29

273 8 0
                                    

Chapter 29

Nagising ako dahil kumalam na ang aking tyan, nagugutom na ako. Tatayo na sana ako ng may naramdaman akong mabigat na nakapatong sa aking tyan, pagkatingin ko doon ay nanlaki kaagad ang mga mata ko at lumingon sa gilid ko.

B-bakit nakayakap saakin si Jake?!

Marahas kong tinanggal iyon na naging dahilan upang magising si Jake, namumungay pa ang mga mata nitong tinignan ako. Inis ko naman siyang tinignan at akma ng tatayo nang hilain ako nito pahiga ulit. Napasandal ako sa dibdib nito at nagulat ako dahil wala pala itong pang-itaas!

Pilit ko siyang tinutulak pero umuungot lang ito at ayaw akong pakawalan.

"Please, stay.....I'm still sleepy" malambing na sabi nito.

Nagpumiglas pa rin ako at hinampas siya.

"Matulog kang mag-isa mo! Aalis ako." Doon lang lumuwag ang pagkayakap niya saakin kaya umahon na ako at galit siyang tinignan.

"Where are you going?" Nakakunoot nitong tanong. Inirapan ko lang ito at tumayo na sa kama.

"Wala kang pake!"

Umalis kaagad ako sa kwarto niya at mabilis na naglakad papunta sa kwarto ko. Dapat talaga hindi na ako pumayag na magkatabi kami matulog.

Napabuga ako ng hininga at napagdesisyunan na maligo na, bibisitahin ko sila Mommy dahil ilang linggo ko na silang hindi nakikita.

Kinakamusta naman nila ako pero hindi sapat saakin iyon.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong pumili ng damit at nang makapili ay sinuot ko na ang lavender floral dress.

Kinuha ko na ang shoulder bag ko na puti at pinasok ang cellphone at wallet ko.

Pagkababa ko ay agad ko ng naamoy ang mabangong ulam na niluluto ni Manang.

Nakangiti akong pumunta sa kusina. "Manang napakaba-" nawala ang ngiti sa labi ko dahil imbis na si Manang ang nakita ko ay si Jake ang nakita ko habang nakatalikod saakin at naka-apron pa!

Humarap ito saakin at binigyan ako ng isang ngisi. Napakurap naman ako at hindi makapaniwalang siya ang nagluluto ngayon.

"What are you doing? Let's eat." Sabi nito habang hinahain ang mga pagkain sa lamesa. Napa-ayos naman ako ng tayo at sineryoso ang mukha ko. Narinig ko naman ang pagtawa ng mahina nito kaya napairap ako.

May nakakatawa ba at tumawa siya? Tsk.

Humalukipkip ako at hindi sinunod ang utos niya. Ayaw ko kainin yan dahil baka may lason pa!

"Hindi ako nagugutom, aalis na ako" sabi ko at tumalikod na.

Bago pa ako makalabas ay may humigit sa braso ko at isang madilim na aura ni Jake ang nakita ko, biglang kumabog ang dibdib ko dahil sa kaba dahil alam kong nagalit ko nanaman siya.

"And where are you going?......and this time, ANSWER IT." Malamig niyang tanong at idiniin pa ang 'Answer it'

Nilabanan ko ang mga tingin niya kaya napabuntong hininga ito at naiiling na linuwagan ang pagkahawak sa braso ko.

Napangisi ako ng palihim dahil alam niyang hindi niya ako mapipilit.

"Please, just eat. I cooked our breakfast." Mahinahong sabi niya na ngayon at pinasigla pa ang boses.

Napabuntong hininga naman ako at inis na binawi ang braso ko sakaniya.

"Fine!"

Lumakad na ako papunta sa dining area at umupo habang nakasimangot na nauwi sa pagnguso dahil mga paborito ko pala ang mga niluto niya.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now