45

228 5 0
                                    

Chapter 45

Hila-hila ako ni Jake habang nakahawak siya sa braso ko. Hindi naman sobrang higpit ng hawak niya pero ang bilis niyang maglakad. Nahihilo pa nga din ako dahil naparami siguro ang inom ko.

"Jake, nahihilo ako!" Galit na sabi ko dito.

Pero hindi niya manlang ako pinansin at mabibigat na hakbang ang ginawa niya hanggang makapasok sa kwarto namin.

Hinila niya ako papasok ng kwarto at pabagsak na binitawan sa kama.

"Ano ba!" Sigaw ko sakaniya.

Umayos naman ako at umupo at tinignan siya ng masama. Napabuga ito ng hangin at masama din akong tinignan.

"What are you doing, Meredith?! Did you just body shot other man? I was looking for you!" Galit na sabi nito.

Nahihilo pa din ako at napahawak pa ako sa ulo ko. Sumisigaw pa kasi siya eh nahihilo na nga ako!

"It's a good thing that I'm with Timothy and Steven, what if I didn't go with them huh?! You will continue to do that?!" Gusto ko sanang matawa sa sarili ko dahil bakit ngayong galit na galit siya ay ang gwapo gwapo niya sa paningin ko?

Napangiti naman ako habang nakatingin sakaniya kaya natigilan siya. "Why are you smiling?" Seryosong tanong nito.

"Ang gwapo mo." Wala sa sarili kong sabi.

Mukha namang nagulat si Jake kaya napangisi naman ako at tumayo. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero parang may gusto akong gawin. Tinitignan lang din naman ako ni Jake at mukhang hinahayaan ako.

Lumapit ako sakaniya at ikinawit ang dalawa kong braso sa balikat niya.

"Ang gwapo ng asawa ko." Lasing kong sabi at ningitian pa siya. Hindi naman siya makapaniwalang nakatingin saakin.

Lumaki ang ngiti ko at unti-unting nilapit ang labi ko sa labi niya. Ramdam kong nagulat nanaman siya kaya nakagat ko ang labi niya. Napasinghap ako ng bigla niya akong buhatin at namalayan ko nalang na nakahiga na kami sa kama at nakapatong siya saakin.

Agresibo niya akong hinahalikan at ako naman ay hindi alam kung paano tutugon dahil parang uhaw na uhaw siya. Tinutulak ko pa siya dahil hindi na ako makahinga pero patuloy pa rin siya sa paghalik at sinisipsip pa ang ibabang labi ko.

"Jake" mahina kong sabi ng sa wakas ay humiwalay din siya saakin. Mapungay ko siyang tinignan at ngumiti lang siya saakin.

"I'll mark you now, wife." Sabi nito at hinalikan ulit ako pababa. Sinipsip niya ang leeg ko kaya napaungol ako.

Napasabunot ako sa buhok niya kaya rinig ko ang pagkadaing niya pero patuloy pa rin siya sa paghalik sa katawan ko.

Tumigil siya sandali at hinubad ang pang-itaas niya habang malalim ang mga tingin niya saakin. Ang mga tingin niya na purong pagmamahal para saakin.

Hinalikan niya ulit ako sa labi pagkatapos niyang maihubad ang damit niya at doon ko na nga naibigay ang pinakakaiingatan ko.


Nagising nalang ako sa sinag ng araw kaya napabalikwas ako ng upo pero agad din akong napaigik dahil sa naramdaman kong hapdi at sakit sa pangibaba kong bahagi. Masakit din ang ulo ko kaya napahawak ako doon.

Tinignan ko ang katabi ko pero wala naman akong katabi. P-pero bakit wala akong s-saplot kahit isa?!

Nataranta ako at tinignan ang katawan ko sa ilalim ng kumot at namilog ang mga mata ko dahil wala nga akong damit kahit isa! Napahawak ulit ako sa ulo ko at pilit na inaalala kung ano ba ang mga pinaggagawa ko kagabi. Napapikit ako nang maalala ko ang ginawa ko kay Jake.

