50

383 5 4
                                    

Chapter 50

𝑌𝑒𝑎𝑟𝑠 𝑎𝑓𝑡𝑒𝑟.....

"You may now kiss the bride" sabi ng pari.

Nagpalakpakan kami at nakita kung paano hinalikan ng groom si Stacy. Stacy is now finally married. Si Zara kasal na din. Ako nalang pala ang hindi. How ironic dahil ako ang unang kinasal, pero una din na annulled. But it's all in the past.

Pagkatapos ng kasal ay pumunta na kami sa reception. Kitang kita ko sa mga mata ni Stacy na talagang masaya siya. Katabi ko sila Zara at kasama ang mga asawa at boyfriend nila.

Sumasayaw si Stacy ngayon kasama ang asawa nya sa gitna habang sila Zara ay nagkwekwentuhan. The theme is a fairytale wedding. Bagay naman kay Stacy dahil kahit na masungit siya ay mukha naman siyang diwata. Her face is so angelic and soft. She's like a fairy.

"Meredith, how's the business?" Tanong ni Zara saakin. I laughed. Ang formal naman ng kaibigan ko na ito. Well, nagmatured na kaming lahat. We're so immature back then.

"Ang formal mo naman" pang aasar ko kay Zara. Ngumisi naman siya at napailing nalang.

Kumain lang kami habang nagkkwentuhan pa din. We just talked about our lives. Minsan nalang kasi kami magkita dahil busy na kami sa pare-parehong trabaho.

"Ayan nanaman si Jessie!" Sabi ni Jasmin. Napatingin naman ako kay Jessie ay napairap nalang ako. Well, Jessie is Jessie.

Iba na kasi yung tugtog at pang party na ito. Yung mga bata ay inakyat na sa hotel rooms dahil anong oras na din. Kaya yung mga naiwan dito ay yung mga gusto pang pumarty. Wala na din si Stacy at ang asawa niya dahil magpapahinga na daw sila.

If I know, ibang pahinga na ang ginagawa nila. Natawa ako sa naisip ko at uminom nalang ng wine.

Nakita kong sumunod na din si Zara at Jasmin sa gitna. Nakisayaw na din sila doon habang may mga alak pa sa kamay niya. Naiwan nanaman ako sa lamesa habang umiinom ng wine. Lagi naman ganto kahit noong college days namin.

Tinignan ko nalang yung paligid and I can say na talagang bongga ang kasal ni Stacy. Her husband is rich that's why it explains everything.

Napatingin ako sa isang gilid at bigla akong natigilan sa nakita ko. Muntikan nakong masamid buti nalang ay napigilan ko. Hindi nako magtataka kung bakit siya nandito dahil kaibigan nito ang ikinasal. But, why is Jake staring at me?

Umiwas nalang ako ng tingin at inubos na ang wine ko. Matutulog nalang ako sa room na binook saakin. Galing pa talaga ako sa isang business meeting before the wedding kaya sobrang pagod ako ngayon. Emergency kasi ito dahil may gusto daw mag invest sa company ko. Tinanggihan ko ang gustong mag invest saakin dahil hindi ko kailangan ng tulong niya.

Tumayo nako at kinuha ko na yung purse ko. I'll just text my friends na natulog na ako sa room ko. Naglakad nako palabas ng reception pero may biglang humarang sa harap ko at hinila ako bigla. Nagulat ako at pinaghahampas siya.

"What the heck, Jake! Ano bang kailangan mo?!" Galit kong sabi. Hindi manlang niya ako nilingon o sinagot. Hinila niya lang ako hanggang makarating sa parking lot. Nanlaki ang mga mata ko nang malaman kung anong gagawin niya.

Nataranta ako at umiling kahit hindi niya ako nakikita.

"Shit! No, Jake! Bitawan mo ko! Hindi ako sasama sayo!" Sigaw ko.

"Tulong!"

Pilit pa din akong nagpupumiglas pero ang higpit ng hawak niya saakin. I'm sure na mamumula ito mamaya. I really fucking hate this asshole. Nakaheels pa naman ako tapos hihilain niya ako?!

