39

250 7 2
                                    

Chapter 39

Nakabihis na ako dahil sa isang coffee shop kami magkikita ni Liam. Hindi ko alam kung anong nakain ni Jake na bakit pa siya sasama pero bahala siya.

Pagkagising ko nga ay hindi ko na nakita si Jake. Hindi pa naman ako bumababa, siguro ay nasa kusina na yun.

Pagkatapos ko mag-ayos ay bumaba na din kaagad ako.

Hindi nga ako nagkakamali dahil naghahain na si Jake, ngumiti ito saakin pero tinaasan ko lang ito ng kilay.

Nilapitan ako nito at humalik sa pisnge ko. Uminit naman ang mukha ko at napaiwas nalang ng tingin.

"Good morning, wife" sabi nito at pinaghila ako ng upuan.

"Morning" bati ko pabalik.

Umupo ito sa katapat ko na upuan at nilagyan ako ng fried rice at bacon and egg sa plato ko.

Nang matapos ito maglagay sa plato ko ay saka lang ito naglagay sakaniya.

"I made you milk too" sabi nito at ninguso ang gatas na nasa tabi ko.

Nagpasalamat nalang ako at kumain na.

"So, where are you gonna meet Liam?" Tanong nito.

Hindi ko sana ito sasagutin pero anong magagawa ko? Mahahanap pa din naman niya ako.

"Sa malapit lang na coffee shop sa school." Sabi ko.

Tumango naman ito.

"I'm still going with you before I go to work." Sabi nito kaya napabuga ako ng hininga.

"You don't have to do that, kaya ko ang sarili ko." Sabi ko habang nakatingin ng mariin sakaniya.

"I know but, I wanna make sure that you're gonna be fine." Sabi nito at tinitigan ako ng seryoso.

Wala nakong nagawa at hinayaan nalang siya. Ayaw ko nang mag-away pa kami dahil lang sa bagay na yan.

Pagkatapos kumain ay pumunta na kaagad kami sa sasakyan ni Jake. Pinagbuksan ako nito saka ito pumunta sa driver seat.

"Fasten your seatbelt." Paalala nito saakin.

Kinabit ko naman kaagad dahil nakatitig ito saakin. Naiilang pa rin ako sa presensya niya at hindi pa din ako gaano kasanay.

Ang sarap balikan yung mga araw na nasa ibang bansa kami. Ang saya saya namin doon at sana maulit pa iyon kapag ka sigurado na ako sa nararamdaman ko.

Nakarating din naman kami kaagad dahil malapit lang din pala sa bahay namin ang coffee shop.

Hinanap ko si Liam at nakita ko ang likod nito, naglakad na ako papalapit kay Liam at hindi ko alam kung bakit ko tinakpan ang mga mata nito.

Halatang nagulat si Liam kaya napatawa ako, pilit inaalis ni Liam ang mga kamay ko kaya inalis ko na ito. Tumingala kaagad si Liam saakin at kunot ang noo nito.

Lumambot ang ekspresyon nito nang makita ako. Tumayo ito kaya doon lang ako natauhan.

"Why did you that?" Nakangiting tanong nito.

"You're making fun of me huh?" Amuse na sabi nito.

Napailing nalang ako at natawa. Hindi ko din alam kung bakit ko nagawa yun.

Magsasalita pa sana si Liam nang marinig namin ang isang tikhim. Napapikit naman ako ng mariin dahil nakalimutan kong nandito pala si Jake.

Sana ay hindi magselos si Jake sa ginawa ko kay Liam. Ngunit nagkamali ako dahil ang dilim na ng awra nito habang masama ang tingin saamin ni Liam.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now