14

276 7 0
                                    

Chapter 14

𝘈𝘧𝘵𝘦𝘳 2 𝘺𝘦𝘢𝘳𝘴....

"Excited na talaga ako Zara! Baka madaming pogi dito!!" Parehas naman kaming napairap ni Zara at hindi nalang pinansin si Stacy sa mga pinagsasabi nito.

1st day of collage namin dito sa university at si Stacy ay eto kaagad ang pinagsasabi kaya naiinis kami ni Zara.

Pare-parehas kami ng kinuha na course at iyon ay Culinary Arts.

At sa nagdaan na dalawang taon ay tila nawalan na ng kulay ang buhay ko dahil......bigla siyang nawala.

Hindi ko alam kung bakit ko naramdaman yun pero yun talaga ang naramdaman ko nung ilang buwan na siyang hindi nagpaparamdam saakin.

Siguro dahil nasanay lang ako na araw araw kong nakikita ang mukha nya.

Wala naman talaga akong nararamdaman sakanya o dahil ayaw ko lang talagang may maramdaman?

Hindi na ako yung dating Meredith na nakakatawa pa at nakikipagbiruan. Siguro dahil ay 18 na ako ay nagmatured na din ang pag-iisip ko.

"Meredith si Liam oh!" Napalingon naman ako kaagad sa likod ko, nawala naman ang pagkasabik ko nang makita na wala naman si Liam doon.

Sa nagdaan na dalawang taon ay hindi pa din nawala ang pagmamahal ko kay Liam, sadyang gustong gusto ko talaga sya.

Pero ay hindi naman na ako nagpapakita ng emosyon hindi katulad dati na ngingiti kaagad ako o mamumula.

Pinapansin naman na ako ni Liam at minsan ay siya pa ang lumalapit saakin, natutuwa ako doon kaya lalo pa talagang lumalalim ang pagkagusto ko sakanya.

"Stacy, stop that! Hindi natutuwa si Meredith sayo" inis na sabi ni Zara kay Stacy.

Napanguso naman si Stacy

"Edi wag hmmp!" Sabi nito at tumalikod na.

Nagkatinginan kami ni Zara at napailing nalang.

Seryoso lang akong naglalakad habang nasa gilid ko si Zara na ganun ang mukha.

Talagang si Stacy nalang ang maingay saaming tatlo pero minsan naman ay nakikipag-asaran pa rin si Zara kay Stacy at nakikipagtuwaan dito. Habang ako naman ay nasa gilid lang nila at pinagmamasdan sila na nagtatawanan.

Sinundan nalang namin si Stacy dahil sya ang nakakaalam kung saang classroom kami.

Pumasok na kami sa classroom na pinasukan ni Stacy at tinignan ang nasa gilid kung tama nga ba ang pinasukan nila.

Nalipat naman ung tingin nya sa katabing classroom at nagulat siya sa nakita.

Nakita nya si Liam na nakatitig sakanya, nang mapansin niya na nakatingin ako sakanya ay bahagya siyang ngumiti at iniwas na ang tingin saakin.

Napailing nalang ako at sinundan na sila Zara na nakaupo na.

"Tahimik pa ah" sabi ni Stacy habang natatawa na pinagmasdan ang mga ka-block namin sa loob.

"Yeah, so manahimik ka din" sabi ko at nilipat ang tingin sa bintana.

Sanay naman na sila Zara saakin dahil mula nung muli kami magkita-kita ay ganto na ako.

"Mamaya mo na siya kausapin, Liam" napakunot noo naman ako at sinundan ang nasa labas.

Anong ginagawa ni Liam dito sa tapat ng classroom namin?

Umiwas nalang ako ng tingin sakanila at naglabas nalang ng libro para magbasa.

"Stacy, tumigil ka" mariin na sabi ko habang hindi inaalis ang tingin sa libro na binabasa ko.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now