52

144 3 0
                                    

Chapter 52

Ilang araw na akong nakakulong dito sa resthouse ni Jake. Hindi ko maintindihan kung anong kinakagalit niya! Siya ang may kasalanan saakin pero ako pa yung kinulong niya? Unbelievable!

May restaurant pa naman ako na hands-on ako. Sana ay okay lang ang restaurant ko doon kahit na wala ako. I really need to get out of here! Nakakainis dahil dinadalhan lang ako ng pagkain at damit dito. Hindi talaga ako nakakalabas sa kwarto na toh. Hindi ko pa alam kung nasaan ang phone ko dahil kahit yun ay hindi binigay ni Jake.

Ayaw niya pa din akong kausapin dahil sabi niya hangga't hindi ako pumapayag na pakasalan siya ay hindi niya ako papalabasin dito. Sa tingin ko, kung ginawa niya saakin ito noon matatakot ako, pero ngayon hindi. I just need my phone and I'm gonna get out of here.

Nakaupo lang ako sa kama nang biglang nagbukas ang pintuan. Napataas ang kilay ko dahil si Jake ang may dala-dala ng pagkain ko ngayon. Nilapag niya ito sa may side table at bumalik sa harapan ko. Sinamaan ko siya ng tingin, pero wala pa din itong ekspresyon. Kundi, lumakad pa ito papalapit saakin. Hindi ako nagpatinag at sinalo ang mga tingin niya.

I can't show him any emotions.

"Give me my phone, Jake." Sabi ko sakaniya. Umiling lang ito saakin at lumuhod sa harapan ko. Pumantay siya saakin at tinukod ang dalawang kamay sa bawat gilid ko.

"No. I know you're planning something. But, screw it. You're staying here until you want to marry me. You don't believe my explanation? Then, I'm just gonna show you." Sabi nito at tumayo na.

Tumayo na din ako at mabilis na sumunod sakaniya. Mukhang papalabasin na niya ako dahil hindi niya ako pinigilan. Hinayaan niya ako na sumunod sakaniya hanggang sa pababa ng hagdan.

Nakarating na kami sa livingroom nang may makita akong pamilyar na babae. Hindi ko pinakita na nagulat ako kay Sydney. May kasama itong bata na babae. Nakaupo ang bata sa sofa habang si Sydney ay napatayo nang makita ako.

"M-meredith...." sabi nito at tumingin kay Jake bago lumakad papunta saakin.

Napaatras ako at umiling sakaniya. Napalingon ako sa paligid at may nakita akong slide door kaya tumakbo ako papunta doon. Hinarangan ako ng naka itim na lalaki.

"Let her." Rinig kong sabi ni Jake.

Tumango naman ang lalaki at hinayaan ako na makalabas. Napunta ako sa mukhang garden. May mga halaman kasi at may pool pa dito.

May narinig akong yabag na papalapit saakin kaya lumingon ako at nakita ko si
Sydney.

Nang makalapit siya saakin ay nagulat ako dahil niyakap niya ako bigla. Agad din naman siyang humiwalay saakin at lumuluhang nakatingin.

"Meredith."

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil ang nasa harapan ko lang naman ang sumira ng relasyon ko kay Jake. Sakanila nagsimula ang problema ko. Ang daming dumaan na taon pero yung sakit nandito pa din.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang sa paa. Nagbago na talaga ang itsura niya ngayon. Kung noon na nakita ko siya ay pwede pa akong maniwala na lesbian siya pero ngayon ay hindi. Babaeng babae na siya. Modelo siya noon kaya siguro ganto pa din kaganda ang mukha at katawan niya kahit may anak na siya.

"I just want to say sorry for what I've done to you." Sabi niya.

Napataas ang kilay ko.

Sorry? Ano pa bang magagawa ng sorry niya? Ano pa bang magagawa ng sorry ni Jake ang lahat ng nawala saakin?

Wala.

"Wala ng magagawa yang sorry nyo. The pain that the two of you gave me is still in my heart." Sabi ko sakaniya.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now