04

442 18 1
                                    

Chapter 4

Pasakay na sana ako sa backseat ng sasakyan ng may biglang humila ng braso ko. Nagtataka naman akong tumingin kay Mr. Montenegro na nakahawak sa braso ko.

"What the heck?" Naiinis kong sabi at pilit tinatanggal ang hawak nya, humigpit lang yun lalo kaya lalo akong nainis.

Naghihintay na silang lahat don at ako nalang ang wala tapos may epal pa dito?!

"Where are you going?" Matigas na sabi nito. Napakunot naman ang noo ko at tinignan siya.

"It's not your business Mr. Vasquez" sabi ko at hinila ang kamay ko, natagumpayan ko naman yun kaya tumalikod nako sakanya pero hinila nanaman nya ang kamay ko at this time talagang pinaharap pako sakanya.

"Ano ba! Hinihintay nako sa pupuntahan ko oh!" Wala na akong pakielam kung mas matanda pa siya saakin, hindi ko naman siya kilala kaya bakit siya nangingielam?

"I'm asking you" napairap naman ako at humarap sakanya at humalukipkip.

"And, I don't want to answer your question Mr. Montenegro" sabi ko at tinaasan siya ng kilay. Lalo namang dumilim ang mukha nya at napabuntong hininga.

"Alright, then I'll take you there" nalaglag naman ang panga ko at hindi makapaniwalang tinignan.

"I don't need you! I have a driver" sabi ko at tinalikuran na siya, ang kulit nya!

Buti naman at hindi na nya ako hinabol, sumakay nako sa backseat at handa na sanang isarado ng biglang may kamay na humarang doon, nataranta naman ako dahil muntikan na siya masaraduhan.

"Are you fucking insane?! Pano kung naipit ang kamay mo!" Galit na sabi ko at tinignan itong makulit na lalaki na toh.

"Ano bang kailangan mo sakin?!" Naiinis nako sakanya dahil nung unang pagkikita palang namin ay ganun na siya.

Hindi nya sinagot ang tanong ko at basta basta nalang umupo sa tabi ko kaya napausog ako. "Ano-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla nyang putulin iyon.

"I'm coming with you" napairap nalang ako at umusog sa pinakagilid para hindi magkalapit at tinignan nalang si Manong Artin na nasa driver seat at nakahawak sa manubela.

"Tara na po Manong Artin" tumango naman ito at pinaandar na ang sasakyan.

Habang nasa byahe ay nararamdaman kong may kanina pa nakatitig saakin, alam kong siya yun kaya hindi ko siya nililingon at tumitig nalang sa bintana.

Nagvibrate naman ang phone ko kaya tinignan ko ito.

Shit si Zara...

𝖹𝖺𝗋𝖺

𝘞𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘢𝘳𝘦 𝘺𝘰𝘶? 𝘈𝘯𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘢 𝘴𝘪 𝘚𝘵𝘢𝘤𝘺

Napatingin naman ako sa nasa gilid ko at nakitang nakatitig ito saakin kaya inirapan ko siya at binalik ang tingin sa cellphone ko.

𝖠𝗄𝗈

𝘐'𝘮 𝘴𝘰𝘳𝘳𝘺, 𝘮𝘢𝘺 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪 𝘔𝘰𝘮𝘮𝘺

Pagsisinungaling ko, hindi naman na nila ito kailangang malaman dahil nandon si Claire at Stacy. Papaulanin lang nila ako ng mga tanong.

𝖹𝖺𝗋𝖺

𝘈𝘭𝘳𝘪𝘨𝘩𝘵, 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘨𝘰 𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘴𝘢𝘧𝘦 𝘰𝘬𝘢𝘺? 𝘓𝘰𝘷𝘦 𝘺𝘢,

Napangiti naman ako at hindi na nireplyan si Zara.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now