22

293 9 0
                                    

Chapter 22

Sobrang bilis ng oras at ng panahon.

Bukas ay araw na ng kasal namin ni Jake at ngayon ay susubukan ko na sabihin kila Zara ang tungkol saamin ni Jake.

"Guys, may sasabihin ako" mahinang sabi ko. Agad naman silang tumingin saakin at nagtatanong na tinignan ako.

"Ano yun?" Tanong ni Stacy.

"U-uh..."

Hindi ko alam kung paano sisimulan kaya napapikit ako ng mariin at handa na sanang sasabihin iyon ng biglang tinawag ang pangalan ni Zara.

"Miss Zara? Here's your drinks po!"

"Miss Zara?" Tawag ng counter dito sa starbucks. Nasa starbucks sila ngayon at kakatapos lang ng school nila.

May dala dala na kaming cheesecake kaya hindi na kami nag order non kaya drinks nalang ang inorder namin.

"Wait me here! Wag mo muna sasabihin Meredith" pagbabanta nito at nagmamadalimg lumapit sa counter para kunin ang drinks namin.

Nakabalik naman siya kaagad pero napagdesisyunan kong hindi ko muna sasabihin dahil siguro ay sign yun na hindi ko muna dapat sabihin yun.

Hindi ko naman alam kung anong pumipigil saakin na sabihin sakanila iyon pero hindi ko alam.

"So, what do you need to tell us?" Mapanuring tanong ni Zara at lumapit pa sa mukha ko.

"Magbabakasyon lang kami ng ilang araw ng family ko" yun ang lumabas sa bibig ko kaya napatingin ako sakanila at tila naniniwala naman sila.

"May pupuntahan lang sila Mommy at gusto nila akong isama. Don't worry makakaabot naman ako sa exam. 3 days lang naman kami" paliwanag ko pa.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Stacy.

"Sa batangas. May lupa kasing gustong tignan ang parents ko doon" doon kasi gaganapin ang kasal namin ni Jake at beach wedding iyon.

"Ahh, well ingat kayo" sabi ni Stacy at ininuman ang drinks nito. Ngumiti naman si Zara at ganun din ang sinabi.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil naniwala naman sila. I'm really sorry guys at kailangan kong magsinungaling.

Nilandas ko ang kamay ko sa suot ko na wedding dress ko.

"Nako! Ang ganda ganda po ng anak nyo Ma'am!" Nakangiting sabi ng baklang make up artist na friend ni Mommy.

"Salamat" maikling sabi ko at bahagya silang ningitian. Suot ko na ang wedding dress na pinili ko noon.

Ice blue ang wedding theme namin at inaamin kong maganda ito.

Tumayo naman ako at tinignan ang sarili ki sa salamin. Aaminin kong napakaganda ko ngayon, 18 years old palang ako at ikakasal na ako sa lalaking nakabanggaan ko lang sa J.co noon.

Hinarap ako ni Mommy sakany at pinakatitigan. Napangiti naman ako dahil maiiyak na siya.

"Mommy, don't cry...." masuyong sabi ko.

"I really can't help it....my baby girl will be married" nakangiting sabi nito.

"I'm just gonna be married" talaga ba Meredith? Kasal lang ba talaga? Diba napipilitan kalang din?

But, I don't have a choice.

"It's time!" Sigaw ng wedding planner.

Pinsan ko ang maid of honor ko dahil hindi naman pwede ang mga kaibigan ko dahil nga ay hindi nila alam na ikakasal ako.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now