57

114 2 0
                                    

Chapter 57

"Sa sementeryo." Sabi ni Jake ay ngumiti saakin.

Nagtaka naman ako dahil anong gagawin namin doon? Sino kaya ang dadalawin namin doon?

Nawala ang mga katanungan ko sa utak nang makita ko ang pamilyar na sementeryo. Bigla akong napangiti.

Tinigil ni Jake ang sasakyan at lumabas ito. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at hinawakan sa kamay bago ako inalalayan na maglakad papalapit sa puntod ng mga magulang ko.

Nakatingin lang ako kay Jake habang hindi makapaniwala na dito niya ako dinala.

"A-anong ginawa natin dito, Jake?" Tanong ko.

Ngumiti lang ito saakin at hindi ako sinagot.

Nakalapit na kami sa puntod ng mga magulang ko. Biglang may nilagay si Jake na mga bulaklak sa puntod nila. Hindi ko manlang namalayan na may dala pala si Jake na mga bulaklak dahil sa pagkagulat at pagtataka ko.

"We're here because, I'm asking for your parent's hands again." Sabi nito habang nakangiti sa puntod ng mga magulang ko.

Napangiti din ako at umupo na sa tapat ng puntod nila Mommy. Hindi ko mapigilan na umiyak dahil sa mga alaala namin na magkakasama. Sobrang masaya ako sa mga alaala na yun. Kahit na sobrang busy nila ay binibigyan nila ako ng atensyon at naibibigay nila lahat ang mga gusto ko.

Bata palang ay tinuruan na nila ako kung paano maging independent. Sinasabi na kasi nila saakin noon pa na matanda na sila. Noon ay hindi ko pa naiintindihan dahil bata pa ako. Pero ngayon....na matanda na ako ay naiintindihan ko na sila. I was a miracle baby. Malapit na mag menopause si Mommy pero dahil sa pagdadasal niya ay dumating ako.

She's always telling me to pray and thank God for everything we have.

She's really a rare diamond that will forever shine.

Si Daddy naman ay napakasweet saakin. He will always give me toys when I was a kid. He will tuck me in bed and sing for me until I fell asleep. He's always there. They're both always there.

Kaya sa mga huling sandali nila sa mundo ay kasama din nila ako. Magkakasama kami. Kaya wala akong pinagsisihan. Dahil alam akong kahit hanggang sa huli ay pinili ko sila.


"Hi Mommy, Daddy....nandito na po ulit ako. Kamusta kayo? Are you two happy there?" Tanong ko.

Bigla namang humangin kaya napangiti ako at napapikit. Dinamdam ko ang hangin na parang mainit na yakap nila saaking dalawa iyon.

"Mom, Dad. It's Jake. I knew that I've hurted your daughter. But, I promise that I won't do it again. I'll erase that hurtful memories that I gave to her. I will replace it with all of the love that I will give her. This time, I will love and hold much better." He said.

Tumingin ako sakaniya at kitang kita ang senseridad sa mga mata niya. Nakatingin siya sa puntod nila Mommy habang kinakausap ito.

"I'm here again to ask for your blessing to let me propose to Meredith, again." Sabi ni Jake.

Nagulat naman ako nang bigla itong lumuhod sa harapan ko at may kinuhang velvet box sa bulsa niya. Napasinghap naman ako ng binuksan niya ito at kitang kita ko kung paano kuminang ang malaking bato doon.

Lalo akong napaiyak dahil sa saya. Sobrang saya ng puso ko dahil ngayon ay alam kong sasagot ako ng mula sa puso ko. Hindi sapilitan at walang sama ng loob. This time it's full of love and trust.

"Madaming taon na ang sinayang natin, Meredith. But, I will do everything to make it right this time. I will love you in every kind of love in this world have. I love you......will you marry me again?" Jake said while smiling at me.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now