17

285 10 0
                                    

Chapter 17

"Class, that's all" nagpaalam na si Sir David at kumaway pa saamin habang nakangiti.

Pagkaalis nya ay nagsitilian na lahat ng mga estudyanteng babae.

"Ang pogi ni Sir dba!"

"Sinabi mo pa!"

"Buti nalang talaga naging prof natin siya kung hindi, hindi ako papasok ngayon!"

Napailing nalang ako at tumingin sa phone ko.

May nagtext saakin. Unregistered Number ito kaya hindi ko nalang pinansin at tinignan sila Zara at Stacy na busy magbasa ng kanya kanyang libro.

Habang ako naman ay nagsusulat ng notes para sa quiz namin bukas kay Sir David.

"Mga bakla meron daw bagong prof sa architecture building!!!" Napakunot noo naman ako sa baklang pumasok ng classroom namin at pumunta sa nagkumpol-kumpol na mga babaeng estudyante.

Hindi namin ito ka-block pero siguro dahil free time namin ay nandito ang mga ibang estudyante. Pwede naman iyon pero paano naman ung mga ibang estudyante na nag-aaral?

Ang ingay pa rin nila kaya napagpasyahan ko nalang na sa library tapusin itong mga babasahin ko.

Tumayo nako at niligpit ang mga gamit ko na dahilan para mapatingin sila Zara saakin.

"Where are you going?"

"San punta mo?"

Sabay na tanong nila.

"Sa library, ang ingay nila eh hindi ako makapag-aral" malamig kong sabi at ninguso ung mga nagkumpol-kumpol na mga kababaihan sa gilid.

Tumango naman sila at tumayo din.

Siguro ay sasama din sila dahil maingay nga.

Hindi naman ako nagkamali dahil inayos din nila ang mga gamit nila at sinukbit ang bag.

"Let's go, sasamahan ka namin" nakangiting sabi ni Zara at nauna nang lumakad.

Tumango nalang ako at sumunod sakanila.

Habang papunta doon ay kanina pa tunog ng tunog ang phone ko kaya inis kong kinuha yun at tinignan.

Napakunoot noo naman ako dahil ito yung nagtext saakin noon at ang nagtext saakin kanina.

Hindi naman nya sinasabi ang pangalan nya kaya hindi ko na nireplyan noon pero ngayon ay sunod-sunod ang text nya.

Binasa ko naman yun at nagsalubong ang mga kilay ko sa nabasa ko.

𝘜𝘯𝘬𝘯𝘰𝘸𝘯 𝘕𝘶𝘮𝘣𝘦𝘳

𝘠𝘰𝘶'𝘳𝘦 𝘈𝘷𝘰𝘪𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘦

𝘜𝘯𝘬𝘯𝘰𝘸𝘯 𝘕𝘶𝘮𝘣𝘦𝘳

𝘐𝘵'𝘴 𝘮𝘦 𝘑𝘢𝘬𝘦, 𝘐'𝘷𝘦 𝘣𝘦𝘦𝘯 𝘵𝘦𝘹𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘺𝘰𝘶 𝘣𝘶𝘵 𝘺𝘰𝘶'𝘳𝘦 𝘯𝘰𝘵 𝘢𝘯𝘴𝘸𝘦𝘳𝘪𝘯𝘨.

𝘜𝘯𝘬𝘯𝘰𝘸𝘯 𝘕𝘶𝘮𝘣𝘦𝘳

𝘓𝘦𝘵'𝘴 𝘮𝘦𝘦𝘵.

Ano nanaman bang problema nito?

Nung pumunta sya ulit sa bahay ay naweirduhan din ako sa sinabi nya. Hindi manlang nya pinaliwanag dahil biglang may tumawag sakanya, mukhang tungkol yun sa kompanya nila kaya umalis siya kaagad.

Hindi ko alam kung magrereply nako dahil si Jake pala ito.

"Meredith, ano pang ginagawa mo dyan?" Napaangat kagaad ako ng tingin kay Stacy. Nilingon naman nya ang phone ko kaya agad ko itong binaba at nilagay sa bag ko.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now