25

256 7 0
                                    

Chapter 25

Kinakabahan akong tumingin kay Jake na seryoso lang na nagmamaneho sa gilid ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan o dahil ayaw kong magalit siya saakin? Hindi naman nya ako sasaktan diba?

Nang makarating kami sa bahay ay agad kong tinanggal ang seatbelt ko at nangingig na inayos ang gamit ko. Bubuksan ko na sana ang pimtuan ko ng nakalock pala ito.

"O-open the door" sinubukan kong wag kabahan pero natatakot talaga ako na baka saktan niya ako dahil alam kong galit siya.

Hindi ako tumingin sakanya kaya hindi ko alam kung anong reaksyon niya. Hindi naman niya binuksan ang pintuan kaya unti-unti kong tinignan siya at napasinghap ako nang makita na matalim ang tingin niya saakin.

Alam kong dapat na wag akong kabahan dahil wala naman akong ginawang masama.

Tinignan ko siya at nilabanan ang mga tingin niya, kahit ang totoo ay nangangatog na ang mga tuhod ko.

"Open the door" matigas kong sabi.

Tinitigan lang niya ako at umigting ang panga. Dahil siguro ay nakikita niya na hindi ako natatakot sakanya.

"We will talk" madiing sabi nito.

Natigilan naman ako at umiwas ng tingin sakaniya.

"A-ano naman ang pag-uusapan natin? At naguusap naman na tayo diba?" Sabi ko.

Narinig ko naman ang pagclick ng lock kaya nakahinga ako ng maluwag dahil makakalabas na ako.

"We will talk and that's final" madiing sabi ulit nito at nauna nang lumabas ng sasakyan.

Doon lang naman ako nakahinga ng maayos at napasandal sa shotgun seat.

When, finally na okay na ako ay lumabas nako ng sasakyan at kinakabahan na napatingin sa pinto namin. Hindi ko alam kung tutuloy paba ako sa pagpasok o pupunta nalang sa condo ni Stacy. Pero baka lalo siyang magalit.

Bahala na.

Dumiretso kaagad ako sa kusina at nakita doon si Manang na nakangiti kaagad saakin.

"Good afternoon po, Manang" nakangiti kong sabi.

"Anak, andyan ka na pala. Si Jake ay nasa taas at sinasabing hihintayin ka daw" kinabahan naman ako unti pero ningitian ko lang si Manang at tumango.

Nilapag ko ang pagkain na dala dala ko at sinabing pakilagay ito sa refrigerator.

Umakyat na ako sa taas at pumasok sa kwarto ko. Nagulat naman ako dahil sa taong nakaupo sa kama ko at tila kanina pa ako hinihintay.

"What took you so long?" Seryosong sabi nito at nakasalubong pa ang kilay na tinignan ako.

Tinaasan ko siya ng kilay at hindi pinansin. Nilapag ko ang bag ko sa vanity table ko pati ang phone ko.

"Why did Liam talk to you?" Napatigil naman ako sa tanong niya at nilingon siya.

Nakatayo na siya ngayon sa harap ko kaya napatingala ako dahil sa tangkad niya.

"It's none of your business" mariing sabi ko.

Napasigaw naman ako ng hampasin niya ang table ko.

Galit siyang tumingin saakin at nanlilisik ang mga mata nito.

"What did you just say?! That it's not fucking business?!" Lumapit ito saakin kaya napaatras ako.

"You're my wife, Meredith and you will tell me that it's not my business? You're my business!" Lumalapit siya habang sinasabi niya ito kaya umaatras din ako hanggang sa naramdaman ko nalang ang malamig na pader na nasa likod ko.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now