37

308 12 0
                                    

Chapter 37

Pasukan na ulit at naglalakad ako sa hallway papunta sa classroom namin. Bigla namang kumunot ang noo ko dahil sa aking nakita.

Si Jake ba yun?

Biglang sumikip ang dibdib ko sa nakita ko. Unting-unti namumuo ang inis sa loob ko.

May kayakap si Jake na babae na mukhang professor dito sa school. P-pero grabe bakit grabe naman ata ang pagkayakap nilang dalawa?

Naiinis akong umalis sa doon at pumunta na sa classroom dahil malalate na ako.

Siguro dahil hindi ako ginising ni Jake ay dahil sa babaeng yan!

Pinag-usapan na namin toh, ang ayaw ko sa lahat ay ang mga manloloko. Kaya kung lolokohin niya lang ako ay mas mabuting tigilan nalang namin ito.

Napairap ako habang mabilis na naglalakad. Ang saya saya pa namin nung New Year pero ganito pala ang aabutan ko sa pagbabalik sa university? Tsk.

Malamig ang ekspresyon kong umupo sa upuan ko at hindi pinansin sila Zara na nagtatakang nakatingin saakin. Lagi namang ganito ang ekspresyon ko pero iba na ngayon dahil may dahilan na.

Vacant na namin ngayon kaya nagkakamustahan lang kaming tatlo nila Stacy. Medjo lumamig na din ang ulo ko sa nakita ko kanina.

"Stacy, saan kayo nag New Year?" Tanong ko kay Stacy.

"Dito, syempre" sabi ni Stacy habang may ngisi sa labi.

Napairap nalang ako dahil sa ngising yun.

"Eh ikaw, Meredith?" Biglang tanong saakin ni Zara. Napairap nanaman ako dahil sa eksenang nakita ko kaninang umaga.

"Sa house ng asawa ko" malamig na sabi ko. Lihim naman akong napa-asik dahil sa word na 'asawa ko'.

"Parang napilitan ka pa talaga ah!" Sabi ni Zara habang tumatawa.

"Sinabi mo pa" sabi ko.

"Uy, grabe ka naman sa husband mo, Meredith!" Sabi ni Stacy saakin at hinampas ako.

Napaaray naman ako at sinamaan ng tingin si Stacy.

"Eh hindi ko naman ginusto iyon eh, kung wala lang problema ang kompanya namin eh hindi mangyayari yun." Seryosong sabi ko.

Dahil sa inis kaya ko nasabi iyon, hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa nakita ko pero ayaw kong pangalanan.

Pilit namang ngumiti ang dalawa sa sinabi ko.

"Oo na, pero wag mo naman awayin, sige ka baka magsisi ka!" Sabi ni Zara at natawa.

"Zara is right, Meredith. Baka magsisi ka." Pananakot ni Stacy saakin.

Napayuko naman at bumuntong hininga.

Should I ask him? About what I saw earlier?

Pero baka itanggi niya at hindi ako sagutin.

Tinago ko nalang ang panlalambot ng ekspresyon ko at tumayo na. Pupunta nalang ako ng cafeteria.

"Yeah, whatever" kunwaring balewala kong sabi at lumabas na ng classroom.

Narinig ko pa ang sigaw ni Zara at sinabi ko naman na pupunta ako sa cafeteria.

Umorder lang ako ng madaming pagkain pagkapunta ko sa cafeteria. Parang gusto kong magstress eating. Hindi naman ako tumataba kaya yun ang nagustuhan ko sa katawan ko.

Nang dumating sila Zara ay hinihingal pa ito. Nagulat naman silang dalawa sa nakitang pagkain na nasa harapan nila.

"Hey! Balak mo bang magpataba huh!" Sabi ni Zara sakin.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now