07

371 18 0
                                    

Chapter 7

"Punta kayo mamaya sa bahay" sabi ko kila Zara at Stacy. Tumingin naman saakin si Stacy at tinaasan ako ng kilay.

"Bakit? Ano meron?" Tanong nito sabay subo sa chips na kinakain nya. Recess ngayon at nasa court kami nakatambay dahil mahaba-haba naman ang oras ng recess namin.

"Basta may party mamaya sa bahay, just formal attire" napatango naman sila at ibinalik ang atensyon sa mga naglalaro ng basketball. Napangiti naman ako nang biglang pumasok sa court si Liam na nakajersey at may panyo sa balikat habang relax na naglalakad papunta sa mga kaibigan nya.

"Oh Liam! Akala koba hindi ka maglalaro?" Sabi ng kateamate nya. Napanguso naman ako, nakita ni Zara iyon at Stacy kaya hinampas ako ni Zara at si Stacy naman ay pasimple akong kinindatan.

Nagkibit-balikat lang ito at pumunta na sa gilid para ilagay ang gamit nya doon. Pagkarating nya doon ay agad naman may sinabi sakanya sila Tony, bigla naman siyang napalingon sa gawi namin kaya napaayos ako ng upo at uminom sa magnolia na hawak ko.

Umiwas din siya ng tingin at nilabas ang water bottle nya, nagsitawanan naman ang mga kaibigan nya at pinagsusuntok pa siya sa balikat na tila inaasar siya.

Napailing nalang si Liam at iniwan ang mga kaibigan nya, umayos na siya ng tayo at pumunta sa gitna kung nasaan yung iba para makapaglaro na sila. Tumingin ulit siya sa gawi namin at nagkatinginan kami, tumango siya at nagiwas ng tingin. Namula naman ako at nagkagat labi para pigilan ang pagngiti.

Pinagtatawanan naman ako nila Stacy kaya sinamaan ko sila ng tingin. "Si Meredith kinikilig'' nang-aasar na sabi ni Stacy.

Napailing nalang ako at hindi pinansin sila Stacy. Nang magsimula na ang laro nila Liam ay agad naman nagsidatingan ang ibang mga grade level lalo na ang mga 1st year.

Ang ingay nila! At ang isinisigaw nila na pangalan ay ang kay Liam lang!

Napairap naman ako.

"Mas malakas pa sigaw ko dyan" bulong ko at umirap. Todo cheer din sila Stacy at Zara sa mga crush nila sa players kaya kahit nahihiya ay chineer kona din si Liam.

"Go Liam!" Sigaw ko at ngumiti.

Nang makuha nya ang bola ay lalong napalakas ang cheer ng mga kababaihan sakanya kaya ako rin ay napatalon-talon na.

"Wooohoooo Nice One Liam!!" Sigaw ng mga kababaihan ng maka3points si Liam.

Napapalakpak din ako.

Bigla naman siyang lumingon sa gawi namin at hinihingal na tumingin sa direksyon namin. Tumili naman ung mga nasa gilid namin ay nagtulakan pa.

"Saakin siya nakatingin!"

"Anong sayo?! Saakin!" Sabat ng isa.

"Alam nyo wala sainyong dalawa dahil saakin!" Sabi ng nasa gitna nila kaya napatahimik ung dalawa at nanood nalang.

Bigla namang nagring ang bell kaya nagsi-ayos ang mga estudyante.

"Tara na meredith! Nako yung kalbo nanaman na yung teacher natin ang hilig magpaquiz non ah" reklamo ni Stacy. Napatango naman si Zara.

Palabas na kami ng court ng lumingon ako kay Liam, nagulat ako nang makita na nakatingin pala siya saakin kaya ningitian ko siya. Umiwas siya ng tingin at uminom ng tubig.

Hindi ko nalang pinansin yun at sumunod nalang ako kila Zara.

Uwian na at ang balak namin nila Stacy ay sabay-sabay na kaming pupunta sa bahay at manghihiram nalang daw sila ng damit ko.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now