09

371 16 0
                                    

Chapter 9

Napapikit ako ng mariin at umikot sa kama ko. Ano bang iniisip ng lalaki na yun?!

Mas matanda siya saakin at ang bata bata ko pa!

Napailing nalang ako at sinubukan ulit na matulog.

Nagtagumpay naman ako kaya pagkamulat ko ng mga mata ko kinabukasan ay napailing nalang ako.

Bakit ko ba masyadong pinaglalaanan ng pansin ang lalaking yun?

Nagready nalang ako para sa pagpasok sa school dahil medjo na late ako ng gising.

Pagkatapos ko ay lumabas nako ng kwarto ko ng nakauniform na at bitbit ang bag sa likod.

Pagkababa ko sa hagdan ay nagulat ako ng makita si Jake sa livingroom at kausap sila Mommy. Kinabahan naman ako na baka makita nya ako kaya tumakbo kaagad ako sa kusina at naghanap ng pwedeng makain.

Nagliwanag naman ang mga mata ko ng makakita ng french toast, kumuha ako ng isa at sinubo yun. Nagpaalam nako kay Manang at lumabas na ng kusina pero paglingon ko ay nanlaki ang mga mata ko nang makita si Jake sa tapat ng pintuan at nakasandal doon habang nakahalukipkip.

"A-anong ginagawa mo dito?" Kinakabahan na tanong ko at tinignan siya. Umayos siya ng tayo at walang emosyon na naglakad papapunta saakin, napaatras naman ako hindi ko namalayan na nasa counter na pala ako kung hindi ko ito naramdaman. Tumigil siya sa harapan ko at nagulat ako ng bigla ako nitong niyakap.

Hindi naman ako nakagalaw kaagad at hindi pa pumapasok sa utak ko na yakap-yakap niya ako, saka lang ako natauhan nang humigpit ang yakap niya saakin. Tinulak ko kaagad siya, pero lalong humigpit ang yakap niya kaya nainis ako.

"Bitawan moko!" Sigaw ko at pinaghahampas siya, naramdaman ko naman ang pag-iling nya at paglagay ng ulo niya sa leeg ko. "Ano ba!" Inis na sabi ko at tinulak siya.

Nagtagumpay naman ako at galit siyang tinignan. "Ano ba?! Kagabi kapa ah! Sinabihan na kita na hindi kita mahal! At nagiisip kaba?! Ang bata bata ko pa" pero wala siyang imik at lumapit ulit saakin.

Di makapaniwalang tinignan ko siya at nabuka ko ang labi ko. Umiling siya at ngumiti pa saakin na ikinagulat ko. "Baliw kaba?!" Hindi ko na napigilan na sabihin yun dahil kung umakto siya ay parang magkarelasyon kami o ano.

Napaayos naman siya ng tayo at ngumisi. "I think I am" nanlaki naman ang mga mata ko at napaatras. Magsasalita pa sana ako ng biglang tumunog ang telepono ko, iniwas ko ang tingin ko sakanya at kinuha ang telepono ko sa bulsa.

Pagkakita ko doon ay nakahinga ako ng maluwag na makita na si Zara ito. "Hello, Zara?" Sabi ko.

["Meredith, when will you go here?"] Tanong nito, nagtaka naman ako at napatingin sa relo ko. Nagulat ako nang makita na malapit na akong malate.

"Oo nga pala! Malalate nako! Salamat Zara" sabi ko at pinatay na ang tawag.

Kumuha nalang ako ng tubig dahil nauhaw ako at inayos na ang bag ko. Napatingin naman ako kay Jake na hanggang ngayon ay nakatayo pa din sa harap ko at nakatitig saakin.

Tinaasan ko siya ng kilay at tumakbo na palabas ng kusina, dumiretso na ako kay Manong Artin at sinabihan siya na ihatid ako.

"Manong! Tara na po" magalang na sabi ko at nauna na sa sasakyan. Bago pa ako makapasok ay may biglang humila sa braso ko. Tinignan ko ito at namuo kaagad ang galit sa mga mata ko, napansin niya ata iyon kaya medjo lumuwag ang hawak niya saakin.

"Malalate nako Jake! Kaya pwede ba bitawan moko" inis na sabi ko. Hindi ba siya titigil?

"I'm taking you to your School" napairap naman ako at tinanggal ang hawak niya saakin. "Andyan na si Manong, so bakit nandito kapa?" Sarkastiko na sabi ko at inirapan siya.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now