02

613 15 0
                                    

I just want to say thank you for voting and reading I Love You, Sir!! This chapter is dedicated for you DenRei80!!

Chapter 2

Pagkatapos mangyari yun ay hindi ko na mawala sa isipan ko kung bakit namumula si Liam. Masyado na ata talaga syang nabaliw sa lalaking iyon.

Pero crush lang naman nya talaga yun. Paghanga lang at hindi na aabot kung saan.

Lutang akong umuwi sa bahay namin. Saka lang ako nakatauhan ng tinapik nako ni manang. "Edith okay kalang ba?" Gulat naman akong napatingin sakanya.

Nag-aalangan akong tumango at ngumiti sakanya, "Mabuti naman at pinapatawag ka ng daddy mo doon" sabi nito na ikinawala ng ngiti ko.

Ano nanaman ba ang kailangan nya?

Pagkapasok ko sa mansyon ay nakita ko kaagad sya sa sofa, nakaupo at nagbabasa ng newspaper. Hapon na pero nagbabasa pa din siya.

Umirap ako at nilapitan sya.

"Ano pong kailangan nyo Dad?" Magalang kong tanong at tinignan sya. Nag-angat naman sya ng tingin at ngumiti saakin, iyang ngiti nanaman nayan may kailangan nanaman siya.

"What? Say it dad" malamig kong sabi sakanya, ngumuso sya na parang bata.

"Dad, say it may assignments pa po akong tatapusin" sabi ko dito, ngumiti naman sya ulit kaya alam ko ng sasabihin na nya.

"Can you buy me donuts? Your mom and I are craving for that" nakangiti nyang sabi. Tumango nalang ako dito, as if I have a choice Dad.

"Okay, thank you sweetheart! Go change and buy me donuts" pangangasar nya pa saakin at pinatalikod ako at tinulak ng mahina.

Napailing nalang ako at tumaas na sa kwarto ko. Lagi nalang ganun si Daddy kapag ka may kailangan siya saakin, nandyan naman sila manang at mga yaya para bumili pero ako talaga ang inuutusan nya.

Ang paliwanag nya ay dahil ako lang ang nagiisa nyang anak at gusto daw nyang pagsilbihan ko sila ni Mommy. Well, wala namang kaso saakin iyon pero hindi ko alam kung bakit lagi ako.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba kaagad ako at nakita ko kaagad si Mommy na nakangiti saakin. Isang hakbang nalang sa hagdanan ay siya na ang lumapit at niyakap ako na parang hindi kami nagkita kaninang breakfast.

"M-mom I c-can't breathe" nahihirapan kong sabi. Natauhan naman si Mommy at agad kumalas ng yakap saakin at nag-aalalang hinawakan ang magkabilang pisnge ko.

"Are you alright baby?" She sotfly said. Tumango naman ako at ngumiti sakanya.

Matanda na din kasi ng pinanganak ako nila Mommy nasa 40's na sya at si Daddy naman ay 50's na nung nabuo ako kaya grabe nalang ang pag-aalaga nila saakin.

Hindi naman ako nagrereklamo pero minsan kasi ay nasosobrahan na sila. Naiintindihan ko naman.

"Mommy, okay lang po ako. Sige na po at bibili na ko ng Donuts nyo okay?" Malambing kong sabi sakanila. Sakanila ko lang pinapakita itong side ko na toh pati din kila Zara at Stacy.

Sa iba kasi ay malamig ako o masungit kaya nga nagtataka ang mga estudyante sa Valencia Highschool kung bakit iba ang pakikitungo ko sakanila. Lalo na sa mga lalaki na nagbabalak manligaw saakin.

"Okay, here" sabi ni mommy at inabot ang credit card nya. Humalik na ako sa pisnge nya at umalis na, nagpahatid lang ako kay Manong Artin para pumunta sa J.Co, dito kasi ang favorite nila Mommy.

Pagpasok ko doon ay napapikit kaagad ako dahil naamoy ko kaagad ang mga donuts at kape. Pinatili kong walang emosyon saaking mukha habang naglalakad papunta sa counter.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now