47

190 4 2
                                    

Chapter 47

Makalipas ang ilang araw na sobrang madami ang nangyari.

Malapit na din matapos ang school year namin pero madami nang pinapagawa. Buti nalang ay natatapos ko din naman kaagad.

"Ayaw ko na talaga mag-aral!" Pagod na sabi ni Stacy saamin. Natawa naman si Zara at Jasmin.

Nakakapagod naman kasi talaga ang araw ngayon dahil pasahan na ng mga requirements namin. Sobrang init pa at palakad lakad kami dito sa university para magpasa ng mga requirements sa prof namin.

"Wag kang mag-alala malapit na din tayong matapos noh, unting kembot nalang" sabi ni Jasmin.

Napabuntong hininga nalang ako at uminom ng tubig. Sobrang init kasi talaga ngayon. Gusto ko nang matapos ang school year na toh para makapagpahinga na kami.

"Zara, kamusta ang modelling?" Tanong ko.

Umaattend na kasi si Zara sa mga photoshoot ngayon at nagppractice na din siya ng lakad nya kahit hindi pa siya maglalakad sa runway.

"Hmmm, it's okay naman. I'm actually having fun!" Nakangiting sabi nito.

Napatango nalang ako. Buti nalang ay masaya ang mga kaibigan ko sa buhay nila.

Hindi nanaman kasi maganda ang pakiramdam ko ngayon. Dahil yung kaibigan ni Jake na Lesbian ay tawag ng tawag kay Jake at hindi ko mapigilan na makaramdam ng selos. Hindi ko pinapahalata kay Jake kasi ayaw ko ng away.

Pero wala bang ibang kaibigan ang babaeng yun? At puro si Jake nalang ang ginugulo nya? At ang nakakainis pa ay parang walang pakiramdam si Jake! Hindi nya nararamdaman na ayaw ko sa babaeng yun. I even forgot her name dahil sa inis ko.

"I'm hungry na." Nakangusong sabi ni Zara. Natawa naman ako at napatingin sila saakin.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong.

Umiling naman sila. "Well, pansin kasi namin na malungkot ka. Okay kalang ba?" Natahimik naman ako dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakanila yung totoo. Pero mga kaibigan ko naman sila diba?

"May kaibigan kasi si Jake na babae, pero ang sabi nya lesbian daw yun. Pero kasi lagi siyang tawag ng tawag kay Jake. Hindi ko alam yung gagawin ko kasi nagseselos ako pero hindi naman ata nararamdaman ni Jake yun." Paliwanag ko.

Napasinghap naman sila at nakita ko ang galit na ekspresyon ni Stacy. Oh no.

"Aba! Hindi ako naniniwala na lesbian yun!" Galit na sabi nito.

Ako ang pinaka kalmado lagi sakanila pero ngayon ay hindi ko alam kung bakit parang ang soft ko naman ata ngayon. Hindi ako ganito dati, siguro dahil ngayon ay nakakaramdam nako ng sakit.

"But, what if she don't have any friends beside Jake?" Kalmadong tanong ni Jasmin.

Napailing naman si Zara at napaisip.

"Did you saw her already?" Tanong nito saakin.

"Oo, pero dalawang beses palang yun at sobra siya kung makadikit kay Jake!" Naiinis nanaman ako pagnaalala yun. Gusto kong maniwala na wala siyang gusto kay Jake pero hindi naman ako ganun katanga at bulag.

"Then, she's not a lesbian." Sabi ni Zara.

"Ano bang gagawin ko?" Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin ko. Dumadagdag pa yung iniisip ko sila Mommy dahil parang namamayat na sila. Alam ko namang matanda na sila at ngayon na may asawa na ako ay hindi ko na sila laging nakakasama.

Alam ko naman na isa sa mga dahilan kaya pumayag sila na ipakasal ako kay Jake ay dahil matanda na sila at wala ng mag aalaga saakin. Pero paano naman sila?

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now