15

299 9 0
                                    

Chapter 15

Pagkatapos nun ay nakita ko naman kaagad ang classroom namin kaya pumasok na ako sa likod.

Sakto namang nakatalikod ang prof namin kaya dali dali akong pumunta sa row namin at umupo sa upuan ko kanina.

Pinunasan ko kaagad ang pisnge ko at uminom ng tubig.

"What happened to you Meredith?" Nag-aalalang tanong ni Zara.

Hindi ko naman sila nilingon dahil baka makita nila ang pagmumugto ng mga mata ko dahil sa pag-iyak ko.

Hindi ko na alam kung saan nagpunta si Jake dahil kumalas kaagad ako sa pagyakap nya saakin at tinalikuran siya para tumakbo.

Humarap naman ang prof namin at ningitian kaming lahat.

"Good morning Class, I like you all to introduce yourself one by one.....Let's start" sabi ni ma'am at tinuro ung nasa pinakalikod, buti nalang ay nasa gitna kami nila Zara.

Nang malapit na saakin ay tinignan ko lang ang nasa kabilang dulo na classmate ko hanggang sa matapos toh.

Agad naman akong tumayo nang matapos yun para hindi nako punahin ni ma'am.

"Good Morning Ma'am, I'm Meredith Cristine Sanmonte....but you can just call me by my first name. 18 years old" yun lang ay umupo na ako at bahagyang tinanguan ang prof namin na tumango din pabalik saakin at tumingin na kay Stacy.

Nang matapos na kami sa pagpapakilala ay nagdiscuss na ang prof namin kung paano na ang mangyayari ngayong collage.

Sinabi nya din na merong sariling room ang mga culinary students para sa pagluluto kaya naman ay naexcite kami nila Stacy.

"Okay, that's all class. See you on Wednesday" sabi nito at lumabas na.

Napatingin naman ako sa watch ko at nakita ko ng magbreak time na kaya habang naghihintay sa susunod na prof ay nagbasa nalang ulit ako ng libro.

"Good morning Class" agad ko namang tinabi ang libro ko nang marinig yun at seryosong tumingin sa harap.

Bakit nandito yung dean?

And she seems so familliar.

Tumayo kaagad kaming lahat dahil nandyan ang dean ay binati namin siya.

Tumango naman siya at ngumiti nang tumingin sya sa buong room at tila may hinahanap ng matigil ang tingin nya saakin, nakita ko ang pagngisi nya kaya napakunot noo ako.

What did she mean by that?

Ngumiti naman siya saakin pagkatapos nun kaya tinanguan ko lang sya at binigyan ng seryosong tingin.

Hindi naman na talaga ako palangiti dati pa.

"I'm David Arthur Castro, but you can call me Sir David" sabi nito at ngumiti saamin.

May narinig naman kaming mga babaeng tumili kaya natawa si Sir.

Buti nalang ay friendly siya.

"And I'm Cristina Valerie Montero" sabi naman ng dean at seryosong tumingin saamin.

Tumingin ulit sya saakin at tila may pinapahiwatig ang mga mata nya na hindi ko naman maintindihan.

Pagkatapos nun ay nagpaalam na ang dean at bago lumabas ay sumulyap sya ulit saakin at ngumisi.

Napailing nalang ako hindi ko pinansin yun.

Nagpakilala din kaming lahat ay nagbigay ng index card para ilagay ang names namin doon. Para daw sa recitation iyon sabi ni Sir.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now