49

389 9 1
                                    

Chapter 49

Alam nyo ba yung pakiramdam na akala nyo okay na lahat? Na masaya nalang dapat? I really thought if I take the risk I wouldn't be fooled. But, I think I am.

"Congratulations to us!!!" Sigaw ni Zara saamin habang nakaakbay saamin ni Stacy.

"Finally, graduate na tayo!" Sigaw ni Stacy.

Masaya din akong ngumiti at tumingin kila Mommy at Daddy. Humiwalay muna ako kila Zara at nagpaalam na pupunta muna ako kila Mommy.

Tumakbo ako sakanila at niyakap sila. I'm really happy na tinupad nila yung pangako nila na nandito sila sa graduation ko. I graduated Cum Laude, parehas kami ni Jasmin. Habang si Stacy naman ay Magna Cumlaude at si Zara ang Summa Cumlaude. I mean, hindi namin inaasahan iyon kasi ineenjoy lang talaga namin ang journey namin sa collage.

"We're so proud of you, anak!" Nakangiting sabi ni Mommy.

Napaiyak naman ako at hinigpitan pa ang yakap sakanila. May mga private nurse ang nasa gilid nila upang alalayan sila Mommy. Medjo okay na ang pangangatawan nila at ang sabi ng doctor ay pwede naman daw silang makalabas ng hospital. Sa bahay na sila nagsstay, sa mansion. Doon na muna din ako natutulog ngayon.

It's because, hindi ko pa nakakausap si Jake. Kinokontakt nya pa din ako pero hindi ko siya sinasagot. I just can't see him right now. Natatakot ako na baka patawarin ko nalang siya kaagad, not knowing his side.

"Finally, nakagraduate na din po ako!" Sabi ko sakanila. Napangiti naman sila.

I just need to get my licensed at knowing what happened to my parents. I do think I'm gonna be the one who will handle our business. Kahit na si Jake ang katulong ni papa sa pagmamanage non. Afterall, I'm the heiress.

Hindi pa alam nila Mommy ang nangyayari between me and Jake. Ayaw ko munang sabihin sakanila dahil nga may sakit sila. Ayaw ko ng dumadagdag pa sa mga problema nila.

Kumuha lang kami ng mga pictures nila Zara at ng matapos ay nagpaalam na kami sa isa't isa. May mga kanya kanya kasi kaming family celebration. Pero nagsabi na si Jasmin na may kahiwalay na party para saaming magkakaibigan.

"Bakit inom ka ng inom?" Tanong saakin ni Stacy.

Napatingin naman ako sakanya at nagkunwaring hindi ko alam ang sinasabi niya.

Nasa bahay kasi kami nila Jasmin dahil graduation party naming magkakaibigan. Honestly, hindi ko pa din nakakausap si Jake.

"Wala, ano ka ba?" Natatawa kong sabi.

Pinanliitan niya ako ng mata at halatang hindi naniniwala.

"Hindi ka ganyan, Meredith. Now, tell me, may problema ka ba?" Natigilan ako sa tanong niya.

Graduation day nga namin ngayon, inaamin kong masaya ako pero parang may kulang. Bakit hindi ako buong masaya? Ano bang kulang?

"Wala nga" sagot ko nalang.

Dati hindi ako naniniwala na kapag ka may problema ka, idaan mo sa alak pero ngayon naniniwala na ako. I just want to forget the feeling that I was betrayed. Masyado naman kasi akong nagtiwala. Pero mali ba ang ginawa ko? Mahal ko siya and that's why I gave him my full trust.

Ayaw ko talagang maniwala sana at hihintayin ko ang paliwanag ni Jake. Pero nagtext nanaman saakin si Sydney at pinakita niya saakin na kasama niya si Jake habang nagpapacheck up sila sa pagbubuntis niya.

That was yesterday and sobra ang iyak ko. I used to be so strong. But, I guess, I was just strong in the outside.

Buti na lamang ay hindi sila nagtanong o nagtaka pero akala ko lang yun dahil napansin na nga ako ni Stacy.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now