44

178 4 0
                                    

Chapter 44

"Salamat at tapos na rin ang finals!" Sigaw naming lahat sa classroom.

Sinaway din naman kami ni Zara dahil sobrang ingay namin.

"So, ano bar tayo later?" Tanong ko. Mukhang nagulat sila Stacy na alam kong ganyan ang magiging reaksyon nila.

"Hey, first time mong magyaya ah!" Gulat na sabi ni Zara. Napangisi naman ako at ipinakita sakanila ang card ni Jake.

Nanlaki naman ang mga mata nila kaya natawa ako. "OMG!!!" Tumili pa si Stacy.

Hinampas ko naman si Stacy at inirapan dahil sa kaingayan niya. Baka marinig pa kami ng ibang kablock namin at sumama. Sinabi ko nalang na kinuha ko ito kay Jake kahit hindi.

Napagdesisyonan din naming ngayong friday at 8pm. Nagsitanguan na kami at lumabas na. Alam kong susunduin ako ni Jake ngayon kaya ayun ang sinabi ko sakanila.

Paglabas ko sa gate ay agad ko siyang nakita, para siyang hindi professor dito ah? Sabagay, may connections pala siya dito.

Agad agad akong pumasok sa passenger seat dahil baka makita pa kami ng ibang estudyante. Nakita ko naman ang pagpasok niya sa driver seat kaya natahimik na ako.

Tatakas ako mamaya dahil alam kong hindi niya ako papayagan and I want to be wild tonight. Kahit isang gabi lang ay maranasan kong maging ibang tao, kataliwas sa totoong pagkatao ko.

Hindi din naman kami nagkausap buong byahe at mabilis din kaming nakauwi. Pagkadating sa bahay ay para akong bata na agad pumasok sa bahay at dumiretso sa kwarto namin.

Kailangan kong gumawa ng plano mamaya. Pumasok na ako sa banyo para magshower, magbibihis nalang ako mamaya at makatakas ng maayos.

Napakunot noo naman ako dahil mukhang may kausap si Jake sa cellphone niya.

"I can't go there bro, my wife is here." Napairap naman ako dahil feeling ko ay si Steven ang kausap niya.

Magkakaibigan nga sila dahil pareparehas na mga babaero!

"Tsk, okay fine." Yun lang ang narinig ko kaya nagpatay malisya ako na lumabas ng banyo na nakapangbahay na.

Tinago ko sa closet ko yung mga binili ko para mamayang gabi. Maaga pa naman at alam kong hindi kaagad ako makakaalis dahil nandito pa si Jake.

Alam kong nakita na ako ni Jake pero hindi ko siya pinansin. Umupo na ako sa kama dahil matutulog ako kunwari. Para hindi siya magisip ng kung ano ano.

"Wife" tawag nito saakin.

"Hmm?" Sagot ko.

"I'll just go to Steven's. I'll come back at 10 pm okay?" Sabi nito na ikinatigil ko.

Napangisi naman ako dahil makakatakas na talaga ako mamaya na hindi nahihirapan.

"Okay." Sabi ko.

Nasa Crimson's Bar na ako at kakadating ko lang, nalate ako dahil totoong nakatulog ako at paggising ko ay wala na si Jake kaya natuwa ako.

Agad agad kong hinanap sila Zara at napangiti naman ako dahil nasa bar counter sila at mukhang umoorder na.

Mukhang nagulat pa sila sa itsura ko at naninibago. I just want to be free tonight.

"Meredith, buti naman at nandyan ka na!" Sabi ni Stacy saakin. Napailing naman ako sakaniya, nakita ko naman ang tequila kaya ininom ko kaagad yun.

Napalibot naman ang tingin ko sa buong bar at mukha ngang maganda iyon dito kahit kakabukas lang. Ayaw ko namang dito lang kami sa bar counter kaya niyaya ko sila sa couch.

Pagkaupo palang namin ay tumawag kaagad ako ng waiter. Gusto kong sulitin itong gabi na malaya ako. Nagorder ako ng hard drinks kaya nagulat si Zara.

"Hey, are you okay Meredith?" Nagaalalang tanong nito saakin.

I'm not, hindi ko alam pero feeling ko kasi may paparating na problema at hindi ko pa nahahanda ang sarili ko para doon.

Ngumiti ako ng pilit sakanila at pinakitang masaya ako. "I'm fine, Zara tapos na ang finals kaya dapat magcecelebrate tayo noh!" Masayang sabi ko at nakipagcheers kay Stacy.

Sumapit ang 11pm at sumayaw kami na kami sa dancefloor. Bumalik din naman kami kaagad sa couch dahil masyadong crowded sa dancefloor.

May pilyo naman akong naisip kaya napangisi ako.

"Magbodyshot tayo guys!" Sabi ko na mukhang kinagulat nila. Pero si Stacy ang unang nakabawi dahil natuwa pa ito.

Si Zara naman ay umayaw, loyal kay Timothy.

Nagkatinginan kami ni Stacy at tumango sa isa't isa, tumayo na kami at naghanap ng bibiktimahin.

Nakahanap naman kami kaagad kaya nilapitan ko ito.

"Hi!" I said while smiling.

Saglit pa akong natigilan dahil may itsura yung lalaki. Well, wala na akong pakielam at gusto kong matry toh.

"Can I bodyshot you?" Tanong ko dito. Napangisi naman yung lalaki at tumango. Natuwa naman ako at nilagay na yung asin sa leeg niya. Madali lang pala siyang kausap eh.

Hawak ko sa isang kamay yung shot ng tequila at ininom yun. Didilaan ko na sana yung leeg nung lalaki nang may humila saakin palayo. Pagbalik ko ng tingin sa lalaki ay nakahandusay na ito sa sahig at gulat ako na tumingin sa likod ni Jake na binubugbog yung lalaki.

"Jake! Stop that!" Pilit ko siyang nilalayo doon pero mukhang wala siyang pakielam. Nasaamin na din yung mga atensyon ng tao at may napapasigaw pa sa gulat.

Nang sa wakas na napigilan ko si Jake ay hinawakan naman ako nito sa bewang dahil muntikan na akong matumba. Ngayon palang kasi talaga ako uminom ng ganto at hindi sanay ang katawan ko.

Galit ako nitong tinignan. "I said use my card for your bags and dresses not for this!" Galit na sabi nito saakin.

Narinig ko naman ang tila na boses ni Steven kahit na nakatuon ang pansin ko kay Jake.

"Bro, I'll take home Stacy." Sabi nito kila Jake, tumango lang naman si Jake pero umangal kami ni Zara.

Hindi pwede dahil manloloko yang Steven na yan!

"Hey, don't touch her!" Sigaw ko dito pero nakalayo na pala sila.

Nahilo naman ako bigla kaya binuhat na ako ni Jake. Pero rinig ko pa din ang huling sinabi nito bago ako makatulog.

"You! I'm giving you a punishment for doing this! Doing bodyshot to a boy hmm? Mrs. Montenegro." Rinig kong huling sabi nito kaya kahit nahihilo ay kinakabahan ako.






~~~
A/N: Papunta palang tayo sa exciting part guys!




ᴋᴀsᴜᴍɪᴡʀɪᴛᴇs



My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now