06

422 15 0
                                    

Chapter 6

"Ikaw?!!" Gulat na sigaw ko kay Mr. Montenegro.

Tinaasan nya ako ng kilay at ngumisi.

Nainis naman ako at inirapan siya "Anong ginagawa mo dito? Akala ko umalis kana?!" Galit na sabi ko dahil nakangiti lang siya at walang balak na sagutin ako.

"Bakit ka nakangiti?" Inis na tanong ko at inirapan siya, lalo namang lumaki ang ngiti nya kaya napanganga ako at tinignan si Manong Artin na nakangisi habang nagddrive.

"Manong Artin, baliw ba toh?" Inis na tanong ko at tinignan ulit si Mr. Montenegro. Natawa naman si Manong Artin at umiling.

"Hindi po, Ma'am" sabi nito at ngumiti kay Mr. Montenegro.

Tinignan ko ulit ang lalaking nasa gilid ko at nakangiti pa rin ito at pinaglalaruan ang labi gamit ang mga kamay nya.

"What are you doing here?" Sabi ko, kung sisigawan ko siya ulit ay baka mapaos lang ako at hindi naman siya importante para sayangin ang mga laway ko.

Hindi parin naalis ang ngiti nya kaya nainis na talaga ako at inirapan siya, umayos nako ng upo at nag-iwas ng tingin sakanya. Baka ano lang ang magawa ko kapag hindi pa siya tumigil sa pagpapakita saakin.

Huminto naman ang sasakyan sa drive thru ng starbucks, hindi ko na sinabi kay Manong ang order ko dahil alam naman na niya iyon kaya nakasimangot ako na naghihintay na iabot saakin ni Manong Artin ang frappe ko.

Naramdaman ko namang gumalaw ang nasa gilid ko pero hindi binigyan ng pansin dahil alam kong magagalit nanaman ako.

Pagkaraan ng ilang minuto ay narinig ko na nagpasalamat si Manong Artin at tinawag ako. "Ma'am ito na po yung frappe nyo" nakangiting sabi ni Manong, ngumiti ako ng unti at kinuha yun at nagpasalamat. 

Tahimik ako na nag-ayos ng upo sa sasakyan at hinigop ang frappe ko habang nakatingin sa bintana.

"Hey..." malambing na boses ang nakapagpagulat saakin at inis siya na tinignan. "Ano?" Malamig kong tanong.

Nang hindi siya magsalita ay inirapan ko siya at umiwas ulit ng tingin, narinig ko naman na tumawa si Manong Artin kaya sumama ang tingin ko sa bintana.

Anong nakakatawa?!

Nang makita na nakapasok na kami sa village namin ay agad kong inayos ang mga gamit ko at sinukbit na ang bag ko sa balikat ko. Kukunin ko na sana ung mga libro ko ng may epal na naunang kumuha non.

"Akin na" mahina na sabi ko kay Mr. Montenegro.

Sinubukan kong kunin iyon pero lalong humigpit ang hawak nya, tatlong libro lang naman iyon kaya, kaya ko nang buhatin.

Tinignan ko siya ng masama. "You know what Mr. Montenegro, hindi kita kilala pero ang epal mo" masungit na sabi ko at tinaasan siya ng kilay. Sakanya lang talaga na titrigger ang pagkakamataray ko dahil ang kulit nya!

Nalukot naman ang mukha nya nang marinig ang pagtawag ko sakanya ng apilyido nya.

"You can call me Jake, Cristine" ako naman ang nalukot ang mukha ng marinig ang pagtawag nya sa second name ko.

Si Liam lang ang pwede tumawag saakin non! Kahit hindi nya pa nababanggit ang kahit isa sa pangalan ko.

Napahigpit ang hawak ko sa mga libro na hawak nya at sinamaan siya ng tingin. "Alam-" napatigil ang sasabihin ko nang biglang huminto ang sasakyan, nakatagilid ako kaya napasalampak ako sa harapan na upuan kaya napahawak ako sa ulo ko na natama sa bakal.

"Aray!" Sabi ko at hinimas ang gilid ng ulo ko na tumama sa bakal. Napatingin naman si Manong saamin at nanlaki ang mga mata nang makita na hinihimas ko yung ulo ko.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now