"Behave or I'll kiss you, right here and right now." Madiin na sabi nito kaya bigla akong natahimik. Ako na nga ang lumalayo sakaniya pero siya pa ang lapit ng lapit. This is the 2nd time na nakita ko siya. The first one nung bachelorette party ni Stacy tapos ngayong kasal naman nila Stacy.

Nang sa wakas ay mukhang nakita niya ang sasakyan niya ay pinatunog niya ito at binuksan ang passenger seat door. Nilingon niya ako at sinabing pumasok ako.

"No! Hindi ako sasama sayo!" Sabi ko at pilit na pumiglas sakaniya.

"Hindi ka talaga sasama sakin?" He coldly said. Umiling ako at umiwas ng tingin sakaniya. Hindi ko kayang titigan ng matagal ang mga abo niyang mata. Kinalimutan ko na yan noon. Kinalimutan ko na siya, pero anong ginagawa niya sa harap ko ngayon?

Naalala ko nanaman lahat ng sakit na naramdaman ko dahil sakaniya. Ang panloloko niya. Napailing nalang ako at pinigilan kong lumuha. I can't cry infront of him. I won't let him see me cry.

"Get in" ulit nito.

Hinarap ko siya ulit at tinignan sa mga mata niya. I was stunned by his soft gray eyes. There's so many emotions that I can see. Longiness, sadness, anger, and love? I laugh at that thought. Hindi nako maniniwala pagsinabi niyang mahal niya ako. Pagmahal mo hindi mo lolokohin and he cheated on me. Kaya hindi niya ako mahal.

I sighed. Just this once para manahimik na siya. Pumasok na ako sa loob at sinarado niya kaagad yung pinto. Umikot siya para pumasok na sa driver seat. Pinaandar niya yung sasakyan at lumingon muna saakin bago tinutok ang mga mata sa pagmamaneho.

Nasa daanan pa din kami at madilim na ang daan. Ilang oras na kaming nasa daanan pero hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung saan kami pupunta. Sana naman ay makabalik pa ako sa Manila after kong sumama sakaniya.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

Bigla akong kinabahan sa ngisi niya.

"I'm kidnapping you." He playfully said.

Kinabahan naman ako dahil may trabaho pako sa kompanya.

"Ano bang pinaplano mo Jake? Sumama ako sayo dahil akala ko mag uusap lang tayo! Stop the car and I will go home!" Sabi ko.

Pilit kong binubuksan yung pintuan pero may pinindot siya sa gilid niya at bigla nawala yung handle para mabuksan yung pinto. Bigla naman akong nanghina dahil hindi na ako makakalabas dito.

"Just please tell me kung saan tayo pupunta." I said at galit na tumingin sakaniya.

Umiling lang ito kaya hinampas ko ang braso niya. Napaaray naman ako ng mahina dahil ako pa ata ang nasaktan sa tigas nito.

"Don't worry, we will comeback too." Sabi nito kaya kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag.

"But, you need to accept my offer." Sabi nito at nilingon ako saglit.

Anong offer ba ang sinasabi ng gago na toh? If its about money ay madami na siya nyan. Kaya bakit ano pang offer ang sinasabi niya? Is it the investment sa kompanya ko? Kinausap ko na siya thru email at sinabi kong hindi ko kailangan ng investment niya.

"What offer is this, Jake?" Tanong ko.

Nakita ko ang pagkinang ng kung ano sa mga mata niya at pagngisi. Napailing ako dahil kalokohan nanaman itong nasa isip niya.

"If this is not serious I will not accept it." Mariin sabi ko.

Hininto niya ang sasakyan sa katapat ng isang resthouse at saka ako seryosong tinignan.

"Let's get married again, Meredith."

~~~

Hi everyone!!! Sobrang saya ko dahil may mga nagbabasa pa rin pala talaga ng mga stories ko. Alam kong ilang months nakong hindi nakakapag update sa story na toh. I'm sorry readers dahil hindi na ako naging active sa wattpad. Wala na kasing pumapasok sa utak ko para makapagsulat ng isang chapter. But, I will still finish this story hanggang sa story ni Stacy. It will just be slow updates. So, please bear with me and I hope na sana basahin nyo pa din ang mga stories ko. Thank you and Enjoy reading!!!



ᴋᴀsᴜᴍɪᴡʀɪᴛᴇs

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now