13

308 9 0
                                    

Chapter 13

Natutulog na si Jake ngayon, buti nalang ay lumayo sya kaagad saakin pagkatapos nyang sabihin yun.

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga sinasabi nya pero........pero kasi mas matanda siya saakin ng ilang taon at halata  naman sa mukha at katawan nya ay kahit sinong mas magaganda at mas matanda saakin na babae ay pwedeng-pwede nyang makuha kaya bakit ako?

Napailing nalang ako at tinignan si Jake na mahimbing nang natutulog ngayon, nakaupo lang ako sa sofa sa tapat ng kama nya habang nagbabasa ng magazine.

Nakita ko lang ito sa bedside table ni Jake kaya kinuha ko muna dahil wala naman akong magawa dito.

Napahikab ako at napatingin sa cellphone ko.

6:00pm

Ala sais na ng gabi at tulog pa rin si Jake, ilang oras na syang natutulog na naiintindihan ko naman dahil may sakit sya.

Hindi ko alam kung dito ako matutulog, wala naman akong pasok bukas dahil sabado.

Humikab ako ulit kaya napatakip ako sa bibig ko at bahagyang napapikit.

May narinig naman akong nagdoorbell kaya  bumaba ako at nagulat naman ako nang makita na nandito na ang parents ni Jake.

Napatingin naman silang dalawa saakin at agad ngumiti nang magtama ang mga mata namin ng mga magulang nito.

Lumapit ang mama nya saakin at nagulat ako ng bigla nya akong yakapin.

"Thank you for taking care of our son" malambing ang boses nito at halata sa boses nito ang sinserado.

Humiwalay din sya sa pagkakayakap saakin kaya ngumiti ako sakanya at tumango.

"You're welcome po" nakangiti kong sabi.

Napasimangot naman siya kaya nagtataka akong napatingin sakanya, natawa naman ang daddy ni Jake dahil sa ginawa ng asawa nito.

"Call me Tita Amanda and call dad's Jake Tito Andrew" nakangiti nitong sabi at hinawakan ang mga balikat ko.

Hindi ko alam kung susundin ko ba ang sinabi nya o hindi, pero hindi nalang ako nagsalita.

"Where's my son?" Baritonong boses ang nagpabalik sa katinuan ko at napalingon ako sa likod ng Mommy ni Jake.

Natahimik ako dahil kamukhang-kamukha ni Jake ang ama nito, matangkad din ito at parehas sila ng mata ni Jake. Pero mukang ang ugali ng ina nito ang nakuha nya.

"Nasa taas po" magalang na sabi ko, tumango naman ito at nilagpasan kami ng Mommy ni Jake.

Ngumiti naman saakin ang Mommy ni Jake

"Don't be scared, he's just like that but his kind" sabi nito at sumunod na din sa asawa nito.

Napabuntong hininga nalang ako at napailing.

Sumunod nalang din ako sa taas para makapagpaalam na dahil gabi na din.

Pagkaakyat ko ay nakita kong nakaawang ang pintuan ng kwarto ni Jake kaya lumakad ako papunta doon at sumilip.

Nakita ko ang Mommy nya na hinahaplos ang pisnge nito habang nag-aalang nakatingin kay Jake habang ang Daddy naman nito at tuwid lang na nakatayo at pinagmamasdan ang mag-ina nya. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito saakin.

Napangiti naman ako ng tipid dahil parang bata parin ituring ng mga magulang ni Jake siya.

Kumatok naman ako kaya nalipat ang atensyon nilang tatlo saakin.

Nahihiya naman akong pumasok at iniwas ang tingin sa dalawang lalaki na nakatingin saakin. Hindi ko alam pero dahil magkamukhang-magkamukha sila at parehas sila ng mata ay parehas din sila kung paano makatitig na parang hihigupin ang buong kaluluwa mo pagkanapatingin ka sakanila.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now