46

221 4 0
                                    

This chapter is dedicated to hermienyjewel

Chapter 46

Nasa cafe kami ngayon at kasama namin si Jasmin, bago naming kaibigan. Papasok kasi sa modeling si Zara kaya bilang mga kaibigan niya ay sinusuportahan namin siya.

Ruby Angel's daw yung name ng Agency ng tita ni Jasmin.

May pasok nanaman kasi ngayon at talagang natutulala pa ako kanina, kahit mainit nga eh ay nakaturtle neck ako dahil madami palang kiss marks ang nalagay ni Jake sa leeg ko!

Nagalit talaga ako sakaniya pero okay naman kami dahil inalaagan nga niya ako hanggang sa bumuti yung pakiramdam ko.

Kahit na okay na kami ay medjo nakakaramdam pa din ako ng pagkailang at nahihiya din ako dahil naibigay ko na sakaniya yung pagkabirhen ko.

May baon naman akong concealer para sa hickeys ko pero mamaya nalang ako maglalagay non, dahil balak kong makipagsleepover kila Zara ngayon.

Ayaw ko pa kasi makasama ngayon si Jake dahil may takot saakin na baka maulit iyon.
Lalo pa ngayon na lalong nagiging overprotective siya saakin at dumagdag pa ang pagkaclingy niya.

Nagtatawanan kami ng bigla kong binasag iyon. "Zara, pwede ba ako makitulog sainyo?" Sabi ko.

Mukhang nagtaka pa siya kaya kumunot ang noo niya. "Why?"

Ngumiti naman ako ng tipid. "Wala lang, namimiss ko lang yung mga sleepover natin noong highschool." Palusot ko.

Lagi kasi kami nagssleepover noon sa bahay nila Zara kaya namimiss ko din. Hindi din alam ni Jake itong binabalak ko at magpapaalam nalang ako siguro mamaya sakaniya.

At the end ay pati si Stacy at Jasmin ay sumama na kaya natuwa din ako dahil magagawa na namin ito ulit. Hindi ko alam kung papayagan ako ni Jake pero bahala siya, tatakas ako kung hindi niya ako papayagan.

"Okay, punta nalang kayo sa house ah! Kayo na ang bahala kung anong oras but 9pm para mas maganda." Sabi saamin ni Zara kaya tumango kami.

Nasa bahay na ako at hinihintay ko nalang si Jake na umuwi. Nakakatuwa nga dahil akala ko ay tatagal pa yung hickeys sa leeg ko pero medjo nawawala na siya.

Nasa sala ako at nakaupo sa couch habang hinihintay siyang umuwi. Napalingon naman ako sa bintana dahil narinig ko na yung sasakyan ni Jake kaya umayos na ako ng upo at kunwaring nagcecellphone.

Nakahanda na yung mga dadalhin ko mamaya papunta kila Zara at hindi pwedeng hindi niya ako papayagan.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at hindi ko pa din siya nililingon. Mukhang nakita niya ako dahil rinig ko ang mga hakbang niya papunta saakin.

Habang naglalakad siya papalapit ay bumibilis din ang tibok ng puso ko. Nakakainis dahil kahit ano pang pagdedeny ang gawin ko ay hindi ko talaga mapipigilan yung nararamdaman ko.

Nagulat nalang ako nang may biglang humalik sa labi ko. Napaangat ako ng tingin at si Jake iyon na nakangiti saakin.

Pilit akong ngumiti kaya nauwi sa ngiwi iyon. Nailang kasi ako sa ginawa niya at nakakagulat.

"Good evening, wife. Did you eat already?" Tanong nito.

"O-oo, tapos na." Sagot ko habang hindi makatingin sakaniya. Bigla kasing pumasok nanaman sa isip ko yung mga tingin niya saakin at yung nangyari saamin.

"Good. I'll just go upstairs, okay?" Sabi nito kaya tumango ako sakaniya. Hinalikan niya ulit ako sa labi kaya doon na ako napasinghap.

