawin, hindi nila pwede makita na nandito si Mr. Montenegro baka kung anong isipin nila lalo na si Stacy!

Pagkabalik ko nang tingin kay Mr. Montenegro ay nakangisi na ito at nakasandal sa sasakyan namin at nilalaro ang mga labi gamit ang daliri nya. Napataas naman ang kilay ko at inirapan siya, pagharap ko kay kila Zara ay hindi ko pinahalata na nagpapanic ako at ngumiti lang sakanya na naging ngiwi ata dahil sa pagpapanic ko.

"U-uhmmm......" napatigil sila sa pagtatawanan at hinarap ako, agad naman napangiti si Zara. "Bakit?" Tanong ni Zara.

"A-ano, andyan na kasi yung sundo ko uuwi na ako" napabuntong hininga naman ako nang hindi ako masyadong nautal. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan pero may ibang epekto itong Montenegro na ito saakin na hindi ko alam kung ano at wala akong balak na alamin.

Napatango naman silang dalawa at tumingin sa likod ko agad naman akong napa-ayos ng tayo at humarap na din kila Manong Artin, napakunot noo naman ako ng hindi makita si Mr. Montenegro.

Tinawag naman ako nila Zara kaya lumingon ako sakaniya, "Andyan na din pala sundo ko at ni Stacy, uuwi na din kami" nakangiting sabi ni Zara at tinuro ung sundo nya. Napatango naman ako kilala ko yun ayun din ung naghatid saamin ni Stacy nung papunta kami dito sa school.

Nagpaalam na kami sa isa't-isa kaya nauna nakong maglakad sakanila at kinawayan nalang sila. Pagkarating ko sa harap ni Manong Artin ay tinanguan ako nito at pinagbuksan ng pintuan sa backseat, pumasok na ako at hindi napansin na may lalaki na palang nakatitig saakin.

Umayos ako ng upo at tumingin kay Manong Artin. "Manong, daan muna tayo sa Starbucks" nakangiti kong sabi, tumango naman si Manong at nagsimula nang magmaneho.

Nakangiti naman akong umayos ng upo at napalingon sa gilid ko, agad naman nawala ang ngiti ko nang makilala ang lalaki na nasa gilid ko.

"Ikaw?!!"



~~~

Finally Updated!

Sorry for the late update, it's just that I don't have the courage to write and can't find my inspiration, but now I finally updated!

I hope that you like this rushed chapter!

ᴋᴀsᴜᴍɪ ᴡʀɪᴛᴇs

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now