32

245 7 0
                                    

Chapter 32

At hindi ko alam dahil sa simpleng pagpunta lang namin sa bar ng gabing yun ay doon na nila nalaman na......kasal na ako.

Pumunta kami ng bar dahil kay Matthew, hindi ko talaga alam kung ano ang namagitan sakanila ni Matthew pero akala ko ay hindi niya sasaktan ang kaibigan namin. Hindi pumasok si Zara ng ilang araw dahil kay Matthew. Pero buti nalang ay pumasok na din ito at napagpasyahan naming tulungan siyang makabawi sa mga subjects namin.

Nakilala na din namin ni Zara ang manliligaw ni Stacy na si Steven. Sa totoo lang ay pamilyar siya yun pala ay naging teacher namin siya noong highschool.

At ngayon ay nakahinga ako ng maluwag dahil alam na nila na kasal na ako at hindi sila nagalit. Pero iba ang nagalit dahil nagalit si Jake nang malaman na pumunta ako ng bar.

Inaamin kong tipsy ako kagabi dahil napadami ang inom namin ni Stacy dahil niyaya ako at gusto ko din naman maexperienced yun kahit paminsan-minsan. Pero nakakagulat lang dahil alam ni Jake kung nasaan ako kagabi at sinundo pa talaga ako.

At lalo akong naiinis dahil nahalikan niya ako kagabi at nakatabing matulog. Ngayon ay nasa cafeteria na kami at kumakain. Nagulat kami nang makita namin sila Jake, agad naman akong umalis doon dahil naasiwa ako sa mukha ni Jake.

At talagang magkakasama pa silang tatlo ng mga kaibigan niya na karelasyon o may something kila Stacy. Ako na din ang nagorder ng pagkain namin dahil umiiwas ako sa madami nilang tanong lalo na sa mga tanong ni Stacy.

Buti nalang din na tita ni Jake ang dean dito sa university na toh at hindi ko alam kung bakit ako naiinis dahil wala na talaga akong kawala sakaniya, lalo pa na alam na nila Zara.

"Mag bar nalang kaya tayo later?" Biglang sabi ni Stacy na agad ko namang kina-iling. Tama na ang nangyari kagabi at baka puro alak nalang ang laman ng tyan naming tatlo.

"Puro ka nalang bar, Stacy hayss puro alak nalang ang laman nyan, mayayari ka sa manliligaw mo." Sabi ko kay Stacy pero ngumisi lang ito saamin ni Zara.

"Correction, my boyfriend" sabi nito at proud pa ang pagkasabi. Napairap nalang kami ni Zara at nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos ng mga ibang cooking tests namin ay nagligpit na kami dahil madami din kaming naluto ngayon. Puro savory nga pero okay lang dahil gumawa naman kami ng dessert sa isang subject namin.

Madami akong dala pero nauna na kasi Zara at Stacy at tila may mga sumundo sakanila. Ako lang naman ang mag-isang umuuwi dahil ayaw kong makasabay si Jake.

Naglalakad na ako sa hallway ng may biglang humablot ng isang bag na hawak ko. Nagulat naman ako doon at tinignan ang kumuha non. Napasinghap naman ako dahil si Jake ito.

Tumingin ako sa paligid at nakahinga naman ako ng maluwag dahil magdidilim na din at wala ng mga estudyante.

"Akin na nga yan! At uuwi na ako" galit na sabi ko at pilit na kinukuha ang bag ko sakaniya pero ngumisi lang siya at nilayo ito saakin.

Mamumula nanaman ako sa galit dito kung papatulan ko nanaman itong lalaking toh!

"What do you need? Tell me, Jake" frustated na sabi ko.

Tila nag-iisap pa ito kaya napapadyak ako sa inis. Simula ng malasing ako kagabi mas lalo siyang dumidikit saakin at naiinis ako dahil doon.

"We will go home together, that's what I want." Nakangiting sabi nito.

"Yun lang-" napatigil naman ako at sinamaan siya ng tingin.

"No! Ayaw ko! Kaya ko namang umuwi ng hindi ka kasama." Sabi ko at tinalikuran na siya. Sakanya na yung bag nayun at bigay lang din naman saakin iyon.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now