41

243 4 1
                                    

Chapter 41

Natapos na ang cooking contest, sa totoo lang ay habang nagaganap ang cooking contest ay kinakabahan ako. Hindi ko lang pinapahalata pero dahil sa nararamdaman kong mga titig ni Jake saakin noong cooking contest ay nangangatog ang mga tuhod ko.

Isa pala kasi siya sa mga judges at hindi niya manlang sinabi saakin!

Nainis ako dahil doon at nagsorry naman na siya kaya napatawad ko kaagad.

Naging maayos naman ang pagsasama namin ni Jake simula noong umamin nako sakaniya. Pero, mas lalo siyang naging clingy saakin at OA.

Katulad ngayon ay weekend nanaman at dahil walang pasok ay nakayapos nanaman siya habang nakaupo kami sa sofa, nanonood kami ng movies.

Nakasuksuk ang ulo nito sa leeg ko at hinahalik halikan ang leeg ko. Nakikiliti ako kaya hinampas ko siya.

"Tigilan mo nga yan" inis kong sabi.

Umungot lang ito na parang bata at mas lalong nagsumiksik saakin.

Napairap naman ako at hinayaan siya.

Ilang buwan na kaming kasal at nakakatuwa dahil wala pa namang malaking away na nagaganap saamin, wala pang problema na sumusubok saamin. Merong mga maliit na tampuhan pero hindi hinahayaan ni Jake na matutulog kaming galit ako sakaniya.

May bigla namang phone na tumunog, pero alam kong hindi akin iyon.

Kinalabit ko si Jake at nakita ang cellphone niya, may tumatawag doon. Napasimangot naman ako kaagad nang mabasa ang pangalan doon. Sydney, si Sydney Raize ang lesbian na friend ni Jake.

Wala naman akong problema sakaniya noong una, pero this month kasi ay napapadalas ang pagtawag niya kay Jake. Isang beses nga ay pumunta ito dito at sobrang ikli ng suot, alam ko namang model siya pero lesbian siya diba?

Pansin ko din kasi na iba siya dumikit kay Jake, sa tuwing nakikita ko iyon ay may kumikirot sa puso ko. Hindi ko pinapansin yun dahil nga lesbian siya at pinapaniwalaan ko si Jake na hindi niya ako lolokohin. May tiwala ako kay Jake at alam kong hindi niya sisirain yun. Sumugal na ako.

Napabuntong hininga naman ako dahil napahiwalay kaagad si Jake saakin.

Inabot nito ang phone niya at sinagot si Sydney, ang braso nito ay pumulupot sa bewang ko kaya lihim akong napangiti.

Alam niya....alam niyang baka iba na ang iniisip ko. Sumulyap siya saakin at hinalikan ako sa labi bago kausapin si Sydney habang katabi pa din ako.

"Sydney, why did you call?" Kunot noong tanong nito. Malamig din ang tono nito.

Ganiyan niya kausapin ang ibang tao pero pagka ako ang kausap ay sobrang lambot at parang bata.

Kita ko naman ang panlalaki ng mga mata nito kaya nagtaka ako.

"Shit! Where are you?.......okay, I'm coming!" Tumayo ito kaagad at nagmamadaling umakyat sa kwarto namin.

Susundan ko pa sana ito pero biglang may tumatawag sa phone ko.

Nagsalubong naman ang kilay ko dahil bakit sila Mommy ang tumatawag? Pero napangiti din ako dahil baka namimiss na nila ako.

Last month kasi ang huling kita namin at family dinner pa yun kasama din ang mga parents ni Jake. Sobrang bait ng parents ni Jake na parents ko na din ngayon.

"Hello Mommy?" Tanong ko.

[Oh hi, sweetheart! I just called because I really missed my baby.] Sabi nito. Pero, ang pinagtataka ko ay bakit parang pilit lang ang masayang boses nito.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now