36

274 10 2
                                    

Chapter 36

Kakauwi lang namin galing sa New York at bati na kami ni Jake. Hindi naman kasi ganun kalalim ang inis ko sakaniya kaya okay na kami.

Excited naman kami ni Jake dahil sabay naming icecelebrate ang bagong taon.

Hindi ko inaasahan na sa isang iglap ay may asawa na ako at sabay pa namin icecelebrate ang mga gantong araw.

Mag-oorder nalang kami mamaya ng foods dahil kaming dalawa lang naman ang nandito sa bahay.

Naghuhugas ako ng pinagkainan namin ng may biglang yumakap saakin mula sa likuran.

"You smell good, wife" malambing na sabi nito kaya namula ako. Hindi na talaga ako masasanay sa mga bigla bigla niyang mga sinasabi.

"Mamaya mo na nga ako landiin dahil naghuhugas ako!" Sigaw ko dito.

Tumawa lang ito at mas yumakap saakin ng mahigpit.

Nang matapos ako maghugas ay naligo kaagad ako at nagbihis na.

Sa totoo lang ay bago saakin ang mga nararamdaman ko dahil mas malalim ito sa mga naramdaman ko noon kay Liam.

Siguro nga ay crush lang talaga ang naramdaman ko kay Liam noon.

"Wife!" Rinig kong tawag ni Jake saakin.

Ano nanaman ba ang kailangan ng ugok na toh?

Pumunta ako sa livingroom at natuwa ako sa nakitang designs doon.

Ang ganda dahil may mga lights pa.

Pink and silver ang motif kaya natuwa ako dahil alam na alam ni Jake ang paborito kong kulay.

"Hala ang ganda! Kailan mo pinagawa toh?" Nakangiti kong tanong habang naglalakad papalapit sakaniya.

"Awhile ago" maikling sabi nito.

Nagulat naman ako dahil ang bilis naman kumilos ng mga inutusan niya para dito.

"Ang bilis naman nila!" Mangha kong sabi.

Ngumisi naman si Jake saakin at tila nagyayabang.

"Of course, I helped them." Sabi nito na ikinairap ko.

"Nanggulo kalang siguro sakanila." Pang-aasar ko dito kaya sumimangot ito.

"Of course not!" Parang bata na sabi nito kaya natawa ako.

"Ewan ko sayo!" Natatawang sabi ko at umupo muna sa sofa.

10 pm palang kaya excited talaga ako.

Mamaya ay tatawagan ko sila Zara at Stacy para batiin.

After one week ay pasukan na ulit namin at madami nanaman kaming lulutuin.

Dapat nga ay magluluto nalang ako pero ayaw ni Jake dahil baka daw mapagod ako. Okay lang naman iyon saakin dahil para masave ko din ang enerhiya ko pagdating ng pasukan ulit.

Tinabihan naman ako ni Jake at inopen nito ang TV. "Do you want to watch a movie?" Tanong nito.

Napabalikwas naman ako at hindi siya makapaniwalang tinignan.

"Really?" Naninigurado kong tanong dahil baka nabibingi na ako.

Natatawa naman itong tumango.

Natuwa naman ako at sinabi ang movie na papanoorin namin.

Gusto ko kasi talaga manood ng mga horror movies na namana ko kay Mommy.

Wala pa kami sa kalahati ay napansin ko naman si Jake na pumipiksi-piksi at palapit ng palapit saakin. Nakakunot-noo ko siyang tinignan.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now