18

280 8 0
                                    

Chapter 18

Hindi ko na maalala kung pano nya ako napapayag sumama sakanya basta nalaman ko nalang na nasa tapat na pala kami ng bahay namin.

"We're here" sabi nya at tinanggal ang seatbelt ko.

Tumango naman ako at kinuha na ang isa ko pang bag sa backseat.

Binuksan ko na ang pinto at ready na sana umalis nang tawagin nya ako.

"Meredith" nilingon ko naman sya ay nagtatanong na tinignan.

"I.....Take care" sabi nito at nahihiyang ngumiti saakin. Tumango nalang ako at lumabas na. Dirediretso lang ang lakad ko at hindi na siya nilingon.

Pagkapasok ko ay nakita ko ang mga magulang ko sa sala at mukhang problemado. Nagulat din ako dahil ngayon ko lang silang inabutan kaya nakangiti akong lumapit sakanila.

"Mommy! Daddy!"

Lumingon naman sila saakin at ningitian lang ako ng tipid.

Magsasalita pa sana ako ng may biglang tumawag kay daddy sa cellphone nito kaya nawala ang atensyon nila saakin.

Ngumiti nalang ako ulit ng mapait at umakyat nalang sa kwarto ko.

Nakahiga nako sa kama ko at nagscroll sa facebook ng may biglang nagtext saakin.

Hindi ko na sana papansinin kaso si Jake pala ito kaya agad agad kong binuksan ito.

𝘑𝘢𝘬𝘦

𝘈𝘳𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘴𝘵𝘪𝘭𝘭 𝘢𝘸𝘢𝘬𝘦?

Hindi ko alam kung rereplyan ko ba siya pero wala namang mawawala saakin dba?

𝘈𝘬𝘰

𝘕𝘰𝘵 𝘺𝘦𝘵. 𝘞𝘩𝘢𝘵 𝘥𝘰 𝘺𝘰𝘶 𝘸𝘢𝘯𝘵?

Napataas naman ang kilay ko dahil walang pang 1 minute ay nakapagreply na siya kaagad.

𝘑𝘢𝘬𝘦

𝘕𝘰𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨, 𝘐 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘱𝘪𝘤𝘬 𝘺𝘰𝘶 𝘶𝘱 𝘵𝘰𝘮𝘰𝘳𝘳𝘰𝘸.

Hihindi na sana ako nang magtext pa sya ulit.

𝘑𝘢𝘬𝘦

𝘋𝘰𝘯'𝘵 𝘴𝘢𝘺 𝘯𝘰.

Napairap naman ako at umoo nalang at pinatay ang phone ko.

Maaga pa ako papasok bukas kaya natulog na din ako.

"Anong lulutuin mo Meredith?" Tanong sakin ni Stacy.

"Of course the original, Pizza" tumango naman siya at tumingin kay Zara na tinitignan kung kumpleto na ba ang mga ingredients nya.

"I'm gonna cook Risotto" sabi naman ni Stacy at nakangiting pinakita ang cookbook nya.

Pwede naman daw kasi gumamit non.

Si Zara naman ay pinakita din ang isang ingredient para sa lulutuin nya.

"Arancini" sabi nito at pinakita ang breadcrumbs.

Maaga pa naman at wala pa si Sir David, si Sir David kasi ang una naming prof at may quiz kami sakanya.

Nakapagreview naman na kami at ang sabi naman ni Sir ay madali lang ang quiz namin.

"Good Morning Class" tumayo kami kaagad dahil nakita naman si Sir David.

"Good Morning Sir" sabay sabay naming sabi.

"You may now seat"

Binigay na nya kaagad ang quiz papers saamin. Nagbigay lang sya ng 1 hour para sa pagt-take ng quiz.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now