Bakit ko naman kasi siya hinalikan?! Ayan tuloy wala na, hindi na ako birhen. Naibigay ko na kay Jake. Pero may bahagi din naman saakin na ayos lang na naibigay ko kay Jake dahil asawa ko naman siya at mahal ko siya pero hindi pa kami gaano kaayos.

Hindi ko na nga maalala kung ilang beses namin ginawa iyon dahil nakatulog na ako sa sobrang antok at pagod.

Napatingin naman ako sa pintuan dahil narinig ko ang pagbukas non. Pumasok si Jake habang may bitbit na foodtray. Nakangiti siyang lumapit saakin at nilagay muna ito sa sidetable.

"Good morning wife. How's your sleep? Is it still sore?" Nag-aalalang sabi nito saakin.

Umiwas naman ako ng tingin dahil bakit ako biglang nahiya?

Rinig ko naman ang mahina niyang pagtawa kaya ramdam kong uminit ang pisnge ko.

"Are you shy? Don't worry, I'm not going to work. I'm gonna take care of you." He softly said. Napatingin naman ako sakaniya kaya ningitian niya ako.

"You should eat and take this painkillers." Sabi nito kaya tumango nalang ako. Nilapag niya naman sa harapan ko yung food table kaya naman kinuha ko naman na yung spoon pero pinigilan niya ako.

"Let me." Sabi nito.

Tumango nalang ako dahil hindi ko kayang magsalita, hindi pa din kasi ako makapaniwalang may nangyari na saamin. Parang ang bilis, pero kasalanan ko din naman eh! Hindi na talaga ako magpapakalasing lalo na pagnandyan si Jake.

Matapos kumain ay agad kong ininom yung mga gamot. Nagpasalamat ako sakaniya habang binalik niya ung food tray sa side table.

Tatayo na sana ako dahil nanlalagkit ako pero napasinghap naman ako dahil sobrang hapdi pala. Para na nga akong maiiyak dahil sobrang sakit. Naalarma naman si Jake at dali daling lumapit saakin.

"You shouldn't move. I'll carry you to the bathroom." Nataranta naman ako sa sinabi niya at umiling kaagad habang nakatingin sakaniya.

"No! K-kaya ko naman eh." Sabi ko.

Seryoso niya akong tinignan.

"I already saw and lick your body, Meredith. You shouldn't be shy anymore." Napanguso nalang ako at wala na akong nagawa.

Inalis niya muna yung kumot na nasa katawan ko at saka niya ako binaba sa bathtub. Mukhang hinanda na niya ito. Anong oras kaya siya nagising? Tanghali na kaya?

Nahihiya naman akong nag-angat ng tingin sakaniya, medyo naiilang kasi ako dahil para siyang pader na nakatayo lang sa gilid ko at pinapanood ang bawat kilos ko. Kinakalibutan naman ako dahil sa paraan ng pagtingin niya saakin.

"A-anong oras na?" Mahina kong tanong.

"It's 3pm already." Sabi nito.

Nagulat naman ako dahil hapon na pala pero bakit siya nag good morning? Ano siya baliw?

Mukhang nabasa niya yung iniisip ko dahil natawa siya.

"I just wanted to greet you a good morning, love." Sabi nito habang nakangiti.

"O-okay. Pero pwede bang lumabas ka na? Kasi hindi ako makaligo eh." Sabi ko.

Nagtaas ito ng kilay at napangisi. "Okay, just call me when you're finish." Sabi nito at lumabas na.

Ano na kaya ang mangyayari pagkatapos nito? 



~~~

A/N: Hi guys! I missed Meredith and Jake and I hope that my readers missed them too. I will write again and finished this story, but it will take a slow time to finished this. I will just try to update often, but, for now enjoy reading the published chapters and feel the kilig again with Meredith and Jake!!💖💖💖








ᴋᴀsᴜᴍɪᴡʀɪᴛᴇs

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now