26

259 7 0
                                    

Chapter 26

Pabalik-pabalik naman ako sa paglalakad sa harapan ng kama ko dito sa kwarto ko. Iniisip ko pa din kasi kung paano ako makakaalis ng hindi nalalaman ni Jake, pero alam kong malabo iyon.

Napatingin naman ako sa clock ko at 8:30 pm na, tapos na kami magdinner kanina. Malamig pa rin ang mga tingin saakin ni Jake pero inaasikaso pa din naman niya ako. Hindi naman napapansin ni Manang Ani na may problema kami ni Jake, mas mabuti na iyon dahil ayaw ko nang maalala ulit ang nangyari kanina.

Inaamin ko na nagustuhan ko ang paghalik niya saakin at isa pa ay asawa ko naman siya.

Hindi ko alam kung nasaan si Jake ngayon dahil pagkatapos naming kumain kanina ay umalis ito ng bahay.

Napabuga naman ako ng hangin at inis na umupo sa kama ko.

Naramdaman ko namang nagvibrate ang phone ko at bigla akong kinabahan nang makita ang pangalan ni Jake doon.

𝘑𝘢𝘬𝘦

𝘐'𝘮 𝘯𝘰𝘵 𝘨𝘰𝘪𝘯𝘨 𝘩𝘰𝘮𝘦 𝘵𝘰𝘯𝘪𝘨𝘩𝘵. 𝘎𝘰𝘰𝘥 𝘯𝘪𝘨𝘩𝘵. 𝘐𝘭𝘰𝘷𝘦𝘺𝘰𝘶.

Napangiti naman ako dahil kahit galit siya saakin ay hindi niya pa din nakakalimutan na sabihan ako ng goodnight at ng I-i l-love you.

Naiilang pa din kasi ako sakaniya pagkasinasabi niya sa harapan ko iyon at hindi ako sanay at ayaw kong masanay.

Napatayo naman ako dahil pwede na akong makapunta kila Stacy ngayon dahil wala naman si Jake dito sa bahay at hindi siya uuwi.

Agad-agad akong nagtext kay Zara na papunta na ako sa epic bar. Nagtext naman ito pabalik na nandoon na daw sila.

Kinuha ko na ang purse ko at lumabas na ng kwarto. Madilim na ang paligid at alam kong tulog na si Manang Ani kaya nakahinga ako ng maluwag.

Binuhat ko ang heels ko at dahan-dahang bumaba sa hagdan.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makalabas sa bahay namin, agad-agad kong sinuot ang heels ko at pumara ng taxi. Makalipas ang ilang minuto ay may nakita na akong taxi kaya pinara ko ito kaagad. Sinabi ko kaagad ang address ng epic bar pagkaupo ko sa backseat.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako. Nagbayad na ako sa taxi at nagpasalamat.

Napatingin naman ako sa entrance ng bar at kitang-kita ko na ang ibang tao na nagm-make out sa gilid. Hindi ko nalang iyon pinansin at kinuha na yung phone ko sa purse ko. Simple lang naman ang suot ko, hindi masyado revealing dahil ayaw ko non. Black dress lang na above the knee ang napili ko na suotin pero hapit pa din sa katawan ko.

Tinawagan kona si Zara at nakakailang ring palang ako ng sagutin na nito ang tawag.

[Where are you? Si Stacy kanina kapa hinihintay!]

Sumisigaw ito dahil rinig na rinig ko ang ingay na nagmumula sa loob. Kaya nga dito kona tinawagan si Zara sa labas dahil alam kong hindi ko agad siya mahahanap sa loob.

"Sunduin mo ako dito sa entrance, ang daming tao diyan eh" sabi ko at napangiwi pa dahil may naninigarilyo pa sa bandang gilid ko. I really hate smokers.

[Okay! Papunta na ako. Just wait me there!] Pasigaw na sabi nito ulit.

Tumango naman ako kahit alam kong hindi niya yun makikita. Pinatay kona ang tawag at tinapik-tapik ang paa ko sa sahig. Naiinip na ako at hindi ko ba alam kung iinom ako, pero dahil baka maglasing sila Zara ay iinom lang ako kaunti.

Sana ay hindi ako hanapin ni Jake at baka ano pang gawin niya saakin pagnalaman nyang tumakas ako sa bahay and worse is hindi pa ako nagpaalam sakaniya.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now