27

255 9 0
                                    

Chapter 27

Tinotoo nga niya ang sinabi niya dahil ramdam na ramdam ko ang mga titig niya saakin kahit ang layo niya. Niyaya ko na sila Zara na umuwi pero wala ata silang balak. Wala namang pasok bukas kaya siguro sinusulit na nila.

"Meredith, shumayaw khana kashe!" Napapailing nalang ako kay Stacy dahil lasing na lasing na siya at hindi ko na gaano maintindihan ang sinasabi niya.

Si Zara naman ay nakasandal na sa couch na katabi ko lang.

"Umuwi na tayo! Mga lasing na kayo oh!" Pinapatayo ko na sila pero nagpapabigat lang sila. Sinamaan ako ng tingin ni Zara at kahit lasing na ay kumuha pa din ng alak at ininom yun.

Padabog na din akong umupo sa tapat nilang couch, lumayo talaga ako dahil alam kong aalugin nanaman ako ni Stacy.

Kumuha nalang ako ng mojito at ininom un, napangiwi naman ako at napakain ng lemon. Ang pait! Pero okay naman. Tipsy na ako pero nakakatayo pa din ng maayos hindi katulad nitong mga kasama ko na pagewang-gewang na.

Napatingin naman ako sa phone ko na naramdaman kong nagvibrate. Kumabog naman ang puso ko dahil alam kong si Jake yun. Sinabihan ko na siyang umalis na at kaya ko naman pero ang kulit niya at sinabi niyang asawa niya ako.

Binuksan ko ang messages at hindi nga ako nagkakamali dahil siya nga iyon, madami na pala siyang text pero hindi ko manlang napansin. It's not my fault na maingay sa bar!

𝘑𝘢𝘬𝘦

𝘞𝘪𝘧𝘦, 𝘭𝘦𝘵'𝘴 𝘨𝘰 𝘩𝘰𝘮𝘦

𝘑𝘢𝘬𝘦

𝘋𝘰𝘯'𝘵 𝘥𝘳𝘪𝘯𝘬

𝘑𝘢𝘬𝘦

𝘓𝘦𝘵'𝘴 𝘨𝘰 𝘩𝘰𝘮𝘦, 𝘪𝘵'𝘴 1𝘢𝘮 𝘢𝘭𝘳𝘦𝘢𝘥𝘺

𝘑𝘢𝘬𝘦

𝘐 𝘵𝘰𝘭𝘥 𝘺𝘰𝘶 𝘵𝘰 𝘯𝘰𝘵 𝘥𝘳𝘪𝘯𝘬 𝘳𝘪𝘨𝘩𝘵?

Napatingin naman ako sa pwesto niya at kahit ang layo niya ay kitang-kita ko ang madilim niyang awra na ikinalunok ko.

Hindi ko naman nabasa na bawal pala akong uminom! Pero wala akong pakielam kaya nga kami nandito para magsaya at uminom tapos pagbabawalan niya ako?!

Kumuha pa ako ng isang alak at hindi ko alam kung anong alak yun pero ininom ko pa din. Hindi naman niya ako malalapitan dahil yun ang usapan namin.

Kumuha pa ako ng isa at napahawak ako sa ulo ko dahil para akong nahilo.

Nagvibrate ulit ang phone ko at nakangiwi akong kinuha iyon at binuksan yun.

𝘑𝘢𝘬𝘦

𝘐𝘧 𝘺𝘰𝘶 𝘥𝘰𝘯'𝘵 𝘴𝘵𝘰𝘱 𝘥𝘳𝘪𝘯𝘬𝘪𝘯𝘨, 𝘐 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘨𝘰 𝘵𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘔𝘦𝘳𝘦𝘥𝘪𝘵𝘩. 𝘋𝘰𝘯'𝘵 𝘵𝘳𝘺 𝘮𝘺 𝘱𝘢𝘵𝘪𝘦𝘯𝘤𝘦.

Nainis naman ako at nilingon siya. Sinamaan ko siya ng tingin. Ano bang pake nya kung iinom ako? Tsk. Kainis.

Tumayo na ako kahit medjo ramdam ko na ang hilo at nagpatulong na sa bouncer na nakita ko. Kailangan ko ng maiuwi tong dalawang toh dahil madaling araw na.

"Kuya, pahatid nalang po kami hanggang sa exit po!" Kailangan kong isigaw sa bouncer para marinig niya dahil lalong lumalakas ang music dito.

Tumango lang naman ang dalawang bouncer at inalalayan na sila Zara. Nagpumiglas pa nga yung dalawa at kung ano-ano pa ang mga sinasabi pero sinabihan ko na ang mga bouncer na wag na silang pansinin.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now