"Nakakailan kana ah!" Sigaw ko dito dahil nagmamadali siyang umakyat pataas. Naiwan tuloy akong nakangiti dito sa sala.

Tulog na sila Manang dahil matanda na din sila kaya maaga ko na sila pinapatulog.

Makalipas ang ilang minuto ay rinig ko nanaman ang mga yabag ni Jake kaya tumambol nanaman yung puso ko.

Tumabi ito saakin kaya nagulat pa ako. Natawa naman siya sa reaksyon ko dahil siguro alam niyang nahihiya pa ako sakaniya.

"Don't be shy, wife. Btw, you're cute when you're shy." Sabi nito kaya ramdam ko ang paginit ng mukha ko kaya lalong natawa si Jake.

"Ano ba, wag mo nga akong tawanan!" Sabi ko dito at hinampas siya.

Bigla naman akong napatingin sa cellphone ko at 8pm na pala. 9pm pala ang usapan namin nila Zara kaya humarap na ako kay Jake. Mukhang nagulat pa siya sa ginawa ko.

"U-uhmmm Jake, may sasabihin sana ako." Sabi ko dito. Napataas naman siya ng kilay at sumeryoso ang mukha nito.

Bigla naman akong kinabahan na hindi ko alam kung bakit.

"Magssleepover kasi kami nila Stacy kila Zara, at nagpapaalam lang ako." Sabi ko dito. Lalong sumeryoso ang mukha nito kaya napaseryoso na din ako.

Hindi pwedeng hindi niya ako papayagan dahil talagang pupunta ako kahit hindi niya ako papayagan.

"I'll let you go there, but I'll come with you." Sabi nito kaya nagulat ako.

Nababaliw naba siya at sasama pa talaga siya saamin?

"Hindi pwede! Puro babae naman kami doon eh!" Sabi ko.

Tumayo si Jake at namulsa habang nakatingin saakin kaya napatingala ako sakaniya dahil matangkad naman talaga siya.

Bumuntong hininga ito at lumambot na ulit ang tingin nito saakin.

"Fine, I will drive you there." Sabi nito kaya natuwa ako at sa tuwa ko ay nahalikan ko siya sa pisngi na ikinatigil niya. Hindi ko na pinansin iyon at dali-dali akong umakyat sa taas para kunin yung mga gamit ko.

Didiretso na kami ng pasok bukas kaya sabay-sabay na kaming papasok bukas na apat.

"Sige na, Meredith mag bikini kana!" Pangungulit saakin ni Stacy. Kanina pa nila ako pinipilit pero umaayaw ako. Ayaw ko dahil baka makita pa nila yung ibang hickeys ko at baka paulanan nila ako ng tanong at tukso.

Umupo nalang ako at sumimangot. Lahat sila ay nakabikini na maliban saakin. Ayaw ko dahil hindi ako ganun ka-comfortable sa mga bikini.

Pero dahil sa kakakulit nila ay napilit din nila ako. One piece naman pala kasi ang susuotin ko akala ko kasi ay two piece. Kaya inis akong umakyat sa kwarto ni Zara at sinuot ang black na one piece. Naglagay din ako ng waterproof na concealer sa mga hickeys ko para hindi nila makita.

Pagkababa ko ay uminom lang naman kami ng wine at nagkwentuhan lang. Naboboringan pa nga daw si Stacy kaya tinanong ko siya.

"Eh ano bang gusto mo?" Tanong ko kay Stacy.

"Syempre naman ikaw!" nagtawanan naman sila pero ako ay napaiwas ng tingin at pinigilan ang tawa ko.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa sumapit na ang 11pm. Nagyaya nang matulog si Jasmin kaya umakyat na kami sa kwarto ni Zara. Nagpicture muna kami bago matulog.



~~~
A/N: Thank you for reading!!



ᴋᴀsᴜᴍɪᴡʀɪᴛᴇs

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now