58

169 1 0
                                    

Chapter 58

"Party party, everyone!!!" Sigaw ni Jessie.

Naghiyawan kami at sabay sabay na pinagtaas ang mga shotglass namin.

Tuwang-tuwa talaga ako ngayong gabi dahil sa pinaggagawa ni Jessie.

Talagang tinupad niya ang dream bachelorette party ko.

Sobrang dami pa ang nangyari ng gabi na yun. May mga dancers siyang kinuha pero saglitan lang iyon. Nagkwentuhan at nag-inuman kami. Nagbigay din sila ng mga regalo saakin.

Kung ano ano nga ang pinagbibigay nila. Puro lingerie at kung anong toys. Ang sabi pa nga ni Jessie ay gamitin ko daw iyon.

Sinabi niya din saakin na bitinin ko daw si Jake. Nahihiya nalang ako sa mga pinagsasabi nila. Hindi na kami mga bata pero hindi kasi ako sanay sa mga topic na ganun.

After ng party ay nanood lang kami ng movie sa room ni Jessie.

Tumabi ako kay Jessie at niyakap siya.

"Sobrang thank you, Jessie. Grabe tinupad mo yung dream bachelorette party ko." Sabi ko habang nakangiti sakanya.

Ngumiti lang siya saakin.

"I just want you to be happy, Meredith. Lahat kayong mga kaibigan ko na ikakasal ay ako ang gagawa bachelorette party nyo." Sabi niya.

Ngumiti naman ako at sinandal ang ulo sa balikat niya.









Nakaharap ako ngayon sa salamin habang nakatitig sa mukha ko.

10 years ago ay nakatitig din ako sa salamin na toh. Ang magkaiba nga lang ay noon hindi ko mahal ang pakakasalan ko. Pero ngayon, papakasalan ko siya ng buong puso. I can still remember how Jake creeped it me out when we first met.

I really felt bad kung paano ko tratuhin si Jake nung mga panahong hindi ko pa siya mahal.

But, he can't blame me. He's really creepy and weird. At tsaka, masyado pa akong bata noon. I was immature. Inaamin ko naman yun noon. But now, I know naman na nagimprove ako sa sarili ko. Yun naman talaga ang ginawa ko.

Pero siguro, dahil sa sobrang sakit ng ginawa ni Jake saakin ay napagsalitaan ko nanaman siya ng mga masasakit na salita.

Ayaw ko na alalanin lahat ng mga yun. It's a special day for the both of us. I don't want to ruin it. I just want to be happy with him. We started from a rough start. But, I will make sure that we will end up happy.

I know that problems and challenges will come to us. We will just make sure that we will overcome it and find a way to come back to each other's arms again.

I love him and he loves me. He fighted for me. Now, I will fight for him too.

Ngumiti na ako sa salamin at pumasok na si Jessie.

"Let's go na Meredith! Nasa simbahan na si Jake. Ang bride nalang daw ang hinihintay." Sabi ni Jessie at inalalayan na ako.

Nandito din si Jasmin at ningitian din ako.

"Sobrang saya ko na finally, magiging masaya kana ulit." Sabi niya saakin.






Nasa simbahan na kami. Nasa likod na ako ng malaking pintuan ng simbahan.

Pagbukas ng pintuan ay saktong pagtugtog ng kantang.....If Ever You're In My Arms Again.

Habang naglalakad ay nakatingin lang ako kay Jake. Nakangiti ito saakin habang nakatingin din saakin. He was nervous. I can really see it. I laughed at him. He's cute while smiling nervously.

Si Timothy ang Best Man niya. Noong unang kasal kasi namin ay si Steven. Ang maid of honor naman ay si Zara.

Sobrang saya ako ngayon. Kahit na ako lang ang mag-isang naglalakad papunta sa altar ay ang iniisip ko nalang ay nasa tabi ko pa din ang mga magulang ko.

I know that they're happy for me. Alam kasi nila na tama sila ng taong pinagkatiwalaan. Kahit nasaktan man ako ni Jake ay sakaniya pa din pala ako babagsak. Kahit anong paghindi at paglayo sakaniya ay sa huli, sakaniya pa din ako papalapit. He was not my first crush, but, he was my first in everything.


Nakalapit na ako sakaniya at kinuha ang nakalahad niya na kamay. Ngumiti ako sakaniya ng binigay ko ang kamay ko. Sabay kaming humarap sa pari.


"Now, it's the time to say your vows...." sabi ng pari.

Si Jake ang nauna sa pagsabi ng vows namin.

"Meredith Cristine Sanmonte, my wife, my love. I didn't prepare any vows to memorize..." sabi niya. Rinig ko naman ang tawanan ng mga kaibigan niya. Pabiro niya itong sinamaan ng tingin kaya tumigil din ang mga kaibigan niya.

"Because, I want this to come from the bottom of my heart. When I first you...I knew that you're the one who I want to marry. I started to stalk you. I started to be obsessed with you. But, none of that I regret. I didn't regret coming late to my meeting in that place. Our first wedding was not full of love. It's because you can't love me back." He chuckled.

Nakatitig lang ako sakaniya habang nagsasalita siya.

"But, I'm so happy that finally! We're happy and you're inlove with me. I vow to you that I will follow everything that you want me to do. Hindi ako magrereklamo. I won't hesitate to do anything you want. I vow to be the best husband that you can imagine. I will choose you everyday and forever. Until death do us part, my love." He said while staring at me lovingly.

Now, it's my time to say my vow.

"Jake Andrei Montenegro, my love. I may not perfect. I will not deny that the first time we met. I really think that you're weird. I mean, you can't blame me. I was really mad at you that time, especially on the first wedding. But, I don't want to focus on that. Everyday that we're together 10 years ago. I learned how to love you. Loving you wasn't hard. Yes, you're not the perfect husband that I dreamed. But, you're the husband that will do everything for me. And I love you for that. I vow to you that I will choose you everyday. I vow to give my full trust in you. I vow to you that I will the best wife for you. I may not love you from that start. But, know that I love you and I will love you until the end. Till death do us part, my love." I said. He smiled at me.

"With the power vested in me....I pronounced you husband and wife. You may now kiss the bride." The priest said.

Ngumisi saakin si Jake bago inangat ang veil ko. He kissed me passionately and slow. He kissed my lips lovingly and I kissed him too with the same pace.

Humiwalay na kami sa isa't isa at ngumiti na sa mga tao sa simbahan. Nagpalakpakan sila habang ako naman ay malaki ang ngiti at tinaas ang boquet ko.


Indeed, this is my dream wedding!




~~~
A/N: Thank you for reading!





ᴋᴀsᴜᴍɪᴡʀɪᴛᴇs

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Husband Professor (Professor Series 2)Where stories live. Discover now