56

79 0 0
                                    

Chapter 56

Huminga ako ng malalim at sinarado na ang pinto.

Tumayo si Jake at naglakad papalapit saakin.

"How's your vacation?" Tanong nito.

Umiwas ako ng tingin at bahagyang lumayo sakaniya. Ngumisi si Jake at hinawakan ako sa bewang para hapitin papalapit sakaniya.

Hindi ko siya sinagot at sinamaan ng tingin.

"May ginawa ka pang kasalanan kay Liam." Mariin na sabi ko.

Ang galing niya talagang umakto na parang wala lang. Na parang wala siyang sinaktan na tao.

"I know. He deserved it. He tried to steal you away from me again." He said.

Umiling ako sakaniya at lumayo.

Kumunot ang noo niya saakin.

"Hindi na tayo, Jake! Tapos na tayo! Hindi na ako natutuwa sa mga kinikilos mo!" Sabi ko.

He scoffed and smirked at me.

"I can't let you go, Meredith. You're mine. And besides, asawa mo pa din ako!" Sabi niya na ikinagulat ko.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sakaniya. Pero siya ay ningisian lang ako at lumapit saakin.

Natulala ako at hindi alam ang gagawin. All these years I thought, wala na kami. Akala ko tapos na kami, pero hindi pa pala. Kaya pala ang lakas ng loob niya na angkinin ako.

Niyakap niya ako ng mahigpit habang may kung anu-anong binubulong sa tenga ko.

"What do you mean na asawa mo pa din ako?" Mahina kong sabi.

Lumayo siya sa pagkakayakap saakin at hinawakan ang pisnge ko.

"Yes love, we're still married. I didn't signed the divorced papers." Nakangiting sabi ni Jake.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, nanghina ang mga tuhod ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Naghalo-halo ang mga emosyon ko. Hindi ko alam ay bigla nalang nandilim ang paningin ko at bumagsak ako. Narinig ko pa na tinawag ni Jake ang pangalan ko bago ako mawalan ng malay.



"Meredith...."

Kumunot ang noo ko at dahan-dahan na minulat ang mga mata ko. Nainis pa ako dahil sa tumamang sinag ng araw sa mata ko.

Nilingon ko si Jake at napasinghap ako sa itsura niya.

Wala siyang damit pantaas habang nakangiti saakin. Tinignan ko ang paligid ko at nakahinga ako ng maluwag dahil nasa sariling kwarto ko ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Bumangon na ito kaya napaiwas ako ng tingin sakaniya. Ayaw kong makita pa ang katawan niya.

"You can look now." Sabi niya.

Umirap ako at hinarap siya.

Tumayo na rin ako sa kama at hinarap siya.

"Ano pang ginagawa mo dito?"

Sumeryoso ang tingin nito saakin at humalukipkip.

"I don't want to leave. You're still my wife and I'll do everything to get you in my arms again." Sabi niya.

Kahit alam ko na ang totoo ay nakakagulat pa din dahil kasal pa din pala ako sakaniya.

"Pano nangyari yun? Pinermahan ko na ang divorced papers. Pero ikaw! Hindi mo ginawa! Yes, you didn't cheated on me. Pero hindi yun sapat na dahilan para hindi moko palayain!" Sabi ko.

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now