35

264 8 1
                                    

Chapter 35

Madami kaming nagawa ni Jake sa New York sobrang saya ang naramdaman ko dahil sa nangyari noong pasko.

Naging sobrang clingy si Jake saakin na minsan kinaiinisan ko pero alam ko namang nagugustuhan ko.

May takot pa din akong nararamdaman pero handa na akong sumugal para kay Jake. Mas madami na din ako nalaman kay Jake sa loob ng ilang linggo na pagsasama naming dalawa dito sa NY.

Favorite nya pala cookies na binabake ko, ang sabi kasi ni Manang pagkahinahanap ko ay ubos na daw. Kapag tinatanong ko naman kung sino ang nakaubos ay hindi ako nito sinasagot.

Mahilig din palang magdrawing si Jake, kaya pala nasa Architect course siya nagtuturo. Ginawan niya nga ako ng portrait. Mahilig din itong magpicture.

Hindi ko inaasahan na ganun pala si Jake at nilamon ako ng kainisan sakaniya. Ngayon ay nagiging masungit naman ako sakaniya pero mas lamang na ang pagiging asawa ko dito. Ako ang nagluluto ng pagkain namin. Siya naman ang naghuhugas at sana ay ganito nalang kami palagi.

Namimili lang kami ng mga pasalubong dahil sa makalawa ay uuwi na kami ng Pilipinas. Sa Pilipinas kami magn-new year dahil iyon ang gusto ni Jake at ang gusto niya ay kaming dalawa parin ulit.

Hindi naman na ako tumutol doon dahil asawa ko naman siya at gusto ko pa din siyang makilala.

Pumasok kami sa mga luxury brands dito at si Jake ang nagbabayad. Basta ang sinabi niya ay kunin ko ang mga gusto ko at siya ang magbabayad.

Tumutol ako nung una dahil may pera naman ako pero ang nagalit lang siya kaya wala na akong nagawa.

"What else do you want, love?" Tanong niya saakin habang nakahapit ang braso nito sa bewang ko.

Laging magkadikit na kami simula nung pagkatapos mangyari iyon.

"Wala na, umuwi na tayo." Sabi ko at pilit kinukuha ang isang paper bag sakaniya.

Pero inilayo niya iyon kaya napanguso ako. Hinalikan naman ni Jake ang labi ko kaya natigilan ako. Lagi niyang ginagawa iyon pagnakikita niya akong nakanguso.

"I said, everytime you do that I will kiss you. You seem to like it." May pang-asar na ngiti na ibinigay si Jake saakin kaya napairap ako.

"You wish!" Sabi ko at nauna na sakaniya palabas ng Louis Vitton.

"Hey wait up!" Sigaw nito at dali-daling sumunod saakin.

Nang makarating sa hotel ay ibinagsak ko kaagad ang katawan ko sa kama. Sobrang nakakapagod pala mag-ikot dito sa New York.

Pagod na pagod na ako kaya hindi ko na natanggal yung boots na suot ko.

Nang makita ako ni Jake ay ningitian ko siya na nanghihingi ng tulong.

"Can you remove my boots, Please?" Sabi ko habang malambing na nakatingin sakaniya.

Tinanguan niya ako kaya nakahinga ako ng maluwag.

Binaba muna nito ung mga paper bags sa living area at binalikan ako.

Tinanggal na nito ung mga boots ko pati ang medyas ko kaya nakapikit akong nagpasalamat sakaniya.

"Thank you" mahinang sabi ko habang nakapikit.

Tumango lang ulit ito at nagpunta sa bathroom. Hindi ko na din kaya magshower kaya pilit akong umupo at tinanggal ang jacket ko at basta nalang ito hinagis.

Humiga ulit ako at handa na sanang matulog nang bumukas ang pintuan ng bathroom.

"Hey, you will not take a shower?" Tanong nito saakin.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now